xxxvii

1K 46 2
                                    

Within a week, natapos agad ang imbestigasyon. They tracked the number Cellyn called numerous times at nahanap ang lugar kung nasaan ang President ng Aspire Productions kasama si May.

Maingat silang nilipat sa facility ng agency na humawak sa kaso namin. They considered it as a covert mission pero hindi na nakapaghintay ang mga pamilya namin lalo na ang pamilya ng driver at ni Ate Barbie. They wanted justice to be served now.

Dahil sa patong-patong na kaso at maraming involved ay naging laman uli kami ng balita. The whole country was shocked to learn that she's pregnant with his child at buhay talaga siya.

Kasama si Zian sa dorm ay pinanood namin ang isang news report kung saan nakaposas ang taong kumuha kay May noong araw ng aksidente, si Mister Tan at Cellyn.

"Naapektuhan din pati ang stocks ng Aspire," sabi ng assistant ni Amy.

"Even Conrad's schedules are halted! He's the biggest star of the company. Paano pa kaya yung mga nagsisimula pa lang," nag-aalalang sinabi ni Eugene. So far, this is the worst scandal the company ever had.

Tulad ng gusto ni Mommy ay pinag-stay niya ang kakambal ko sa dorm ng ilang araw before he left for another project. Doon siya natulog sa kutson na dapat ay kay Fire.

"Natulog siya dito?" medyo iritado niyang tanong unang gabi nang pagpunta niya rito.

Tinalikuran ko siya at kunwari ay inaasikaso ang mga gamit. He might see me blushing.

"Oo. Diyan sa kutson."

Hindi na sumagot si Zian. He just scowled at me habang nagbibihis. Dahil ilang araw na rin wala si Fire sa rancho ay pansamantala muna siyang umuwi kasabay nga lang ng pagbalik niya ang balitang nahuli na ang may sala at nakita na si May.

Nang mapayagan kaming bumisita sa kaibigan ay nagpunta agad kami. Fire and his bodyguards accompanied us. Dinala raw sa ospital si May dahil medyo hindi naging maganda ang kundisyon nita nang mahuli si Mister Tan.

"We'll give you some time. Uuwi muna kami saglit," paalam ng mga magulang niya. They were relieved na marami ang bodyguards na dala namin.

Nakakatayo naman si May, hinimatay at medyo malnourished nga lang. I wonder what happened to her. Paano siya nangayayat ng ganito? Buntis pa siya!

"May!" Ayumi rushed to her. Nabigla naman si May sa presensya namin kaya hindi nakaimik agad but when she did, agad siyang tumayo sa pagkakaupo sa kama.

Isang sampal ang natanggap ko sa kaibigan bago pa man ako makapagsalita. Sa sobrang gulat ay hindi agad ako nakakilos.

"May!!"

Ang lakas ng kabog ng puso ko at naluluha. Eugene went beside me habang ang dalawa naman ay pinapakalma si May.

"Hindi ka pa nakuntento! Niligtas na nga kita, eto pa ang igaganti mo sa akin!" sigaw niya.

Ayumi is silently crying while pulling May's hand away from my face. Si Amy naman ay tinatawag ang bodyguard.

Hindi ko maintindihan. What is she talking about? Muli ko siyang nilingon at nakita ang patuloy na pagbuhos ng luha niya, mapupula ang mga mata at ilong.

"N-Nasayo na lahat! Binigay ko sa inyo! Ito lang ang hinihingi ko! Gusto ko lang na buo ang pamilya ko tapos.. ito! Mga wala kayong utang na loob!"

"May tama na! Please calm down!" alo ni Ayumi sa kanya.

"P-Please May.. ang baby mo.." sabi ko nang tuluyang nakabawi. She just glared at me while clutching her round stomach.

"Amy! Tawagin mo rin ang nurse," sabi ni Eugene.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now