FOURTY THREE - TASTE THE DEVIL'S REVENGE

48.2K 999 8
                                    

NARRATOR’S P.O.V.


NAKANGISI HABANG NATUTUWANG pinapakinggan ni Martin Chen ang balitang nangyari sa pinakamamahal ni Esteban.
“Esteban! Esteban! Masyado ka kasing pakialamero, kung nanahimik ka na lang sana!” tumatawang sabi ni Martin habang nakaupo at nakamasid sa mga natitira niyang tauhan na busy sa pagsusugal.
May umupo sa tabi niya at alam niya kung sino ito.
“Nadispatya na ba ang babaeng iyon at maging ang anak niya?” tanong nito sa kanya habang kinuha ang lady’s drink nito.
“Nakakasiguro akong mamamatay ito, kaya cool ka lang, babe,” may ngiting manyak na sabi niya at hinawakan ito sa hita na napakaputi at makinis. Tinabig naman nito ang kamay niya at tumayo.
“Very good. Kailangan ko munang magsanta-santahan at paibigin itong muli, para maging akin na siya nang tuluyan,” nakangiting tagumpay na sabi nito sa kanya at umalis. 
Napapailing at napangisi siya. 
“Love sucks.” Napangiwi siya nang dahil sa naisip.

MULA NAMAN SA isang madilim na lote, may humintong dalawang kotse. Mula doon ay bumaba sina James at maingat na tinahak ang masikip na eskinita. 
Paglabas nila ay tumambad na sa kanila ang hide out, kung saan nagtatago si Martin Chen.
Sinenyasan niya ang mga kasama niya na maghiwalay habang siya ay kinakasa ang baril at nag-aalab sa galit ang emosyon na pinasok ang entrance ng building.
Sa kanyang pagliko ay may nakasalubong agad siyang tatlo na pagewang-gewang at tila wala sa mga sarili na armado ng baril.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at binaril niya ang tatlo sa ulo bago pa makuha ng mga ito ang baril nila.
Bulagta at umaagos ang dugo sa ulo ng mga ito, at dahil nasimulan na niyang mag-ingay, tiyak niya na nakatunog na ang mga kasamahan nito at hindi nga siya nagkamali dahil nagsilabasan ang mga iyon. Gumilid siya sa pader at pinaputukan ang lalaking dumaan sa gilid niya. Nahagip ng mata niya sa gilid ang pagtutok sa kanya ng baril kaya nilabas niya ang katana at binato ito sa dibdib. Isa sa namana niya mula sa napakahirap na training ay ang paggamit ng katana, dahil kung pagbabasehan sa baril at katana ay mas mabilis niyang maitatama sa kalaban ito. Mabilis siya sa paghagis kaya hindi agad mapapansin ng kalaban na bumunot na siya ng katana.
Tumingala siya at kumapit sa railings bago umakyat pataas. Alam niya na nasa taas ang hayop na Martin Chen na ’yon. 
Hindi pa siya masyadong nakakaakyat nang may magpaputok sa gawi niya. Umilag siya at patalikod na tinalon ang nakaharang na railings at umapak sa sahig, nagtago siya sa pader at kinuha ang nakakalason na silencer gun. Bago pa siya maunahan ng dalawang nagpaputok sa kanya ay binaril na niya ang mga ito sa ulo na naging sanhi ng pagkabasag-basag ng ulo nito. Napangisi siya at nanlilisik ang mata na tinungo si Martin Chen.
Nagpapaligaya ito sa piling ng mga bayarang babae, kaya hindi nito natunugan ang barilan na nagaganap mula sa labas ng pinto na pinaglalagyan niya.
Sinipa ni James ang pinto at pumasok. Nabulabog ang dalawang babae at isang lalaki na nagpapasarap—walang iba kundi si Martin Chen. Nagulat ito pero agad ding ngumisi sa kanya, nagpaputok ito sa gawi niya ngunit nakaiwas siya. Nagpaputok rin siya ngunit ang hayop na iyon ay ginawang pansangga ang isang babae na naging dahilan ng pagkamatay nito. 
“Duwag ka pala, Martin Chen? Babae na pala ang ginagawa mong pangsangga. Tsk, gay,” pang-aasar niya rito. Gusto niya kasing makaharap ito na sila lang. Gusto niyang basagin ang bungo nito sa puntong hindi na ito makikilala. Nanggigigil siya kapag naaalala niya si Gabriella na wala pa ring malay.
“Ako? Duwag? Hindi ako natatakot sa ’yo, Esteban,” natatawa nitong sabi ngunit bakas sa mukha nito ang galit na tila naasar sa sinabi niya. 
Napangisi at napailing siya. “Talaga lang? Bakit hindi ka kaya umalis d’yan nang hindi nakatakip sa babae mo?” nang-aasar niyang sabi. Nakita niya ang pagyuko ng ulo nito at ang pagtaas ng kamay animo’y sumusuko. Hindi siya ipinanganak kanina para hindi niya malaman ang binabalak nito.
“Okay! Okay! Suko na ako,” seryoso nitong sabi.
