xxix

1K 48 8
                                    

I was quite sure that I will die that time. Nasa gubat kami at walang ibang dadaan doon. It will be hard to search for us. But I believe that Zian can find me. Dead or alive. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tuluyang magpaubaya sa sakit at lamig na nararamdaman.

I woke up because of the pain I am feeling. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko.

"M-Masakit," I croaked. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko.

A warm hand touched mine. I tried to grip it pero kahit iyon ay nahirapan akong gawin! Hindi na ako nakapagsalita pa lalo na nang makaramdam ako ng hapdi sa aking paa.

"Arthur, let them work.."

"Dito lang ako," sabi ng boses sa aking tabi.

Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero nasilaw ako sa puting liwanag kaya pumikit ako muli. I kept on groaning even when my throat is dry. Isang turok ng karayom ang naramdaman ko bago ako nakatulog ilang sandali pa.

I've been awake a couple of times but I wasn't able to speak. Maybe it's because of the pain I am feeling from multiple parts of my body. Nang makita ko ang karayom ay nakaramdam na naman ako ng takot. My hands tremble and started to search for something.

"Shh. It's okay," a man said beside me. He cupped my hand and lightly stroked my hair. Ang init mula sa kanyang kamay ang nagpapakalma sa akin.

"Nagsalita na ba siya Arthur?"

"Not yet.. She just kept on having nightmares, Ninong.."

"Maraming tao sa labas. Hindi na maganda ito."

Nagising na lang ako uli sa pamilyar na boses sa aking tabi. Mas malambot na ang kama kung saan ako nakahiga, hindi na rin sumasakit ang mga mata ko sa sobrang liwanag at hindi na amoy ng alcohol ang naghahari sa paligid.

"W-Who did this?"

"We still don't know yet, Tita. The police are investigating. Kapag sa susunod na araw ay wala pa ring lead ay hahanap na po ako ng ibang makakatulong dito." that wonderful deep baritone voice said.

I tried blinking to see who's holding my hand. Pero alam kong hindi siya iyon. Nasaan siya? Mas gusto kong kamay niya ang humahawak as akin. I tried searching for him using my left hand. Nandito lang siya madalas, eh.

"W-What is she doing?" a worried voice asked.

Ilang sandali pa ay nahawakan ko na ang kamay niya. His warm skin makes me feel safe. Sana ay dito lang siya. Sinubukan kong lumapit sa kanya but my back suddenly hurts! I groaned.

"Z-Zia.."

The warm body scoot closer to me. Nakampante agad ako at kumalma. Hindi ko na lang ininda ang sakit. I tried breathing normally and fell back to sleep.

Despite the pain, I suddenly jumped out of bed. Nagsimula akong makaramdam ng pagkabahala. Sinubukan kong makababa sa kama at lumabas sa kwarto. When I successfully opened the door, paika-ika akong lumabas.

"Zia! Ziana!"

Walang ibang laman ang isip ko kung hindi ay dapat akong umalis. Dapat makatakas ako. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko rin alam kung saan o kanino basta hindi ako ligtas. My knees are weak and I can't walk properly.

A pair of strong arms and familiar scent woke my senses. Nabalik ako sa huwisyo.

"Z-Zian?"

Ngumiti ang malabong mukha. Sinubukan ko iyon hawakan at nagpaubaya naman siya.

"It's me. Your twin brother.."

Iyon lang ang sinabi niya at tuloy-tuloy nang bumuhos ang luha sa aking mga mata. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nararamdaman ko ang paglalakad niya.

Pink SkiesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt