FOURTY - BABY BOYS

56.8K 1.2K 35
                                    

GABRIELLA’S P.O.V.


NARITO KAMI NI James ngayon sa hardin ng mansyon niya, nilalakad niya ako para kapag nanganak na ako ay hindi raw ako mahirapan. Malapit na rin kasi akong manganak, ilang araw na lang. Natatakot nga ako dahil pakiramda ko ay hindi ko kayang ilabas ang kambal.
“Sweetheart, maupo ka muna at ikukuha kita ng pamunas,” sabi ni James at inupo ako sa upuan, tumango ako at napagod na naupo. Grabe, sinong hindi mapapagod kung napakabigat ng dinadala mo? Tumingin ako sa katawan ko na mataba na at sa dibdib ko na lumaki na rin. 
Napatingin naman ako sa phone ni James nang mag-ring ito, nakita kong si Mama ang tumatawag. Close ko na siya dahil humingi na rin sila ng patawad sa akin na agad ko namang pinatawad. Kaya masaya ako ngayon at wala nang humahadlang sa pagsasama namin. 
“Hello, Mama!” nakangiti kong bati sa kanya na rinig ko namang tinawanan niya.
“Ikaw talaga, walang oras na hindi ka masigla. Oo nga pala, kumusta ka na? Malapit ka nang manganak, ’di ba?” nangangamusta nitong sabi.
“Ayos lang po, ito nga po nag-e-exercise po ako para maging maayos ang paglabas ng baby namin.” Narinig ko naman na napabuga siya ng hangin at tila nakahinga nang maluwag.
“Very good. Pupunta nga pala ako d’yan sa inyo kasama ang Papa n’yo. Babantayan ka namin baka manganak ka na agad.” Tumango-tango naman ako na akala mo ay nakikita nito.
“Okay po. Sige po, bye!” paalam ko at ibinaba na ang tawag.
Huminga ako nang malalim at napatingin sa singsing na suot ko, hinaplos ko ito at napangiti. Naalala ko kung paano kami ikinasal kahit na sa judge lang muna, at least may papel na panghahawakan ako na asawa ko si James.
Mula nang magising ako mula sa hospital ay naging busy na rin ang lahat. Si James ay ginagabi na ng uwi, naghihinala nga ako na baka may ginagawa siya na hindi ko alam. Tapos ’yong mga katulong, kakausapin ko pa lang, iiwan na agad ako at sinasabi na may gagawin pa raw sila. Tapos ang mama naman ni James ay lagi siyang may pinapasukat na white dress sa akin na hindi ko naman alam kung para saan.
Hindi ko talaga alam kung bakit sila hindi magkandaugaga.
Nagpunta ako sa hardin nitong bahay nila mama hanggang sa napadpad ako sa halamanan na napapalibutan ng maraming paruparo. Nasisiyahan na inilapit ko ang mga ito at pinagmasdan sila. 
“Wow! Ang gaganda n’yo naman, buti pa kayo sama-sama. Ako? Ito, tila nakalimutan na ’ata ng mga tao rito,” nakanguso kong sambit. Naupo ako sa upuan na malapit dito at nakapalumbaba na tinitigan sila. Ang gaganda kasi, hindi ko naman pwedeng hawakan dahil baka umalis.
Nakita ko ang isang paruparo na dumapo sa balikat ko, napangiti at hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. 
“Señorita! Nasaan po kayo?! Señorita!” rinig kong sigaw ni Marie. Dahil sa gulat ay umalis tuloy ang paruparo sa balikat ko.
Tumayo ako at lumapit kay Marie na patuloy na naghahanap.
“Marie!” Lumingon naman siya nang tawagin ko siya, para siyang nakahinga nang maluwag base sa expression ng mukha niya.
“Diyos ko! Señorita! Nariyan lang pala kayo, kailangan n’yo pong magbihis!” nagmamadali nitong sabi na kinakunot ko ng noo.
“Huh? Bakit kailangan kong magbihis? May pupuntahan ba ako?” nagtataka kong tanong.
“Señorita, hindi n’yo po alam?” pabitin naman nito.
“Hindi alam na ano? Sabihin mo na, binibitin mo pa ako, e,” naiinip kong sabi sa kanya. 
“Birthday po ngayon ng Señorito . . .” Napamaang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na ngayon pala ang birthday niya. Ano ba ’yan! Akala ko alam ko na lahat. Bakit nga ba nakalimutan kong tanungin ang kaarawan niya?
