xvi

1K 46 16
                                    

Ilang beses kumalabog ang puso ko sa bawat liko ng kotse ni Fire. Minsan ay nauungusan siya at minsan naman ay halos gumitgit na ang kotse niya sa batuhan. Patuloy lang ang pagchi-cheer ng ibang tao dito samantalang ang iba ay kagaya kong kinakabahan din.

Napasigaw kaming lahat nang may isang kotse na bumangga sa railings! Agad namang may kumontak sa sakay non at susundo sa kanya. Mas lalo tuloy akong kinabahan para kay Fire.

"Please.." I closed my eyes and silently prayed.

Hiyawan at palakpakan ang ginagawa ng lahat nang matapos ang karera pero ang lakas ng pintig ng puso ko ay tuloy-tuloy pa rin. Pinunas ko sa pantalon ko ang mga pawisan kong mga kamay at huminga ng malalim nang makitang lumabas ng kotse si Fire. Walang galos sa mukha, ngiti lang.

Napahawak uli ako sa aking dibdib. I thanked the heavens for keeping him safe. Ilang beses siyang ginitgit kanina ng dalawang kotse! They even bumped his car purposely too. Hindi ba foul yon? May ganon ba dito?

Sinalubong si Fire ng kanyang mga kaibigan, nakita ko rin ang paglapit ni Hughes sa kanya which made him a bit surprised. Hindi rin nagtagal sa kanyang tabi ang pinsan at umalis din agad. The top three of the race was announced. Fire came in third place. Tumawa siya nang iabot sa kanya ang pera.

Todo palakpak ang mga babae sa kabilang gilid ko at kumakaway pa sa kanya. He noticed them at tinanguan. I didn't react, for sure mukha akong constipated ngayon. I thought that I would be glad seeing him compete in a race pero hindi pala! I was anxious the whole time. Baka kasi mabangga siya ng tuluyan o di kaya ay sumalpok sa poste!

"Gusto mo nang kumain?"

Napatalon ako sa gulat nang makita si Fire na nakaluhod sa harap ko, hindi ko napansin ang paglapit niya. Magka-level lang ang aming mga mata at ilang pulgada lang ang layo mula sa akin.

Napapikit ako at huminga ng malalim. Everything is fine Ziana, he's safe. Tumango ako at tinitigan siya pabalik. His smiled faded.

Tahimik lang ako habang naglalakad kami palayo sa mga tao. Ilang beses siyang binati at kinamayan and a group women almost throw themselves kay Fire. Napaatras ako sa biglaang paglapit nila, may natapakan tuloy akong sapatos sa likod.

"Sorry po," I said turning to back to see the person. Ang pinsan pala ni Conrad.

He smiled at di man lang tinignan ang sapatos niya,"It's okay. Fire, are busy with your women? Ako na lang muna ang bahala dito sa dala mo," he said which made Fire turn his attention to us. Binitawan niya ang magkabilang braso ng babaeng muntik na siyang yakapin at hinigit ako palapit sa kanya.

"Fuck off."

Tumawa ang pinsan ni Conrad at kinindatan ako bago umalis. Hindi na pinansin ni Fire ang mga bumati pa sa kanya. Tuloy-tuloy lang ang lakad namin papunta sa medyo mausok na eskinita. Halos mapaatras ako nang ma-realize ko kung ano-ano ang mga nandoon.

Fire looked at me, slightly pulling with a small smile on his face. Nanliit ang mata niya habang tinitignan ang reaksyon ko.Iniwas niya agad ang mukha sa titig ko at pinilit na magseryoso.

"Ayaw mo? Gusto mo sa fast food na malapit na lang?" mapanuya niyang sinabi. Hindi ko tuloy alam kung seryoso ba siya sa alok niya o sinusubukan lang ako.

In the end ay nagpaubaya ako sa hila niya. Hindi ko na pinansin ang mausok na kapaligiran, pinanatili ko na lang ang mga mata ko sa kamay ni Fire na ngayon ay hawak-hawak ang akin. Malakas na naman ang tambol ng puso ko pero ngayon ay hindi na dahil sa kaba.

"Fire! Ano ang iyo?" tanong ng tindero na nagpapaypay ng mga nakasalang sa grill gamit ang isang kamay.

"May barbecue pa po ba, Kuya Toteng?"

Pink Skiesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن