xl.iv

1K 40 5
                                    

I let out a contented sigh as I watch Fire prepare the table. Umorder siya kanina ng breakfast namin at kakarating lang non. I bet we're the topic of those who have an idea that we spent the night here together.

Nagkaroon ng issue noon tungkol sa paglabas naming dalawa sa bahay nila. People assumed many different things pero hinayaan lang namin iyon, I kinda became tired of thinking about their opinions. It bothered my twin brother of course.

"Good morning," bati niya sa akin.

I smiled and started walking towards him. Tumigil siya sa pag-aayos habang pinagmamasdan ako. I blushed a little pero hindi naman masyadong nahiya kahit na underwear at ang t-shirt niya lang ang suot ko. The very reason why he's topless and wearing only a pair of black shorts. Sana naman lalake ang naghatid ng pagkain namin kanina.

"Good morning," bati ko pabalik bago maupo.

He pulled the chair in front of me papunta sa aking tabi.

"Papasok ka talaga ngayon?" he asked with a lace of sadness in his voice.

"Yup. May mga binago si Natalie, eh."

Pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkain. May pancakes, fresh fruits, bacon at fried egg. I am eyeing the pancakes and maple syrup, iniisip ko kung ilan ang kakainin ko. Sa tagal ko sigurong mag-isip ay si Fire na ang naglagay ng pancakes sa plato ko, mukhang nakita niyang kanina ko pa tinitignan iyon.

Pagkasubo ko ng pancake ay pinunasan niya ang gilid ng labi ko. Nilingon ko siya dahil sa ginawa niya. He smirked at me before licking the maple syrup on his thumb.

"Aren't you sore?" he raised a brow."Magpahinga ka na lang."

Namilog bahagya ang mga mata ko at namula. Ang aga-aga! Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. Muntik pa akong mabulunan!

"H-Hindi naman.."

Ipinatong niya ang kanang braso niya sa backrest ng upuan at kinuha ang isang tasa ng kape.

"Really?," sabi niya na parang hindi pa naniniwala.

"T-Totoo!" ibinalik ko na agad ang atensyon ko sa pagkain dahil baka kung ano na naman ang maisip ko.

But then nagflashback na sa isip ko ang mga ginawa namin kagabi sa loob ng banyo, as sofa at sa kama. He's full of energy! Ilang rounds ba yon? Lima o anim? Nasapo ko ang noo ko, I don't even want to remember how many times I came for him and our positions!

He chuckled when he saw that I am having trouble here with my flashbacks.

"Eat up, Baby. May ensayo ka pa." bulong niya.

Gusto ko siyang itulak palayo pero wala akong lakas gawin yon. I don't want to touch him lalo na at topless siya.

Medyo mabagal ang kilos ko dahil parang tinatamad akong gumalaw. Parang gusto ko na lang na bumalik sa kama and maybe cuddle with him. Kagabi kasi nakatulog na ako agad dahil napagod ako sa kanya.

"Aba, blooming, ah!" Natalie commented while I'm tying my hair in a messy bun."So, kailan ang kasal?" she whispered playfully.

"A-Ano.. I don't know.."

"Wala pa kayong plano?"

My chest heaved. "Wala..pa. Kasi.. busy pa kami pareho at hindi pa naman namin napag-uusapan yan."

Which is true. It was brought up once or twice but we never really talked about it. Ayos lang din naman sa akin dahil marami pa akong iniisip sa trabaho at sikretong comeback na pina-plano namin.

She opens her tumbler. "Can you see him as a potential lifetime partner?"

"Oo naman."

Of course, I thought of marrying him. Wala na rin naman kasi akong nakikitang pwede kong pakasalan kundi siya lang. I wasn't interested with any men before we became official. I was focused with my career. Parang siya lang talaga.

Pink SkiesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora