FOURTY FOUR - MIRACLE

47.4K 1K 18
                                    

JAMES’S P.O.V.


LIMA, LIMANG TAON na ang lumipas ngunit hindi pa rin gumigising si Gabriella. Thirty six years old na ako, habang siya ay nasa twenty four years old na, ngunit hindi naman niya ito alam. May nagsasabi na pagpahingahin ko na raw at pakawalan siya, ngunit hindi ko sila pinapansin. Dahil alam ko na hindi ako iiwan ni Gabriella. 
“Sweetheart, hindi ka pa ba gigising? Miss na miss ko na ang boses mo, ang yakap mo, ang halik mo, at ’yong ngiti mo. Please naman, gumising ka na, ha? Alam mo ba nag-aaral na ang kambal. Five years and two months old na sila . . .” pagkwento ko kay Gabriella na natutulog pa rin. Gaya ng dati, machine lamang ang sumasagot sa akin. Pero pilit ko pa rin itong kinakausap, dahil sabi raw ay baka marinig nito ang boses ko at bumalik siya sa amin. No’ng mga nakaraang taon, hindi ako umuuwi ng bahay at hindi ako pumapasok ng opisina. Maging ang kambal ay napabayaan ko na, nagagalit ako sa sarili ko dahil bakit ko pinabayaan ang aming anak. 
Nasasaktan ako nang makita ko silang magkayakap na umiiyak no’ng time na umuwi ako sa bahay, alam ko na naghahanap sila ng kalinga ng magulang. 
Hindi ko alam kung paano ang gagawin . . .
Hindi naman maaari na dalhin ko sila palagi sa hospital dahil baka mahawa sila ng mga sakit doon. Kaya kahit hindi ko gustong umalis kahit sandali sa tabi ni Gabriella ay wala akong choice, laking pasasalamat ko at nariyan ang magulang ko na pumapalit sa akin para magbantay. 
“Daddy! Daddy!” masaya at sabay na bati ni Jam at Gab galing sa eskwela. Kinandong ko si Jam, habang si Gab ay gusto sa tabi ng mommy nito. 
“Bakit masaya yata ang kambal namin, hmm?” nakangiti kong tanong, nakita ko na tinaas nila ang kamay na may tatak ng star.
“We have a big star, Daddy. Sabi po ni teacher ay very good daw kami ni Gab dahil nasagot namin ang tanong niya po,” magalang na pagmamalaking sabi ni Jam. Nakita ko naman na yumakap si Gab sa mommy niya habang pinipikit ang mata, napangiti ako dahil kahit tahimik si Gab at masungit ay malambing ito.
“Really? Wow! Galing naman ng kambal namin. I’m sure your Mommy will be happy when she saw this,” nakangiti kong sabi. Pumalakpak naman si Jam at humalik sa pisngi ko at humalik din kay Gabriella. 
Tumingin ako sa pinto at ngayon ko lang nagpantanto na, sino nga ba ang sumundo sa anak ko? Bakit wala sila Mama na kasunod dapat nila?
“Baby Jam, sino ba ang sumundo sa inyo sa school?” takang tanong ko.
“Si Tita Stella po,” sagot naman nito na busy na sa pagsusulat sa notebook nito. 
Napatingin ako nang bumukas ang pinto at pumasok ang nakangiting si Stella. Humingi na ito ng sorry sa akin dahil sa ginawa niya kay Gabriella noon. Hindi ko tinanggap iyon, ngunit pursigido siya at tumutulong na alagaan ang anak ko. Nakita ko naman na wala siyang intensyon na masama kaya pinatawad ko na.
“Ikaw pala ang sumundo sa mga bata, thank you . . .” sabi ko rito. 
“Naku, walang anuman. Tinuring ko na rin na anak ang mga anak mo, James,” sabi nito. Tumango na lang ako at tumingin kay Gabriella at Gab na nakayakap sa Mommy nito. Napangiti ako sa magandang tanawin.
“James, bakit hindi ka muna magpahinga at iuwi ang mga bata? Ako muna ang magbabantay kay Gabriella,” nakangiti nitong alok. Umiling ako sa sinabi niya at hindi pumayag sa gusto niya.
“Hindi na, ayos lang na dito muna kami. Tutal wala naman pasok bukas ang mga bata at may extra bed pa naman dito para sa kanila,” sabi ko sa kanya.
“Gano’n ba. Oh sige, mauna na ako, dahil may pupunta pa ako.” Tumango ako at tumayo para ihatid ito sa pinto.
“Sige, mag-iingat ka.” Ngumiti naman siya at umalis na.
Sinarado ko na ang pinto at lumapit sa mag-iina ko.
“Jam, Gab, may assignment ba kayo today?” tanong ko. Tumunghay si Jam mula sa pagsusulat at itinaas ang notebook niya.
“I’m doing my homework na, Daddy.” Ginulo ko naman ang buhok niya at ngumiti, matalinong bata. Tumingin naman ako kay Gab na sumisiksik sa mommy niya at tila nagtutulog-tulugan pa.
“Gab!” tawag ko rito. Napakamot ito ng ulo at salubong ang kilay na bumangon sa kama at lumapit sa bag niya. Kung si Jam ay masipag, kaibahan naman si Gab na tamad at laging nakabusangot.
Lumapit naman ako kay Gabriella at nilihis ang buhok na tumatabing sa maganda nitong mukha. Tinungo ko ang C.R. at kinuha ang palanggana at bimpo sa dala naming bag. Pagkalagay ko ng tubig at alcohol ay lumapit ako rito at hinaplos ko ang mukha niya na maputla. Piniga ko ang bimpo at dahan-dahan na pinahid ito sa mukha niya, pagkatapos ay sinunod kong punasan ang mga braso niya.
