xxxix

1K 49 12
                                    

I thought they wouldn't leave us alone. Mabuti na lang at niyaya sila ni Daddy na pumasok sa loob so Fire and I can talk. Medyo nahirapan nga lang si Mommy na pasamahin si Zian sa kanila.

"Let's go, anak. Tulungan mo akong magbake!" sabi ni Mommy. Pareho kami ng kakambal ko na napalingon sa kanya at lito siyang tinignan.

Si Zian magbi-bake? Totoo ba?

"Oh, don't tell me ayaw mo na? You said you want to learn and give it to--"

Agad namang tumayo ang kakambal ko at bahagyang tinulak ang ina namin papunta sa loob ng bahay.

"Yeah yeah! I remember. Hindi ko lang po inaasahan na ngayon niyo ako tuturuan," masungit niyang sinabi pero tinawanan lang siya ng mga magulang namin.

I wonder for whom he is baking for?

Saka ko lang napagtanto na wala pala akong masyadong alam ngayon sa buhay ng kakambal ko. The past months had been hectic and stressful for the both of us. Minsan pagkauwi niya ay binibisita niya pa ako so I wonder if he's got time for girls. Sa tingin ko kasi ay kung hindi trabaho ay ako naman ang inaasikaso niya.

Habang pinapanood ko ang papalayo kong pamilya ay lumipat naman si Fire sa upuan ni Mommy kanina. He pulled the chair closer to mine and rests his arm on the back of my chair. Napangiti ako.

"Masarap?" tanong niya.

"Yup!" I looked at him,"Dito ka na rin magdinner ha? I'm sure my family won't mind."

Nagsisimula na akong magformulate ng magandang excuse para di na siya umuwi sa kanila, kahit na ang lapit lang ng bahay nila, so that he can eat dinner with me.

"Okay."

Mas lalo akong napangiti at sumubo muli ng ice cream. Nang di makuntento sa kinakain ay kumuha ako ng saging. Muntik nang madulas sa kamay ko ang mug na hawak ko, mabuti na lang at hindi ko iyon nabitawan!

"Ako na," sabi ni Fire. Kinuha niya ang saging at binalatan hanggang sa kalahati lamang.

"Peel it tapos ilagay mo rito," utos ko sabay angat ng mug.

Parang tuwang-tuwa siya sa ginagawa at nang matapos ay niyakap ako. His hands caress my back and my tummy slowly. Napatuwid tuloy ako ng upo at medyo kabadong sumubo.

"I miss you." sabi niya at ipinahinga ang noo sa balikat ko.

He looks like a big bear looking for comfort. Ang laki ng diperensya ng height naming dalawa. I look small beside him kaya medyo nakakatawa siyang tignan sa ayos niya ngayon. It's cute.

"I miss you, too."

"Dadalaw uli ako rito bukas. May gusto ka bang dalhin ko?" he asked indulgently.

As much as I want to eat something else aside from fruits, wala na akong ibang maisip. May mga prutas naman kasi kami rito so parang sayang din kung bibili pa si Fire.

"I can get you anything," dagdag niya.

"Anything?" I glanced at him. Nag-angat siya ng tingin at medyo mapanghamon akong tinignan pabalik. "Hmmm.. Green mangoes tsaka bagoong. Yung medyo sweet na bagoong, ah. Ayoko ng maalat."

He chuckled at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin. Ibinaba ko ang mug na hawak ko para makainom ng tubig. I thought he would loosen his hug a bit pero hindi.

"You're craving different kinds of fruits every day, huh," aniya.

"Yeah. Ganito ako pag nireregla," medyo nahihiya kong sambit. "Wait. You noticed?"

"Uh-huh." tango niya then he looked sideways na parang may inaalala. "Back in Santa Ana when you were recovering and you had your period, mas gusto mong kumain ng prutas kaysa kanin. I was worried you might get thinner."

Pink SkiesWhere stories live. Discover now