THIRTY FOUR - THE DEVIL ARRIVED

40.6K 980 28
                                    

MICHELLE’S P.O.V.


MULA SA VERANDA ay nakasilip ako sa nakatalikod na kasintahan ng anak ko. Hindi ko naman gustong gawin sa kanya iyon, ngunit kailangan siyang maalis sa landas ng anak ko. May babaeng mas nararapat para kay James, iyon ay si Stella Samson—ang dating pinangakuan ni James na pakakasalan niya. 
Nabigla nga kami nang malaman na may binabahay raw ito, tapos ay buntis pa pala sa anak ko. Hindi maaring mabali ang naipangako ng anak ko dahil tiyak na masasaktan si Stella kapag nalaman niya iyon. Napakabait na bata ni Stella at laging pumupunta rito iyon upang makabalita kung nakabalik na ba ang anak ko. Kaya, kahit na ayaw kong pahirapan itong babaeng ito, kailangan kong gawin. Hindi naman malalaman ng anak ko ito at titiyakin ko iyon.
“Señora! Señora!” tawag sa akin na si Marie na humahangos na pumunta sa gawi ko. Pinangunutan ko siya ng noo dahil tila hindi ito mapakali.
“Bakit?” tanong ko rito. Huminga muna ito nang malalim bago seryosong humarap sa akin.
“Señora, tumawag po ang Señorito . . .” kinakabahan nitong sabi. Umalis naman ako sa pagkakatayo sa veranda at lumapit sa upuan upang uminom ng tsaa.
“Oh? Anong sabi?” sabi ko habang humihigop ng tsaa.
“Sabi po niya, parating na raw po siya kasama ng ilang tauhan, mga gabi raw po ay tiyak na narito na sila,” hindi mapakali nitong sabi na kinabigla ko. Akala ko ay hindi na ito susunod dahil tiyak na busy ito sa kompanya. 
“Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi. Bilis! Sabihin mo kay Gabriella na itigil ang ginagawa niya at patuluyin mo sa guest room!” natataranta kong utos na agad naman nitong sinunod. Hindi ako mapalagay at nanginginig ang kamay ko. Sana naman ay huwag magsalita ang babaeng iyon, dahil nakatitiyak ako na lalong magagalit sa akin ang anak ko kapag nalaman niya na pinapahirapan ko ito.

NARRATOR’S P.O.V.
HEAD QUARTERS
BUSY ANG LAHAT sa pag-pack ng gamit nila para sa operation nila sa Batangas. Nalaman kasi nila na doon daw nagtatago ang drug lord na si Martin Chen, kaya kailangan na nila lusubin ang pinagtataguan nito bago pa ito makatunog.
“Nahanda n’yo na ba ang lahat ng baril na dadalhin, Nelson?” seryosong tanong ni James habang nag-iikot sa buong warehouse. Nakasunod sa kanya sina Nelson, Mark, Basty, Xesar, at ang Dark Tres. Sila kasi ang isasama niya para sa gagawin nilang pagsugod.
“Yes, Lord,” agad na sagot ni Nelson, habang tine-test ang mga inilabas na baril.
“Lord, saan tayo maaring tumuloy sa Batangas?” tanong ni William na naglalaro na ng chess board.
“Ako nang bahala sa bagay na ’yon. Doon na tayo tutuloy sa bahay ng magulang ko,” nakangiting sabi ni James at kinuha ang phone upang tawagan ang sweetheart niya. Nag-dial siya sa number ni Gabriella upang ipaalam na papunta na siya roon.
“Uy, Lord, parang kilala ko na kung sino ang tatawagan n’yo?” pilyong sabi ni Mark na nagpupunas ng baril. Napatingin naman ang anim dahil sa sinabi ni Mark.
“Shhh . . .” Sinenyasan niya si Mark na tumahimik. Napakunot siya ng noo dahil ang tagal sagutin ni Gabriella ang phone. Alas-tres pa lang naman ng hapon pagtingin niya sa relo niya.
Tumawag ulit siya pero sa bahay na. Baka nagpapahinga si Gabriella kaya hindi sumasagot, ilang ring lang ay may sumagot na.
“Nasaan ang señorita n’yo?” wala nang paligoy-ligoy na tanong agad ni James. Naiinip siya dahil napakatagal sagutin ang tanong niya.
“N-Natutulog po, Señorito . . .” tila kinakabahan nitong sabi.
“Gano’n ba? Dalhan mo na lang mamaya ng meryenda ang señorita mo. And before I forgot, sabihin mo nga pala kay Mama na pupunta kami riyan. D’yan muna kami lalagi dahil may operation kaming gagawin.” Pagkatapos niya magbilin ay ibinaba na niya ang tawag at humarap kina Mark.
“Ilagay n’yo na ang lahat ng dadalhin, may bibilin lang ako sandali,” bilin niya sa mga ito at umalis na para pumunta sa sasakyan. 
“Kailangan niyang bilhan ng pasalubong si Gabriella, baka hindi na naman kumakain ng gulay iyon . . .” natatawang naisip niya habang pinaandar na ang kotse.