“Good!” naniniwalang sabi niya at tumalikod dito. “One . . . two . . . three . . .” Napangisi siya nang binaril nga siya nito sa dibdib. Tumumba siya at pumikit. Narinig niya ang halakhak nito bago tumayo at nagpunta ito sa gawi niya at sinipa siya sa mukha. Gusto na niyang patayin ito dahil ginasgasan nito ang mukha niya, magagalit pa ang sweetheart niya kapag nakita ito. Tsk. Pero kailangan muna niyang magpanggap na patay, dahil hindi ganoon kadali niya lang na papatayin ito. Gusto niyang maghirap ito sa sakit sa ipapalasap niya.
Nagmamadali naman sa pagtakas si Martin, hindi niya akalain na napakadali naman niyang mapapatay si Esteban. Natatawa siya na isang baril pa lang niya ay namatay na ito. 
Maglalakad na sana siya nang may tila mali sa pangyayari? Sakto naman na tumunog ang phone niya at napangisi siya nang makilala kung sino ang tumatawag. Hindi niya pinansin ang iniisip at nagpatuloy siya sa pagtakbo upang makalabas sa gusali na kinatataguan niya.
“Hello, Samson? Guest what, one shot, Esteban down. Napakadali pala patumbahin ang love of my life mo,” pagmamalaki niya rito, narinig naman niya ang pagmumura nito sa kabilang linya.
“Gago! Setup ka! Umalis ka na agad dahil kapag nahuli ka nila, ewan ko lang kung buhay ka pang makakaalis d’yan!” sigaw nito sa kanya. Napaisip siya at naalala niya na wala nga pala siyang napansin na dugo sa katawan ni Esteban. 
“Shit!” Nagmamadali siya sa pag-alis, ngunit gano’n na lang ang gulat niya nang may lambat na dumagan sa kanya kaya napaloob siya rito. Pilit niya itong inaalis, ngunit tila may controller ito na nagpapagalaw upang humigpit ang pagkakapulupot nito sa katawan niya. Hindi siya makahinga dahil pahigpit nang pahigpit ito.
Naaninag niya ang isang bulto na naglalakad palapit sa kanya at nakangiting ito nang masama sa kanya. Kahit nahihirapan ay nagawa niyang tignan nang masama ito.
“Ano, Martin Chen? Nakakalasap ka ba ng hangin?” pang-asar na tanong ni James na lumapit sa harap niya. “Or you want to try something new? ’Yong alam ko na tiyak na mapapaiyak ka sa kiliti,” seryosong sabi ni James sa kanya.
“Gago! Oras na makawala ako, hindi ako titigil hanggang hindi namamatay ang asawa at anak mo!” banta niya kay James.
“Well, kung buhay ka pa bago makaalis sa lungga mo,” sabi ni James at sinenyasan sina Ice. Alam na agad ng Tres at ni Nelson kung ano iyon. Kinuha nila ang napakatamis na vanilla at ibinuhos sa buong katawan ni Martin. 
Nilukuban na ng kaba si Martin nang buhusan siya ng mga ito ng vanilla. Gumalaw-galaw siya, ngunit sa bawat galaw niya ay humihigpit lang ang lambat.
“Tanggapin mo ang libo-libong kagat. Tingin ko mag-e-enjoy ka, dahil masarap silang kumagat,” natutuwang sabi ni James. 
“’Wag! Please! Promise, aalis na ako ng bansa. Basta, paalisin n’yo lang ako,” naghihisterikal na pagmamakaawa nito. Napailing sila Nelson, habang si James ay dumilim ang awra.
“Hindi ko kailangan ng pagmamakaawa mo, dahil no’ng mga oras na sinaktan n’yo si Gabriella, iyon din ang oras na matitikman mo ang galit ko. At bakit pa ako maawa sa ’yo kung hanggang ngayon hindi pa gumigising ang ina ng mga anak ko?!” galit na sambit ni James habang nakakuyom ang kamao. Binigyan niya ito ng sunod-sunod na suntok. Hindi siya tumigil hanggang hindi ito sumusuka ng dugo. 
Huminto siya nang barag-barag na ang mukha nito sa bugbog, kumuha siya ng panyo at pinunasan ang dugo sa kamao niya. Sinenyasan niya ang apat na gawin na ang inuutos niya. Naglakad na siya upang umalis at napangiti siya nang marinig ang malakas na sigaw at iyak nito. 
“Hindi pa d’yan natatapos ang paghihiganti ko. Dahil hindi ako makakapayag na hindi ka maging abo.” Napangisi siya sa iniisip.
Naupo siya sa hood ng kotse niya at tumingala sa langit, mga bituin na kay gandang pagmasdan na parang Gabriella niya. Hindi siya nagsasawa na pagmasdan ang maganda nitong mukha, sana sa pagbalik niya sa hospital ay gising na ito at masaya siyang sasalubungin.
Nakita niya sa gilid ng mata niya ang paglabas ng apat hudyat na naghihirap na si martin. 
“Lord, lumolobo na ang balat ng Martin na iyon dahil sa kagat ng mga putakteng langgam,” balita ni Nelson. Tumango-tango siya at tumayo mula sa pagkakasandal.
“Okay, gawin n’yo na ang huling bala. Pagkatapos ay umuwi na kayo para magpahinga,” bilin niya sa mga ito at sumakay na sa kotse niya bago pinaharurot ang sasakyan paalis.  

© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Kde žijí příběhy. Začni objevovat