xl.iii

1.1K 48 5
                                    

"Uh-huh.." nakapalumbaba niyang tugon habang titig na titig sa akin. Pinamulahan ako ng mukha at nahiya ng konti.

"Am I boring you?" tanong ko na may kaunting tawa, just to conceal being shy.

Malakas pa rin ang tibok ng puso ko sa pagtitig niya sa akin. Sometimes, I try not to glance at him when I'm on stage because I might get burn in his fiery stare, magkamali pa ako!

"No. Not at all," he said, his voice sounds husky, yung tipong bagong gising.

Tinuro kong muli ang isang maliit na section sa magazine kung saan nakalagay ang mga detalye sa susunod kong proyekto sa susunod na buwan. Sa akin nga siya nakatingin pero parang hindi naman pumapasok sa utak niya ang mga sinabi ko. He's just... ogling at me.

"This is the title of the upcoming movie."

Umirap siya matapos mariing tignan ang letrato ng lalakeng makakapareha ko roon.

"I know. It's a romance movie. I read the novel."

"You did?" I looked at him in disbelief.

Nai-imagine ko tuloy siyang nakaupo sa sofa at nagbabasa ng libro tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao. Malayo sa itsura niya ang ganon. I reached for my chin and tilted my head sideways. Maybe that's where he got inspiration for his sweet efforts! The male lead in the novel is head over heels for the girl.

"Yeah." he drawled while looking at my lips. Napakagat ako sa labi, nagpipigil ng ngiti. Bakit ba ganito siya tumitig? Ang init.

"Kailan ang presscon niyo para riyan?"

"On Friday. Diyan ako didiretso pagkatapos ng rehearsal namin," sagot ko.

"Okay. I'll be there." sabi niya at kinuha ang magazine. Tuluyan na akong napangiti.
His eyes scanned every bit of the article.

"Good!" Natalie said. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa stage.

Hinihingal kong binaba ang mga kamay ko. Naramdaman ko ang pawis na dumaloy mula sa gilid ng noo ko hanggang sa leeg. Pinaypayan ko ang sarili gamit ang mga kamay habang nakikinig sa mga paalala ni Natalie.

"Pau and Jesse, mas maganda siguro kung dito kayo sa taas tapos si Ziana na lang sa baba.."

Sumunod ang dalawa sa inutos niya habang nanatili lamang ako sa pwesto. A petite girl in pink shirt went to me at inabutan ako ng towel at bottled water. Siguro ay pinapabigay ng assistant ko.

"Thank you.."

"Zia after ng verse na to.." Natalie went to me and showed what she's talking about. "Lalakad ka sa harap, maybe three or five steps.."

Ginawa ko ang sinabi niya habang nagpupunas ng pawis. Sa pwestong iyon ay ilang metro lang ang layo ko sa unang row ng mga upuan. Nakaupo roon ang writers at co-director nitong play. One of them, a man, is looking at me intently while I'm doing my thing.

Uminom ako ng tubig pagkatapos at pinaulit ni Natalie ang isang part ng scene na inayos niya then I felt it again. I became slightly uncomfortable when I stepped forward. Binalingan ko saglit ang nakatingin sa akin. He's pursing his lips while looking at my legs.

Nagtataka akong napatingin sa mga hita ko. Baka may dumi pero wala naman.

"Ziana?"

"Y-Yes, Nat?"

Tinuro niya ang pwesto ko kanina. "Balik ka dito. Uulitin natin with music."

"Okay."

We repeated the scene again. Pagdating ko uli sa gitna ay ganoon pa rin ang titig sa akin ng lalake sa harap. Hindi na talaga ako kumportable.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now