xxx

1.2K 40 9
                                    

"Two dead, one seriously injured and two are missing in an accident at Santa Ana city on the day of the supposed fan meeting of the two members of the hit girl group.."

"Ziana Aragon, a member of the popular girl group Diamond, got in an accident.."

"May Lee is still missing, reports claim that she's been.."

"Attorney Christopher Aragon files multiple lawsuits against Aspire Productions following the incident where his daughter, Ziana Aragon was involved.."

Punong-puno ng balita tungkol sa aksidente. It's weird that I am involved there but I don't remember anything. Buong gabi ko nga lang inisip ang imahe ni May. Malabo at madilim iyon, she's trying to say something I cannot quite grasp. Sana ay maalala ko na ang mga nakalimutan ko.

Umalis na sina Mommy kahapon para bumalik sa Manila nang medyo humupa na ang ulan. She needs to take care of the business, si Zian ay may naiwang proyekto as Iloilo at tatapusin muna iyon bago muling bumalik but he promised he'll call me from time to time and Daddy is in talks with a family lawyer of the Lee's about the case.

Tuloy ang pagsampa ng kaso laban sa Aspire. Ayoko mang madungisan ang pangalan ng kumpanya kung saan ako nagta-trabaho ay wala akong magagawa. My family wants to seek justice, iyon din ang gusto ng pamilya ni May at para na rin kay Ate Barbie.

Gusto ko sanang bumyahe pabalik kasama nila kaso lang ay baka raw hindi ako maging ligtas doon.

"You'll be safer here, anak." sabi ni Mommy.

"Your mother is right, Zia. Ang bahay niyo sa Manila ay pinalilibutan na ng reporters, your dormitory and even Zian's workplace," sabi ni Tito Nicholas. "Mas maigting ang seguridad dito. Nobody enters the ranch easily."

"Magdadagdag pa po ako ng security personnel, Tito," sambit ni Fire sa aking ama. Tumango naman si Daddy at nagpasalamat sa kanya.

"You need to recover here first. The doctor said that your body is still in shock. Hindi ka pa nakakapaglakad ng maayos.." Mommy's voice trembled.

Malungkot akong ngumiti. Ang sabi ng doktor kagabi ay baka raw matagalan akong maka-recover kung stressed ako sa aking paligid. My knees still feel weak at hirap akong maglakad ng walang umaalalay sa akin. Bigla akong nanlumo nang maisip ko na baka hindi na ako makasayaw pang muli.

Using a wooden stick, I helped myself getting up. Saglit ko lang na pinagpahinga ang sarili ko from practicing to walk. My steps kinda falter pero nagagawa ko naman. My left leg still hurts pero kaya namang matiis.

"Ziana," tawag ni Fire. Agad siyang lumapit sa akin just seconds before I fall on the floor.

Napapikit ako at inasahang tatama ang katawan sa sahig. Kumalabog ang puso ko. Ang mainit na hininga ni Fire sa aking pisngi ang nagpadilat sa akin. I looked at him, pilit niyang pinapanatili ang mga mata niya sa katawan ko at inalalayan niya akong tumayo.

"Ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong habang sinusuri ang buong katawan ko. Sa lapit ng mga katawan namin, I can hear the loud thumping of his heart or maybe it's mine.

I nod. Magkasalubong ang mga kilay niya at kunot ang noo. He's wearing his usual checkered long sleeves polo and I don't know if that's a sando or shirt inside. Naka pantalon siya at itim na caterpillar boots. Medyo pawisan din kaya mukhang kagagaling niya lang sa rancho.

"P-Pasensya na. I tried walking.."

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. He looks frustrated.

"I'm o-okay.. di na lang muna ako maglalakad-lakad uli.. I will just sit here and watch something.."

Nalulungkot ako dahil pakiramdam ko ay pabigat ako sa kanya. He saved me from death, took care of me while my family's away, patiently indulged me when I feel cold and let me stay here in their ranch.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now