“Hala! Paano ’yan? Wala akong regalo . . .” nag-aalala kong sabi. Nakita ko naman na ngumiti siya at napapataas pa ang kilay.
“Oo n’yo lang po ayos na. Tiyak ko na matutuwa iyon.” Naguluhan naman ako sa ‘oo’ na sinasabi niya.
“Anong Oo? Bakit? Para saan ba ’yon?” naguguluhan kong sabi.
“Basta! Halika na po, tiyak kong naghihintay na ’yon. Naku, baka magalit na naman sa akin iyon!” Hindi na ako nakaangal pa dahil hinatak na niya ako.
Madilim ang paningin ko dahil nakablind-fold ang mga mata ko. Nakasuot ako ng white dress, nakakahiya nga kasi ang taba-taba ko na. Pero ang kinababahala ko ay kung nasaan ako ngayon? Nakaupo lang kasi ako dito sa loob ng kotse.
Naramdaman kong bumukas ang pinto at inalalayan ako sa pagbaba.
“Sino ka?” kinakabahan kong tanong. Baka mamaya kasi kung anong gagawin sa akin nito. Hindi siya nagsalita, inalalayan niya lang talaga ako. Ewan ko pero parang pamilyar ang pabango niya.
Huminto kami at tinanggal niya ang blindfold ko. Idinilat ko ang mga mata ko ngunit ipinikit ko rin agad dahil nasilaw ako sa liwanag. Nang maka-adjust ako ay napatakip ako ng bibig at napatingin sa lalaking katabi ko na nakatitig sa akin. Napakagwapo niya sa suot niyang puting tuxedo at black slack pants, may rose pa sa bulsa ng suit niya. Naka-gel din ang buhok niya na medyo kulot na lalong nakapagpagwapo sa kanya. 
“Ano ’to?” naguguluhan kong tanong dahil para kaming ikakasal. 
Lumuhod si James na siyang ikinagulat ko.
“My Gabriella, alam ko na marami akong problema na idinulot sa buhay mo. I’m sorry, kung hindi man lang kita maipagtanggol minsan. Alam ko na kahit ako pa ang tinagurian nilang Lord ay may kahinaan din ako, at ikaw ’yon. Ngayon, hindi na isa lang ang kailangan kong protektahan, kundi kayo nang mag-iina ko.” Nakatitig at seryoso niyang sinasabi iyon. Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa mga sinabi niya.
“Patawarin mo rin ako kung may times na mahigpit ako at minsan naikukulong kita. Ayoko lang kasi na may makakita sa ’yo na ibang lalaki na aagawin ka sa akin. I admit na may pagka-possessive ako, pero hindi maiiwasan ’yon dahil ang ganda mo kasi,” nakangiti niyang pagpapatuloy sa sinabi niya. Namula naman ang mukha ko nang magtilian ang mga tao. Pinalo ko siya habang pinapahid ang luha ko. Ano ba ’yan! Pinaiyak tapos papatawanin ako, hmp! Sumeryoso ulit siya at huminga nang malalim na tila kinakabahan.
“Sweetheart, sa harap ng mga tao na narito ngayon, gusto ko na ibahagi sa kanila kung gaano kita kamahal. Hindi matatawaran ng ano mang salapi ang aking pagmamahal sa ’yo. Gusto ko sana na may panghawakan ako para hindi ka maagaw sa akin ng iba.” May kinuha siya sa leeg niya, ’yong kwintas niya na lagi kong nakikita na suot niya. Tinanggal niya ang isang singsing at hinarap sa akin.
“Alam mo ba na bata ka pa lang nang makita ko ito. Nagandahan ako at ikaw agad ang naisip ko, sabi ko pa sa sarili ko na ‘I give this ring to you, pagna-angkin na kita.’ Kita naman dahil nakadalawa pa nga tayo.” Nahihiya na nagbaba ako ng tingin. Kasi naman kailangan pa bang sabihin ’yon? Nagtilian tuloy ang mga bisita.
“Sweetheart . . .” tawag niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya at nakita ko sa mata niya na tila nangungusap. “Marry me . . .” walang paligoy-ligoy niyang sabi at isinuot na ang singsing sa daliri ko na hindi man lang kinuha ang pahayag ko. 
“Hindi pa nga ako nakakasagot, e!” nagtatampo kong sabi na ikinangiti niya.
“Hindi na kailangan, dahil kahit ayaw mo, wala ka nang magagawa,” nakangisi niyang sabi kaya kinurot ko nga. 
“Ang daya mo!” nakanguso kong sumbat sa kanya.
