xxxviii

1K 49 7
                                    

"Ano pong masasabi niyo ngayong si Miss Maricel Atienza na ang bagong CEO ng Aspire?"

"Isn't she your vocal teacher before?"

"Are you still going to leave the company one month from now?"

"Magre-renew po ba kayo ng kontrata?"

"Is it true that May is still in the hospital and not getting better?"

"Hindi na po ba itutuloy ang mga nakalinya ninyong proyekto?"

Sunod-sunod ang mga tanong sa amin habang naglalakad kami papasok sa building ng Aspire. Tons of bodyguards are stationed everywhere para walang reporters, fans o kung sino pa man ang makalapit sa amin.

Saka lang kami nakahinga ng maluwag nang nasa loob na kami ng conference room na inihanda for the said meeting.

"This way po," a female staff led us to our table kung saan may papel na nakapatong na may pangalan ng grupo namin.

I looked around and saw other artists on their respective tables, may mga piling photographers at journalists din ang nasa isang gilid lang habang sa harap naman ay isang mahabang mesa kung saan may mga nakapatong na mga pangalan ng mga bagong board members. Sa pinaka gitna ay ang bagong CEO si Teacher Maricel.

"Si Fire ba?" bulong sa akin ni Amy.

"May trabaho."

"Ah. I thought he'll be here since he's one of the major investors." aniya.

Halos lahat ng investors at board members noon ay nagwithdraw sa kanilang mga posisyon. Naging mahirap para kina Teacher Maricel ang maghanap ng mga mag-iinvest at pwedeng pumalit sa mga umalis. Fire and Conrad is one of them.

"Are you sure? How much did you bought?" tanong ko kay Fire nang magkita uli kami pagkaalis ni Zian.

I thought I will be able to move freely when Zian was around pero ang higpit niya. Lalabas lang ako ng kwarto ay sinusundan niya pa ako ng tingin. It was kinda creepy for me and a bit nostalgic.

Fire just lazily smiled at me and hugged me tight. Lilingunin ko na sana siya to give him a peck on the lips kaso may kumatok ng pagkalakas-lakas sa pinto ko. Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko si Fire. He slightly stumbled at napaupo sa kama. Tumakbo ako sa pintuan para buksan ang pinto just to see Eugene, telling me that lunch is served.

Nagpaalam si Fire na magta-trabaho muna dahil nagpalit sila ni Fiona. Ang kakambal niya naman ang nasa Santa Ana. He's also helping Hughes in one of their restaurants.

Umingay ang paligid nang pumasok si Conrad, sa likod niya ay ang ibang bagong board members. His eyes landed on our table before climbing up on stage. We last saw each other when he heard about May's condition, binisita nita kami sa dorm at kinausap din tungkol sa balak niya.

The press conference today will address the new board members and investors of Aspire Productions, the staff, the artists and their activities, the trainees and the future of the company. Just a week prior this ay nabigyan na kami ng heads up kung ano ang mga sasabihin pati na ang plano para sa grupo namin. Kaya lamang kami nandito ngayon ay dahil gusto naming suportahan si Teacher Maricel bilang bagong CEO.

Matapos ang maikling introduction for formalities ay nagsimula nang magtanong ang mga reporter.

"Are you still going to pursue your music career?" tanong ng isa kay Conrad. Lahat ng atensyon ay nasa kanya ngayon. He looks formal today. Nakasuot siya ng coat at gray na long sleeves shirt sa loob. Ibang-iba sa casual at laid back na style niya.

"Yes. If you're going to ask about my album, it will still be released but just not this year."

"Why did you decide to get a position in the company?"

Pink SkiesWhere stories live. Discover now