xvii

1K 45 15
                                    

Nakangiti akong pumasok sa loob ng classroom namin habang ang kakambal ko naman ay parang iritado at nakasimangot. Sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan at pinag-usapan ang try outs na magaganap sa susunod na buwan.

"Oh, mukhang maganda ang bakasyon natin, ah," sabi ni Mica. Ngiting-ngiti rin siya habang tinititigan ako.

"Aba, namumula!" Rachelle pointed out. Gusto ko tuloy hawakan ang mga pisngi ko pero pinigilan ko na lang dahil matalim ang tingin ni Zian sa banda namin.

"Anong nangyare? Nagdate ba kayo?" tanong ni Chiara na mukhang excited.

"Parang.."

Pare-pareho silang napaisip. I know. It's vague. We went out that day pero hindi naman niya sinabing date iyon and I don't want to assume.

"Namasyal kayong dalawa.." sabi ni Rachelle. Tumango naman ako. "Kayong dalawa lang? Walang iba?"

"Yes."

"Edi, date yon!" sabi ni Mica.

Umiling ako at umupo. Kumunot naman ang noo nila.

"Ayokong mag-assume. We just went out as friends."

Rachelle pouted,"Friends? Talaga? Tingin mo ilalabas ka ng kaibigan mo sa ganong lugar?"

"I think so," napaisip muna ako bago makasagot.

"Sige nga. Kung yayayain ka ni.." luminga-linga si Chiara,"ni Conrad na manood ng movie ng kayong dalawa lang. Papayag ka?"

Nabigla ako roon. Bakit si Conrad? Well.. friends kami pero bakit siya ang example.

"O-Oo"

"Weh?" sabay-sabay na sinabi ng mga kaibigan ko na parang hindi makapaniwala sa sagot ko.

"Aba!" pumalakpak si Edson na nasa likod lang pala namin at mukhang kanina pa nakikinig. "Zian! Payag pala itong si Zia na maka-date si Conrad, eh!"

"Edson!" I hissed. My other classmates erupted in laughter at inasar ako. Ang mga kaibigan ko naman ay nakisama sa pang-aasar.

"Si Conrad na pala, ah! Sumuko ka na kay Kuya Fire?" tanong ng isa kong kaklase. Sinipat ko lang siya.

Akala ko patatahimikin sila ni Zian pero nagulat ako nang nakisama siya sa tawanan! Wala bang tutulong sa akin dito?

Hinawakan ni Edson ang balikat ko at lumapit,"Wag kang mag-alala. Tutulungan kitang mapalapit sa kanya." he laughed a little,"Hindi mo ba alam na magaling ako sa ganito! Ilalakad kita sa kanya. Wala pang isang linggo, makaka-date mo na ang isa sa mga pinak-"

"Shut up, Edson!"

I covered my face with both of my hands. Oh, no! Paano pag narinig ito ni Conrad? Hindi naman siguro naniniwala iyon right? Alam niyang si Fire ang gusto ko. At tsaka hindi naman kasi ganoon ang ibig kong sabihin! Example lang naman, eh. Kung ibang pangalan na sana kasi ang sinabi ni Mica mas okay pa! Si Conrad pa talaga ang napili.

Natigil ang asaran nang dumating ang homeroom teacher namin and she started taking the attendance nang makaupo siya.

Medyo wala ako sa huwisyong makinig ng mga lesson. Busy ang utak ko na i-replay ang mga nangyare noong isang araw.

Fire came exactly eight in the morning. Nagulat si Zian nang makita akong bihis na bihis at may dalang maliit na sling bag. Napataas siya ng kilay.

"At anong oras ka naman uuwi?" tanong niya.

"Maybe four or five? Six? I don't know. I'm not sure." nagkibit ako ng balikat at nilagpasan siya. Hindi ko na lang pinansin ang pag-iling niya na parang dismayado.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now