“Walang madaya kapag isa kang Esteban, sweetheart. Alam ko naman na ‘oo’ rin ang sagot mo,” pilyo niyang sabi. Aba! Napakahangin. Maniningkit ang mga mata ko na tiningnan siya, umiling-iling siya at hinawakan ako sa baywang para iharap sa judge. 
“Dito ka na lang sumagot ng Oo.” bulong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Ahemm! Pwede na ba natin simulan ang seremonya?” pag-agaw atensyon ng judge kaya tumango at ngumiti kami rito.
Nagbigay ng seremonya ang judge at binigyan kami ng payo para sa buhay may-asawa at kung ano ang mangyayari kapag nagsama na kami. Pagkatapos, ay tinatanong na kami.
“Ikaw Gabriella Cruz, sang-ayon ka ba na maisalin sa ’yo ang apelyido niya?” malat na sabi ng judge, matanda na rin kasi siya kaya iintindihin na lang namin. Tumingin ako kay James at ngumiti.
“Yes po,” sagot ko.
Humarap naman ako kay James nang pinagsiklop niya ang kamay namin.
“Ikaw James Esteban, sang-ayon ka ba na ibahagi sa kanya ang iyong apelyido?” 
“Yes, Judge,” nakangiti niyang sagot at kumindat sa akin. Diyos ko! Ang gwapo niya! 
“Pirmahan n’yo na ang dokumento na magsasaad na kayo ay kasal na sa papel,” sabi ng jugde at may inabot na papeles. 
Nakangiti naman na pinirmahan ito at inabot sa kanya.
“Iaabot ko na lang ito kapag ayos na ang proseso. Congratulations sa inyo!” nakangiti nitong sabi habang nakalahad ang kamay, masaya ko naman na inabot ang kamay niya. Tumingin ako kay James na tila walang balak na makipagkamay, nakatitig siya nang masama sa judge na tila natakot na. Siniko ko siya na siyang ikinaharap niya sa akin, binigyan ko siya ng babalang tingin. 
Natawa ako nang magsalubong ang kilay niya habang nakikipagkamay na tila napipilitan lang. 
Humarap ako sa mga tao, pero nagawi ang tingin ko sa may pinto. Para kasing may nakita akong babae na nakasilip.
“Hey, sweetheart. Are you okay?” nag-aala niyang tanong at tumingin sa tinitingnan ko.
“Para kasing may nakita akong babae na nakamasid. Hindi ko lang mamukhaan dahil naka-hoodie jacket . . .” nalilito kong sabi. Narinig ko naman na huminga siya nang malalim at hinawakan ako sa kamay.
“Baka may hinihintay lang iyon sa kabilang office.” Tumango naman ako sa sinabi niya at tumingin sa kanya na nakatitig pala.
“Bakit?” nalilito kong tanong. 
“’Yong kiss ko wala pa . . .” sabi niya at ngumisi. Namula ang mukha ko at nag-iwas ng tingin bago tumalikod sa kanya. Huminga muna ako nang malalim at humarap ulit.
“Ano, birthday mo naman—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinalubong niya ako ng halik. Nagulat ako nakatingin sa kanya habang siya ay nakapikit na humahalik sa akin. Bumitiw siya at ngumiti habang humawak sa magkabila kong baywang.
“Alam ko, hindi mo alam ang birthday ko. Dahil dati hindi ko talaga gusto i-celebrate iyon, pero ngayon, gusto ko nang i-celebrate iyon kasama ka.” Napangiti naman ako sa sinabi niya at pinisil ang magkabila niyang pisngi. Ang gwapo-gwapo kasi, nakakainis!
“Ngayon, alam ko na ang birthday mo. May ihahanda na akong regalo sa ’yo sa susunod,” nakangiti kong sabi at niyakap siya. Niyakap naman niya ako pabalik nang mahigpit.
“Thank you!” Iyon lang ang sinabi niya pero tagos sa puso ko ang sinseridad ng boses niya, kaya niyakap ko siya nang mahigpit at pumikit.
“Sweetheart.” Napukaw ako nang tawagin ako ni James na may dalang bimpo at pulbos. Diyos ko! Baby powder talaga? “Tumalikod ka at pupunasan ko ang likod mo,” utos niya kaya sinunod ko.
“Oo nga pala James, sabi ni Mama pupunta raw sila ni Papa rito. Kaya pwede kang bumisita muna sa trabaho mo.” Naramdaman ko naman na tumigil siya sa pagpunas dahil sa sinabi ko. 
