xxiv

1K 46 9
                                    


"Hindi ka pa aalis?" tanong ni Amy ni na nakasandal sa pintuan ng practice room. Kanina niya pa ako pinapanood na sumayaw sa harap ng salamin. We were making a choreography for a song na nasulat ko.

Huminto ako at nilagay ang mga braso ko sa magkabilang bewang. I tried breathing normally dahil hinihingal ako. Masyado yatang intense yung routine pero mukhang pwede na rin for a dance break.

"Mamaya na. Maliligo pa ako at magpapalit ng damit," sabi ko habang pinupunasan ang pawis sa noo at leeg. Bago umalis si Amy ay pinakiusapan ko siyang tawagin si Ate Barbie, my assistant, na puntahan ako rito.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos ay nasa labas na si Ate Barbie na mukhang busy sa kanyang phone.

"Pinatawag mo raw ako, Zia?"

"Pwede niyo po ba akong ihatid sa shop ni Mikoy?" sabi ko. Hindi na siya nagulat sa pakiusap ko dahil madalas niya iyong ginagawa noon. Madalas kaming pumunta roon noong trainees pa lang kami at kahit nakapagdebut na, minsan ay kasama pa si Conrad.

"Ihahatid din ba kita pauwi sa inyo?"

"Hindi na po. Magta-taxi na lang ako.."

Nag-aalala akong tinignan ni Ate Barbie. "Ziana. Magpasundo ka na lang sa driver niyo. Alam mo sa kakapilit mong umuwi mag-isa, ikaw tuloy ang paboritong sundan ng paparazzi sa inyong lima."

Nanahimik ako sa passenger seat habang nagra-rant siya tungkol sa mga walang kabukuhang articles na ginawa ng mga tabloid reporters tungkol sa akin, sa grupo at sa relasyon ko kay Conrad.

"Kung di pa tinakot ng kakambal mo iyang mga reporter, di ka titigilan niyan."

Sa totoo lang, malaki ang naitulong ni Zian sa amin kahit noong nagsisimula pa lang kami. He visited our dormitory often para ihatid ang mga luto ni Mommy o di kaya'y yayayain kaming lumabas at libre niya pa. He became our protector.

Wearing a black cap and sunglasses, I entered Mikoy's shop. Medyo nakakapagtaka na parang kaunti lang ang tao sa shop niya ngayon malapit na maglunch time. His face lit up when he recognized me but didn't react, pinagpatuloy niya lang ang ginagawa niya.

"Thank you. Come again," masigla niyang sinabi sa palabas na customers.

Lumapit ako sa counter at sumandal. "Ang konti ng tao, ah.." bulong ko sa kanya.

Ngumiti siya at iginiya ako sa madalas kong pwesto. I sat there and removed my sunglasses. Naupo naman si Mikoy sa harap ko.

"Naparito ka? Di kayo busy?"

"Hindi. Walang projects, eh.." medyo malungkot kong sinabi.

"Ngayon lang yan Zi-," he anxiously looked at the three customers busy sipping their drinks. "..magkaka-project din kayo. Hintay lang.."

"One of our songs flopped," pag-amin ko. The two songs that I wrote were good. Kinilala at sumikat iyon so the listeners kind of expected that we will release another hit but the company told me that we should try a different style.

Umismid siya,"Hindi kasi bagay iyon sa inyo. Parang pang solo lang iyon, eh. Nangingibabaw boses ni Ayumi. Sana binigay na lang sa kanya."

Tumango ako. I agree. Whenever I write a song, I try my best to give the members equal parts. Amy is the best dancer among us, kapag kaunti lang ang mga linya niya I encourage her to perform a dance break. May usually sings with Ayumi or Eugene sa isang verse. Chorus o isang buong verse naman ang napupunta sa akin o kay Eugene samantalang ang mga matataas na nota naman ang kay Ayumi.

Hindi nga lang ako nakaapila ngayon dahil ang mismong management ang nagsabi. Cellyn tried talking to them pero hindi rin siya pinagbigyan. I can still remember Eugene's sour face when she heard the demo song.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now