Kinuha ko ang bag at kinuha ang damit niya, pagkatapos ay ni-lock ko ang pinto bago binalingan ang kambal na busy sa paggawa ng assignment nila.
“Big boys, ’wag kayong maninilip, ha?” bilin ko bago tumalikod at lumapit kay Gabriella.
“Hindi po namin sinisilip si Mommy, ’di ba po kayo tumitingin sa kanya?” parang wala lang na sabi ni Gab habang pinagpatuloy ang pagkukulay. naubo naman ako at napailing.
“Okay, Okay, ipagpatuloy n’yo na ’yan,” natatawa kong sabi. Ipinagpatuloy ko na ang pagbibihis at pinulbusan siya. Hinalikan ko ito sa noo at niligpit na ang pinagpalitan niya. 
Pinagdugtong ko ang hinihigaan ni Gabriella at ’yong extra bed. Pinahiga ko ang kambal sa gitna habang kami ni Gabriella ay nasa gilid. Hinele ko muna ang kambal para makatulog na at nang alam kong tulog na sila ay pinikit ko na rin ang mga mata ko para makatulog na rin.
Napadilat ako nang may humahaplos sa aking mukha, pagbukas ng mga mata ko ay ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang nakabangon habang nakangiti si Gabriella sa akin. Kinusot ko ang mga mata ko at pinagsasampal ko ang pisngi ko dahil baka nanaginip lang ako? Ngunit totoo, totoo siya! Masaya na niyakap ko siya at hinalikan. Hinarap ko rin ang mukha niya at pinagkatitigan.
“Gising ka na talaga? Hindi mo na kami iiwan?” nakita ko naman na sumeryoso ang mukha niya habang malungkot na nakatingin. Umiling siya at tila sinasabi na mali ako sa aking sinabi.
“Halika, samahan mo ako,” pag-iiba niya ng usapan. 
“Saan tayo pupunta?” takang tanong ko. Inakay lamang ako nito, habang nilalakad ang magandang lugar na ito. Maraming bulaklak sa paligid at masarap damhin ang hangin na tumatama sa mukha ko, huminto siya sa isang puno kung saan may lawa.
“Why are we here? Halika na, puntahan na natin ang kambal, tiyak kong matutuwa ang mga iyon,” masaya kong aya sa kanya.
“Ayoko! Gusto ko lamang dito at kasama ka.” Nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya.
“Bakit? Ayaw mo ba sa kambal? Anak mo sila,” sabi ko sa kanya. 
“Kung kailangan nang mamatay ang kambal, gagawin ko. Magsasama tayo at bubuo ng sarili nating pamilya,” nakangiti nitong sabi. Umiling-iling ako habang lumayo sa kanya.
“Sino ka? Hindi ikaw si Gabriella!” galit kong sabi sa kanya. Nakita ko naman siyang ngumisi at lumayo sa akin. Kumuha siya ng kutsilyo at humalakhak.
“Daddy! Please, wake up! Daddy!” Napaupo ako at pawis na pawis na tumingin sa kambal na umiiyak.
“You scared us, Daddy!” iyak na sabi ni Jam habang pinapalo ako sa dibdib. Niyakap ko silang dalawa at napatingin kay Gabriella. Napabitiw ako ng yakap sa dalawa at dahan-dahan na bumaba, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
Humawak ako sa mga braso niya at tumitig sa mga mata niya na dilat na dilat. 
“G-gising ka na talaga, sweetheart?” masaya kong tanong. Tumango siya at ngumiti. Bumuka ang bibig niya ngunit wala namang lumalabas na boses, napakunot-noo ako.
“Dahil sa tagal niya sa pagkakatulog ay naapektuhan ang boses at paggalaw niya,” sabi ng doktor ni Gabriella pagkatapos niyang tingnan ito.
“May paraan ba para gumaling siya?” nag-aalala kong tanong. Nakita ko naman na ngumiti at tumango siya.
“Yes, therapy ang kailangan niya. ’Yong mucle at bones niya ay hindi nagamit sa mahabang panahon, kung kaya ay para siyang sanggol na kailangan din munang gabayan. ’Yong sa boses naman niya ay nasa kanya na lamang iyon, siguro ay kapag naging maayos na ang paggalaw niya ay baka bumalik na rin sa dati ang boses niya.” Tumango-tango naman ako sa sinabi niya. Tinapik niya ako sa balikat kaya napatingin ako sa kanya mula sa pagtingin kay Gabriella.
“Isa itong himala, sa loob ng limang taon ay nagawa niyang makabalik. Hindi ito pangkaraniwan, dahil sa lahat ng nahawakan ko na may case na katulad sa kanya ay hindi sila nagtatagal, kaya sa susunod ingatan mo na siya . . .” 
“Yes and thank you, Doc,” nakangiting pagpapasalamat ko sa kanya.
Lumapit akong muli kay Gabriella na nakatingin sa kambal, nakangiti ito dahil sa kambal na sinasayawan siya.
“Sweetheart . . .” pukaw ko rito. Hinawakan ko ang kamay niya at pinaghahalikan. “Thank you, thank you, dahil hindi mo kami iniwan. Hindi mo ba alam na gabi-gabi akong natatakot na baka magising ako na—na iniwan mo na kami.” Hindi ko mapigilan na tumulo ang luha ko dahil sa saya na nararamdaman ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko na lumuluha ang mata niya pero nakangiti ito sa akin. Bumubuka ang labi niya ngunit walang lumalabas na boses.
“I love you, sweetheart.” Hinalikan ko siya sa labi at mahigpit na yumakap.
Salamat sa iyo, Lord.


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon