xxi

1K 45 20
                                    

Si Zian ang gumawa ng paraan para makakain kami ng maaga ng dinner so we don't have to go down para saluhan mamaya sina Mommy.

"Ayos lang ba kayo?" tanong ng isang kasambahay namin. My twin told her that I don't feel well and he would like to help me in my project na ipapasa next week kaya magiging abala kami.

Nakahiga lang ako sa aking kama with puffy eyes and disheveled hair. Binalot ako ni Zian sa kumot kanina at hanggang ngayon ay ganito ang ayos ko. When I see our housemaid trying to peek in my room, itinago ko agad ang mukha ko sa unan.

"Sige. Sasabihan ko si Ate Cristy, mukhang gagabihin din naman ang mga magulang niyo."

"Okay, ate"

Hinablot ni Zian ang unan na nakatabon sa mukha ko. Walang ekspresyon niyang sinusuri ang itsura ko. Sinubukan kong kunin ang unan sa kanya pero nilayo niya iyon. I was about to raise the blanket to cover my face pero pinigilan niya ako.

"Zian!"

Mariin niya akong tinignan the he put both of his hands on his hips.

"I will only give you three days to sulk like this."

My jaw dropped. Tatlong araw? Sapat na ba yon para maging okay ako? Heart breaks normally take months or even years bago ka maka-move on tapos itong si Zian tatlong araw lang ang binibigay sa akin!

"B-Bakit?" hindi ko na naman mapigilang mapaluha sa lupit ng kakambal ko.

He raised a brow at tila walang awa akong pinagmamasdan,"Marami ka pang aasikasuhin di ba? Your monthly evaluation, assignments from Teacher Maricel, your application for senior high and advance reading for your course. Sunod naman non ang audition mo sa Aspire.."

Inisa-isa niya pa ang mga plano ko sa buhay. I never thought he'll remember all of it. Ang alam ko lang ay minsan wala ako sa sariling nagku-kwento sa kanya habang busy siya. He wasn't answering me during those times so I thought he's not paying attention at all.

".. do you seriously think you have time to sulk? Mas importante ang pangarap mo kumpara sa kanya."

But I'm hurt. Pwede naman siguro ako umakto ng ganito but then kapag nakita nina Mommy na malungkot ako, they might ask why at baka makaramdam silang may kinalaman iyon kay Fire. Gusto kong magmura! If Fire didn't went overboard and involved my parents here, edi sana hindi ko ito iisipin!

Zian is right! May mas importante pa sa kanya. Besides, hindi lang siya ang lalake sa mundo. Maybe I'll meet someone else in the future.

"Fine. Three days." I said bitterly.

Si Zian na ang nag-asikaso ng pagkain namin pati sa pagbaba non. Then we watched our favorite movie, High School Musical. We sang whenever the leads start singing and it feels nostalgic.

We were very young noong unang pinalabas ito and this is sparked my interest doing musicals. Ilang beses ko itong pinapanood hanggang sa makabisado ko ang bawat kanta at sayaw. When our parents saw that I am good at it ay itinulak nila akong magworkshop para humasa pa ang talento ko. I feel lucky that I was given an opportunity like that. Dahil doon ay nag-improve ako, may mga bagong natutunan at nalinawan sa gusto kong gawin balang araw.

Just by watching this movie, it sparked my love for music even more. Tama si Zian. I have so many plans at gusto kong maabot iyon. If I don't work for it then everything will be wasted.

Pagkalabas ko sa aking banyo pagkatapos maghalf bath ay nakaupo si Zian sa kama ko hawak-hawak ang kanyang phone at mukha kakatapos lang din maligo.

"Oh, di ka inaantok?" tanong ko habang inaayos ang tuwalya ko sa hanger.

"Can I sleep here?"

Agad akong napalingon sa kanya. He mirrors my amused expression. Ako lang ang tuluyang napangiti sa aming dalawa.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now