viii

1K 43 7
                                    

"Sabi mo di ka nagreview!" hinampas sa akin ni Rachelle ang kanyang test paper.

"May inaaral tong si Ziana na hindi natin nababasa, eh," bintang naman ni Mica sa akin. Lumabas si Chiara ng classroom nang nakangiti at nilapitan kami.

"Anong score mo,Chi?" tanong sa kaniya ni Rachelle. "Pareho tayo."

"Di ba kakain tayo? Doon tayo sa Hungry Hive," anyaya ni Chiara. Nagreklamo si Mica dahil medyo malayo at kulang ang pamasahe niya.

"Edi, pahatid tayo don," sabay tingin sa akin ni Chi habang nakangisi. Ngumisi na rin tuloy ang dalawa.

"Mga user." irap ko. "Tanungin ko lang muna si Zian kung may lakad ba siya."

Bumalik ako sa classroom at nakita si Zian na pinalilibutan ng kanyang mga kaibigan. Gumilid ang iba nang makita akong papalapit. My brother is still sitting while holding his test papers, mukhang nagkukumpara rin sila ng mga scores.

"Paniguradong itong si Zia, mataas din ang score," sabi ni Edson.

"May lakad ka ba? Papahatid sana kami kay Kuya Eric papuntang Hungry Hive."

Nabigla ang grupo niya at nagtinginan.

"Doon din kami pupunta," ngumisi ang iba at napansin ko ang pasimple nilang sikuhan.

Nilingon ng kakambal ko ang kaibigan niya,"Tawagin mo si Dalton, sa kanya na lang tayo magpahatid." then he turned to me,"Sige na. Text mo na si Kuya Eric."

Tumango ako at iniwan sila doon. I texted our driver to come. Wala pang twenty minutes ay nasa eskwelahan na siya.

"Wait. Si Bev ba di sasama?" tanong ni Chiara nang makasakay na kami. Nagtinginan sina Rachelle at Mica.

"Hindi raw."

She's been withdrawing herself to us for the past weeks. Kasama namin siya sa section the past two years and the five of us became close pero simula nang mahiwalay siya ay di na siya nakakasama sa amin.

"At least niyaya natin," sabi ko.

"Zia, dito ko na kayo sunduin ng kakambal mo, ha," sabi ni Kuya Eric. Sumangayon ako sa kanya bago kami bumaba. Saktong konti lang ang tao sa loob nang makarating kami doon. Paniguradong mapupuno dito mamaya ng mga estudyante, most are from our school. Hanggang alas dos ng hapon lang kasi ang mga exam kaya may time pa para gumala.

Rachelle picked our seats, pinili niya talaga kung saan malapit sa magandang graffiti at decorations. Nilabas naman agad ni Mica ang phone niya para makapagpicture kami. Meanwhile, I'm already thinking what to order. Noong huling punta ko rito, which is kasama ko si Fire, I ordered burger and fries. Gusto ko naman ng iba ngayon.

"Zi, halika dito," tawag sa akin ni Rachelle. The four of us posed for multiple shots. Natigil lang kami nang lumapit na sa amin ang waitress for our orders.

"Ulitin ko lang, two orders of zap burger meal, one carbonara with garlic bread and one lasagna and pizza supreme meal."

Tumango kami sa waitress at saka siya umalis.

"Ano, Zia sasali ka ba sa audition ng Aspire?" tanong sa akin ni Rachelle. Siya ang nagmention sa akin sa post na iyon on Facebook.

"Oo, nasabi ko na iyon kina Mommy at sa vocal teacher ko. Actually, may mga kasama akong nagti-training ngayon na sasali rin doon," kwento ko. Hinarap ako ni Chiara na katabi ko sa upuan.

"Talaga? Ang saya naman. Sana pareho kayong matanggap tapos sa iisang group kayo." sabi niya.

Ayos lang naman sa akin kahit sino. Hindi ko muna masyadong iniisip ang parte na yon kasi hindi pa naman ako nakakapag-audition. Kung papasa ako sa audition ay may training pa at evaluation. Marami pa akong pagdadaanan.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now