KABANATA 7 - HIS SIDE

71.5K 1.7K 256
                                    

KABANATA 7
HIS SIDE

NARRATOR’S P.O.V.


ANG KANINANG MAALIWALAS na mukha ni James ay napalitan ng malamig at seryosong mukha—na ikinakatakot ng mga nakakakilala sa kanya.

Nagtungo siya sa secret room ng kanyang mansyon kung saan naroon ang anak ni Carborer—ang anak na binenta ng sariling ama para sa pera. 
Pagpasok niya sa silid ay nakita na niya itong nakaupo sa sofa at mapapansin din ang suot nito na kita na ang kaluluwa sa sobrang iksi ng kasuotan. 

Pero hindi siya naaakit sa kagaya nito, dahil kay Gabriella lamang siya naaakit. Dito lang at wala ng iba.
Pagkakita nito sa kanya ay tumayo ito at yumuko na tila ipinapakita ang dibdib nito. 
Fake boobs—iyon ang sabi niya isip.

“Seat!” maawtoridad niyang utos dito. Ngunit, imbes na sa upuan ito umupo ay naupo ito mismo sa kandungan niya na agad naman niyang tinulak, kaya bumagsak ito sa sahig.

“Tsk! Bitch, hindi ko kailangan na malanding kagaya mo. Kaya ka narito ay upang bantayan ang Señorita Gabriella mo, kapalit ng pagbebenta ng ama mo sa akin. Kailangan mong pagsilbihan ang Señorita Gabriella mo at bantayan, maliwanag ba?” utos niya rito nang may madiin at malamig na boses. 

“What? No! Ayokong maging muchacha ng kung sino man. Pwede naman akong maging sex slave mo, pero maid ng isang bitch, nah!” maarteng saad nito. 

Pak!

Sinampal niya nang pagkalakas-lakas ito, kaya natumba ito sa kinatatayuan at dumugo ang labi sa lakas ng sampal niya. Napahawak ito sa pisngi at tiningnan siya. Madilim at tila galit na demonyo ang nababakas sa mukha niya dahil hindi niya nagustuhan ang lumalabas sa mapangahas na bibig nito. 

“’Wag na ’wag mong matatawag na bitch si Gabriella, baka hindi lang d’yan ang abutin mo. Sundin mo ang utos ko. Kapag nalaman ko na sinasaktan mo si Gabriella, hindi lang ikaw at ang ama mo ang magiging abo, pati ang pipitsugin n’yong kompanya,” galit at mariin niyang pagbabanta rito. 

Tinaas niya ang daliri, hudyat na may ipag-uutos siya sa mga tauhan niya. 

“Tirahin n’yo ang babaeng ito, makati at gustong magpakamot. Ibigay n’yo ang gusto, tiyak ko na magugustuhan nito.” utos niya kay Nelson at sa mga kasama nito na nagsipagngisihan at malagkit na tumingin sa babae. 

‘Ayos, tiba-tiba kami nito. Kanina ko pa gustong tirahin ang babae na ’to na litaw na ang kaluluwa sa suot. Halata naman na gustong akitin ang Lord naming. E, hindi naman niya maaakit ’yon at may kinababaliwan na ’yong iba,’ ani sa isip ni Nelson.

“At pagkatapos n’yo, igayak n’yo na ang gamit. Aalis tayo ng bansa,” sabi ni James na ipinagtaka nila. 

Nagkatinginan sila at may isang nagtangkang magtanong.

“Lord, paumanhin sa katanungan. Paano po ang señorita? Hindi po natin siya maaring isama, delikado po sa katulad niya.” Kinakabahan man, ngunit naglakas-loob nang magtanong si Xesar—ang pangalawang mataas ang posisyon hindi lang sa pagiging bodyguard, kundi bilang tauhan ni James Esteban.

“Sino bang may sabi na isasama ko ang señorita n’yo? Kaya nga nariyan ang babaeng iyan at ipapadala ko rito ang Tres upang maging bantay niya. Hindi pa tamang oras para malaman niya ang katauhan ko. Hangga’t hindi niya pa ako minamahal . . .” ibinulong lang niya ang huling sinabi. Ayaw niyang malaman ng mga ito na si Gabriella ang kahinaan niya.

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Where stories live. Discover now