MICHELLE’S P.O.V.
“HELLO! STELLA, HIJA?!” bungad ko sa kabilang linya sa bahay ng mga Samson.
“Yes, Tita?” malambing na tugon ni Stella sa akin. Kaya nga gusto ko ito para sa anak ko, dahil napakabait at malambing na bata.
“I have a good news to you!” excited kong sabi rito. 
“Really?! Ano naman po iyon?” nae-excite ang boses na sabi nito sa akin.
“Pumunta ka ngayon din dito, hija. Pauwi na si James,” nakangiti kong balita. Natawa naman ako nang magtitili ito sa kabilang linya.
“Talaga, Tita? OMG! Sige po, mag-aayos na ako,” excited niyang sabi at nagpaalam na sa akin. 
Napailing na lang ako at ibinaba ang phone. Umangat ang sulok ng labi ko, titiyakin ko na mahuhulog ang loob ng anak ko rito.

NARRATOR’S P.O.V.
MAY DUMATING NA dalawang itim na kotse sa Hacienda Esteban. Lulan doon ay si James na seryoso na nakaupo sa likod. Hawak niya ang pasalubong niya kay Gabriella na tiyak na ikatutuwa nito.
Hindi pa sila masyadong nakakalapit nang matanaw niya ang mga taong tila sasalubong sa kanila. 
Pagparada ng kotse niya ay bumaba na siya at may hinanap ang mga mata niya ngunit wala siyang nakita. Ang nakatayo lang ay ang Mama niya, Papa, at si Nanay Nita kasama ng mga kasambahay nila.
Lumapit siya sa mga ito na kasunod ang team niya.
“Mama, nasaan si—”
“James!” 
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang may sumigaw ng pangalan niya mula sa likuran. Napatingin siya roon at nagulat na si Stella pala iyon. Napasinghap sila Nelson at nagkatinginan nang yakapin nito ang Lord nila.
“Grabe, na-miss kita. Bakit ngayon ka lang umuwi?” nagtatampo nitong sabi habang nakayakap pa rin nang mahigpit sa kanya. Naka-white dress ito na lalong nagpaangat ng ganda nito. Humiwalay siya rito at inilayo sa kanya si Stella.
“Ah, gano’n ba. May gagawin kasi kaming importante rito sa Batangas kaya dito muna kami mamamalagi,” komento niya at tumingin sa mama niya na may ngiti sa labi. Tiningnan niya ito nang may panghihinala, dahil nakatitiyak siya na ito ang nagbalita rito. Alam nito na may girlfriend na siya, ngunit pinagpipilitan pa rin nito ang gusto.
Nakipagsukatan siya ng tingin at una itong umiwas. Naputol lang ang pagtingin niya sa mama niya nang magsalita si Nanay Nita niya.
“Hijo? Jam? Ikaw na ba ’yan?” naluluha nitong sabi at humawak sa kanyang braso na tila hindi makapaniwala. Natawa naman siya at inakay ito papasok sa bahay. Sinenyasan niya sina Nelson na sumunod sa kanya.
“Kumusta na kayo, ’Nay? Parang hindi kayo tumatanda ah,” naglalambing niyang sabi rito. Kinurot siya nito sa tagiliran na ikinangiti niya. Para itong si Gabriella, lagi siyang kinukurot kapag nasisiyahan.
“Ano ka ba! Tumanda man ako’t lahat, hindi mo pa rin ako maloloko,” napapailing nitong sabi sa kanya.
Pagpasok nilang lahat ay tumuloy sila sa dinning area para maghapunan.
“Halika na, anak. Ayain mo na ang mga kasama mo kumain,” aya ng mama niya kaya sinenyasan niya ang mga ito na magsiupo na.
