xv

1K 47 20
                                    

Sumama si Fire sa amin hanggang sa pagbalik namin sa booth. Mommy is still at her place at tinititigan ang kakambal ko na nagseserve ng pagkain. Surprisingly, Zian is smiling!

"T-Thank you!" sabi ng babaeng umorder. Hindi niya tinanggal ang tingin niya sa kakambal kahit na nakatalikod na ito.

Lumapit kami kay Mommy. Nagtagal ang kanyang mga mata kay Fire na nasa tabi ko pa rin hanggang ngayon.

"Fire! It's nice to see again. Si Jaine?"

"Nasa Vigan po. May shooting," sagot niya.

"Oh! Commercial?"

Tumabi muli sa kanya si Daddy. He took a bite sa cake na nasa tapat ni Mommy.

"Indie film po."

Nabigla kami roon, except kay Daddy. I never thought Tita Jaine will act again. Nakwento noon ni Mommy na mas gusto ni Tita Jaine ang modeling though she accepted small roles before in movies.

"Are you here to eat? Join us here, Fire." anyaya sa kanya ni Mommy.

"Mom, tutulong na po uli ako sa kanila," paalam ko.

"Okay, Zia.." then she turned to Daddy at hiningi ang video camera to watch what he recorded earlier.

Nilapitan ko sina Mica at Casey na abala sa paglilinis. Nilapag ko ang aking bag katabi ng sa kanila.

"Kamusta yung play?" tanong ni Casey.

"I think it's good! We got a standing a standing ovation," sabi ko. "Nakita ko rin yung scouts ng Aspire doon."

"Talaga? Nilapitan ka?" tanong naman ni Mica.

"Hindi, eh. Parang hindi naman ako ang pinunta. Si Conrad.."

Umalis ang mga magulang ko before lunch. Mukhang magdi-date yata sila. Maybe that's why Mommy dressed up. I thought Fire would also leave pero hindi pa rin pala. I saw my two other classmates gushing over him at nagtutulakan kung sino ang kukuha ng kanyang order. Bago pa sila makapagdesisyon ay dinampot ko na ang maliit na notepad at lumapit sa kanya.

Bahagya siyang tumuwid sa pagkakaupo at naka-ekis pa rin ang mga braso. His eyes lit up when he saw me. Naka-ngisi na naman siya na parang natatawa samantalang ako ay hindi makangiti. Kanina pa kaya siya pinagtitinginan dito. Feeling ko dumami ang mga babae naming customers dahil sa kanya!

"Anong order mo?"

His brows creased a little. Siguro ay nagtataka sa ekspresyon ko. "Matcha cake and water.."

Sinulat ko iyon at tinalikuran na siya agad. As much as I want to stay with him para walang mangahas na lumapit sa kanya ay hindi naman pwede. I wanted to groan when I realized something. Possessive.

Bago pa ako makaalis ay nahawakan niya ang palapulsuhan ko. It's firm but it doesn't hurt. Nang nilingon ko siya ay hindi iyon lumuwag, tinignan niya ako sa mata. Uminit ang pisngi ko sa titig niya, I can't look at him directly.

"B-Bakit?"

"May gagawin ka ba mamaya pagkatapos mo rito?"

May dumaan sa likod ko na tumikhim ng malakas kaya hindi agad ako nakasagot. Zian.

"Wala naman.." sagot ko. I heard my twin brother mimicked what I said sa isang maarteng pananalita. Ganon ba pagkakasabi ko? Hindi naman, ah.

"Let's go somewhere," nagtaas siya ng kilay at ngumisi.

"Zia, yung order daw," tawag sa akin ni Zian. Nilingon ko ang kakambal ko na sarkastikong nakangiti sa tabi ni Rachelle na abalang nagtitimpla ng juice.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now