“Hindi, hindi muna ako papasok. Baka mamaya ay manganak ka na, tapos wala ako rito,” tanggi niya sa sinabi ko kaya tumango ako at siya naman ay nagpatuloy na sa pagpupunas.
Maya-maya lang ay parang may nangyayari sa tiyan ko na tila naramdaman din niya.
“Sweetheart, naihi ka ba?” nag-aalala niyang tanong. Nakakandong kasi ako kaya ang binti niya ang nabasa.
“James, ang sakit ng tiyan ko . . .” mahina kong sabi na kinataranta niya.
“Shit! Sweetheart, manganganak ka na!” Nagmamadali at taranta niya akong itinayo at binuhat. Napakapit ako sa leeg niya dahil ang sakit na talaga.
“J-James, ang sakit! H-hindi ko na kaya!” Umiiyak na ako dahil sa sakit, pinasok naman niya ako sa kotse at nakita ko rin na naglabasan ang tauhan niya at ang katulong na mga nataranta rin.
“Fuck! Bilisan mo, Mark!” pagmamadali niyang utos kay Mark na natataranta rin at hindi mai-start ang kotse.
Nakaalalay sa akin si James habang pinapatahan ako.
“Shhh. Sweetheart, kaunting tiis na lang at malapit na tayo. ’Wag ka nang umiyak, nandito lang ako,” pag-aalo niya, ramdam ko ang panginginig niya at kaba dahil nakasandal ako sa dibdib niya.
Ang sakit na talaga, parang may babagsak na.
“J-James, hindi ko na talaga kaya. Parang-parang lalabas na . . .” nakangiwi kong sabi na ikinanigas niya ng upo. Napakapit ako sa T-shirt ni James nang humilab ang tiyan ko.
“Heto na tayo, sweetheart!” nagmamadaling sabi ni James at paghinto ng kotse ay binuhat niya agad ako.
“Hey! Unahin n’yo ang sweetheart ko, bilis!” maawtoridad niyang utos sa mga nurse kaya nagsilapitan naman ang mga ito. Isinakay nila ako sa strecher at nagmamadali na tinulak habang nakahawak sa kamay ko si James at parang nanginginig.
Pagdating sa E.R. ay dapat na ipapaiwan si James, ngunit sinigawan niya ang mga ito kaya napapasok siya.
“Okay. Relax, Misis. Nakikita ko na ang ulo,” sabi ng doktora. 
Napahawak naman ako nang mahigpit sa kamay ni James at napapikit.
“Kaya mo ’yan, sweetheart. I’m here, kaya ’wag kang matakot.” pagpapalakas ng loob ni James sa akin.
“Mark, halika rito! Videohan mong manganak si Gabriella,” utos nito kay Mark na may inaabot na camera.
“Huh? Bakit hindi kayo ang mag-video? Baka mamaya magalit kayo sa makikita ko,” pang-aasar ni Mark na kinatuod ni James. Sinamaan niya ito ng tingin at pinalabas.
“Labas! Tsk!” asik niya rito na kinalabas naman ni Mark.
“T-tama na ’yan, masakit na!” nasasaktan kong sabi. Nakita ko naman siyang tumango at tumapat sa paanan ko para video-han ang paglabas ng mga anak namin. 
“Okay, inhale—exhale. Kapag sinabi ko na ire, umire ka nang todo, Misis,” paalala ng doktora na tinanguan ko lang.
“Okay, Ire!” Nang sabihin ng doktora iyon ay umire ako. 
“Iyan! Ganyan nga! Nakikita ko na ang ulo ng baby, ire pa!” Umire ulit ako at napapikit, hanggang sa may naramdaman akong lumabas.
“Ahhh!!!” sigaw ko at napahinga nang malalim.
Narinig ko agad ang iyak ng baby number one ko habang pinapalo siya sa puwet ng doctora. Tumingin ako kay James na nakatulala sa baby na lumabas. Ngunit hindi ko na muna initindi iyon dahil may humihilab na naman sa tiyan ko.
“Okay, isa pa! Pagsabi kong ire, ire!” Napakapit ako sa higaan at napapikit.
“Misis, ire!” sabi niya na ginawa ko naman.
“Ahhhh! James, video mo ’yan!” sigaw kong pairi kay James na nataranta na vinideohan ang panganganak ko.
“Uwahh! Uwahh! Uwahhh!” iyak ng isa pang baby ko. 
“Parehong boy ang anak n’yo,” sabi ng doktora.
Nakangiti ako nang makita ko sila, ngunit hindi ko kinaya ang pagod kaya nakatulog na ako.


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now