Pag-upo niya ay nabigla siya nang maupo si Stella sa tabi niya at pinag-serve siya ng pagkain. Napatingin siya sa mga kasama niya na nalilito sa nangyari. Kaya napatingin siya sa paligid, baka nand’yan na pala si Gabriella.
“Ah, James. Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanila?” nagtatampong sabi ni Stella at kumapit pa sa braso niya.
“Team, siya nga pala si Stella, kababata ko,” walang gana na pagpapakilala niya kay Stella na ikinasimangot nito.
“Naku, nagkakamali siya ng sinabi. Fiancée ako ni James,” nagagalak nitong sabi na ikinatigil niya. Gusto niya sana na prangkahin na ito, ngunit alam niya na masasaktan ito. Hindi naman niya intensyon na mangako rito, ngunit bigla na lang kasi itong nagwala.
Nakahiga siya sa bench nang may naramdaman siya na may lumapit. Hindi na lang niya pinansin iyon, pumikit at nagtulog-tulugan na lang siya, pero napadilat din nang may basang dumikit sa pisngi niya. Napaupo at inis na tumingin sa taong iyon. Nakita na naman niya si Stella na laging sinasabi na pakakasalan daw siya. 
“Ano bang problema mo, huh?” inis na sigaw niya rito. Bigla naman itong umiyak kaya nabigla siya.
“’Di ba sabi mo ako ang pakakasalan mo? Kaya nga hinalikan kita, para wala nang lumapit na girls sa ’yo,” nagpapadyak na sabi nito na kinainit ng ulo niya, kaya para tumigil na ito ay sinang-ayunan na lang niya at umalis.
“Fuck! Oo na, sige na. Papakasalan na kita, tumahimik ka lang!” naiirita niyang sabi at iniwan na ito.
Ten years old siya that time. Hindi niya naman sineryoso ang sinabi niya na iyon dito, nagulat nga siya na lumipat pa ito ng bahay sa kalapit na bahay nila.
“Anak, kailan mo ba pakakasalan si Stella?” pukaw ng Mama niya sa kanya. Nag-angat siya ng tingin dito at masamang tumingin. 
“Oo nga, babe. Ako, okay lang kahit kailan, pero pwede rin na ngayon na,” masayang-masayang sabi nito. 
Napahawak siya sa noo at biglang sumakit ito. Kailangan niyang sabihin dito na wala siyang balak na tuparin ang pangako niya, dahil may ibang babae na siyang mahal at magkakaanak na sila.
“James . . .” Nagulat siya nang magsalita si Gabriella sa likuran niya. Hindi niya alam ang gagawin dahil todo kapit si Stella sa kanya. 
“Sino ka?” Tumatayong tanong ni Stella at tumingin kay Gabriella mula ulo hanggang paa. “At bakit mo tinatawag ang fiancée ko?” nakataas ang kilay na sabi nito.
Tumayo naman bigla si Mark nang itulak ni Xesar patayo kaya napatingin dito ang lahat maliban kay James na nakatayo na rin at tumitig kay Gabriella na may nalilitong nakapaskil sa mukha.
“A-ah . . . pasensiya na, Miss Stella, girlfriend ko ito . . .” kinakabahang sabi ni Mark lalo’t may naramdaman siyang may masamang nakatingin sa kanya.
Tumango naman si Stella at kumapit sa braso ni James.
Lumapit si Mark kay Gabriella at hinatak ito sa pinanggalingan nito kanina. Dahil sa lahat na nandoon ay si Gabriella lang ang kaisa-isang taong naguguluhan.


© MinieMendz

The Mafia Lord James Esteban (Self Published)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