xxiii

959 40 8
                                    

Hindi ko na pinahalatang di ako kumportable sa desisyon nila. Tahimik lang na sumunod sa akin si Fire, I glanced at him once and saw how bored he looks. Umirap ako at nagmadaling lumabas. I don't care kung maiwan ko siya. Hindi ko naman kailangan ng maghahatid sa akin. I can go home by myself. I won't get lost!

Just a few meters outside their house, I saw Conrad talking to his cousin who is smoking. Nakaramdam ako ng ginhawa nang makita siya.

"Conrad!" tawag ko at kumaway pa para mapansin niya.

Unang dumapo ang tingin sa akin ng pinsan niyang si Tyler at sinenyasan lang si Conrad. His face lit up when he saw me, agad niya akong nilapitan. Meanwhile his cousin's gaze fixed to something or someone behind me.

"Bakit nasa labas ka?" he asked.

"Uuwi na ako, eh."

"Ikaw lang? Nasaan si Zian?" his eyes scanned the surroundings at nahinto iyon sa likuran ko. He frowned then looked at me again.

"A-Ako lang.. nasa loob pa si Zian. Medyo masama kasi pakiramdam ko.."

"Mukha nga. Tara, hatid kita," sabi niya na may konting diin.

Ngumiti ako at pinigilan ang sarili na yakapin siya tuwa! Buti na lang at nandito siya. I won't have to endure Fire's bored and unpleasant presence. Nagpaalam si Conrad kay Tyler na ihahatid ako sa bahay namin at uuwi na rin agad pagkatapos. His cousin just nods his head while Conrad is saying that. Dumapo naman ang tingin ko kay Fire na nakapamulsa lang sa gilid namin. Hindi pa to uuwi? Si Conrad na ang maghahatid sa akin, hindi na siya kailangan dito.

Dumaan ang mga araw at buwan, naging malapit kami ni Conrad sa isa't-isa. My twin brother still dislikes the thought of me seeing a guy but I assured him that Conrad and I are just friends kahit na naka-graduate na ito at college student na.

"Hindi na kita nakikita sa workshop, ah? Busy?" tanong ko.

"Yeah. Ang hirap mag-adjust with my schedule. I have Saturday classes!"

"Nako! Mahirap nga iyon. Kailan ka na lang nakakapunta doon. Ang daming naghahanap sayo.." I teased pero totoo naman. He's popular.

"Every Thursday naroon ako. Ikaw?"

I clasped my hand and it made a sound. "May practice din kami sa Thursday!"

Halata sigurong natuwa ako sa sinabi niya kaya napangiti siya. "Kita tayo?"

"Si-"

Naputol ang isasagot nang makarinig kami ng ubo sa likuran. We both turned around to see who it might be. I almost bare my teeth in annoyance nang makita si Fire. Nakasunod pa rin pala siya!

His red checkered polo is open showing his white v-neck shirt inside. Aaminin ko, ang gwapo niyang tignan. Mas maikli rin ang buhok niya ngayon kumpara noon. Mas maayos siyang tignan with a clean cut. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya bago pa man magtama ang mga mata namin.

"H-Halika na Conrad," I said, touching his left arm. "Uuwi ka na rin ba?"

"Ah, may hinihintay lang ako tapos uuwi na."

"Sino?"

Hinawakan ni Conrad ang likod ko nang tumawid kami sa kalsada. Pasimple akong lumingon para tignan kung nakasunod pa rin si Fire. Nakahinga ako ng maluwag nang di ko na siya nakita.

"Si Rayn. Nandoon siya sa party nina Fire at Fiona. My cousin and I have to talk to her."

Ah, talaga? Nandoon pala siya. Sabagay, she's friends with Fire. Ilang beses ko silang nakitang nag-uusap pagkatapos ng karera but I also frequently see her with Hughes. Pero hindi naman si Hughes yung tipong nakikipagkarerahan o pumupusta, he looks prim and proper. Then I suddenly remember that time I him sa clinic kung saan dinala ni Zian si Rayn because she got injured. My twin! May issue pala tungkol sa kanila sa school. That's one of the reasons kung bakit humupa ang usap-usapan sa akin.

Pink SkiesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz