xxii

952 41 8
                                    

I was our school's hot topic for almost a month. Kahit wala pa akong napagku-kwentuhan sa aking mga kaibigan ay kumalat na ang nangyare sa Hungry Hive. 

"Mukhang may taga Aria ding naroon that day," Rachelle looks apologetic. "Pinag-usapan yata pag-alis namin doon."

"Umalis na rin kami noong nakita ka naming sumakay ng jeep. Nataranta kami sayo. Hindi mo pa naman gaanong alam yung mga lugar dito!" Mica said.

"Malamang pinag-usapan ka nina Fire at may mga nakarinig."

 Kapansin-pansin din ang mga sulyap at bulungan ng mga nasa paligid ko. Even some of the teachers look at me at para bang disappointed. Imbis na malungkot ako ay nakakaramdam ako ng inis! Bakit parang kasalanan ko? 

I did nothing immoral! I am just a kid na may crush sa isang lalake. Sa sobra niyang pagkakagusto rito ay nagbulaglagan at umasa siya. Iyon naman talaga ang madalas na nangyayare sa tuwing may gusto ka sa isang tao hindi ba? You become blinded only by his good side. Ako yung sinaktan dito pero bakit parang ako yung mali sa mata nila?

"Umasa pa kasi."

"Obvious namang lolokohin lang siya. He's a playboy noon pa lang! Kalat iyon dito when he's still in high school."

"Totoo bang nakasama niya si Fire? Maybe she's just delusional. Patay na patay siya sa kanya, eh. Wala akong nakitang pictures nila together.."

"Yes! Yung Heidi and Lovely, nagpopost naman kapag kasama nila si Fire even though they're just friends or whatever right? So maybe, it wasn't true at all."

Binunot ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko. I never posted our photos together neither did he. I never thought why. Mas gusto ko kasing sa amin lang iyon, like a little secret. Gusto kong protektahan ang mayroon kami because I was already contented.

I have our photos uploaded in my Facebook account but it's on private mode. Nandoon lahat kahit ang mga stolen na letrato niya pagkalabas sa kotse after ng karera, our mini food trips sa mga bangketa, the photos I forced him to take kapag nasa shop kami ni Mikoy at yung "date" namin sa flower farm sa Santa Ana.

I wiped my face with a facial tissue at tinapon iyon sa trash can katabi ng toilet bowl. Nasa loob ako ng cubicle sa restroom for a while now. Hindi ko na kasi kinaya ang nararamdaman ko kanina kaya nagpaalam muna ako sa friends ko that I have to freshen up. Hindi muna ako nagtangkang lumabas dahil sa pagchichismisan ng mga babae.

Masakit ang ginawa sa akin ni Fire pero mas masakit na mas lalo nilang dinidiin sa akin ang pagkakamali ko.

"Hay nako!" wika ng isang pamilyar na boses. Dahil sa kanya natigil ang pag-uusap ng mga babae kanina.

"Oo nga. Hay nako!" another one chimed in.

"Tss. Isa pa tong babaeng to. I heard na may mga kalandian daw siya from different schools."

"At least, I don't feast on other people's mishaps," saka lang naging pamilyar sa akin na boses iyon ni Rayn. "Ilang linggo niyo nang pinag-uusapan yan, ah. Di pa kayo nagsasawa?"

"Oo nga! Hay nako."

"We're older than you kaya ayos-ayusin mo yang pananalita mo, ah!"

"You're older than me so you should've known better," Rayn fired back. "And I only respect those people who deserves it."

"Issue mo? Sawsawera ka talaga. Isa ka rin namang malandi-"

"Ay! Sinisimulan ka Rayn, oh?" sabi ng kasama ni Rayn. I tried to peek sa maliit na espasyo ng pinto.

Rayn is stretching her arms at bahagya napaatras ang mga kausap niya. She smiled, looking amused.

"Trash talk-an pala, ah. Walang iyakan, ah?"

Pink SkiesWhere stories live. Discover now