xl.viii

1K 41 4
                                    

Dribbling my ball, pinapanood ko mula sa malayo si Mama na magpose habang kinukuhanan siya ng letrato. Si Papa ay nasa gilid lang crew at nanonood din. Dito nila sa rancho namin naisipan gawin ang photoshoot.

Mama is wearing a pink long gown and her hair is in a beautiful mess because of the wind. Titig na titig si Papa sa kanya habang abala ang crew sa pagkuha ng magandang letrato mula kay Mama. She is not as active as before in showbusiness pero tumtanggap pa rin ng trabaho.

"Arthur! Halika na. Bibisita pa tayo kina Lola. Nandoon sina Ate Carmina tsaka Kuya Alfred." tawag sa akin ng kakambal kong bihis na bihis. Bored ko siyang nilingon.

I sigh before swiftly move towards her as if she's guarding me in a basketball game.

"Parang tanga to." reklamo niya na tinawanan ko lang.

"Bakit laging sinusundan ni Papa si Mama sa trabaho? He's like a stalker."

Hinampas ni Almira ang braso ko."Syempre, binabantayan niya. Mama got lots of stalkers back in her days."

Umismid lang ako at pumasok na sa loob ng bahay namin. Bilang bata hindi ko naintindihan ang ibig sabihin ng ginagawa ni Papa. Sunod siya ng sunod. Ina-adjust niya ang trabaho niya para lang masamahan si Mama sa lakad nito.

On the days he's not at the ranch, si Lolo ang namamahala non. I enjoy talking to him kaya natuto rin ako kalaunan sa pamamahala at ng iba pang ginagawa roon.

"Magaling si Nicholas mangabayo. Si Alfredo, noong kabataan non, mas gusto ang kotse." kwento ni Lolo habang hinihimas ang itim na kabayo.

Hinawakan ko rin iyon kahit medyo natatakot na baka manipa. Tinawanan ni Lolo ang ginagawa ko. Iginiya niya ang kamay ko para maayos kong mahimas ang kabayo.

"Talaga po Lolo? Magpapaturo ako bukas pag-uwi niya." excited kong sinabi.

"Ah. Nasaan nga pala uli siya?"

"Nasa.. Baguio po. May endorsement si Mama. Sinamahan niya."

Pumunta sa loob ng barn house si Lolo para kumuha ng pagkain para sa kabayo kaya ako lang ang naiwan. Hindi rin naman siya nagtagal at nakabalik agad.

Ang opinyon lang ng kapatid ko ang narinig ko tungkol sa relasyon nina Mama at Papa. It kinda bothers me kaya gusto ko ring malaman kung anong masasabi ni Lolo tungkol doon.

"Lolo. Don't you think Papa is weird?" I asked. Lolo turned to me, nakataas ang isang kilay.

"How so?"

"He's like a stalker. He's following Mama wherever she goes."

Natawa roon si Lolo. Sabi na, eh. Tama ako!

"Meron naman pong bodyguards si Mama. Bakit kailangan niya pang sumama? Baka maistorbo niya siya." dagdag ko.

Lolo ruffled my hair. "Soon, apo. Maiintindihan mo ang ginagawa ng Papa mo."

"Lolo!" my sister's girly voice called.

"Fiona!"

Hindi na sinagot ni Lolo ang tanong ko kaya inisip ko na lang na tama ang iniisip ko.

My mother's activities halted when two of her stalkers from before emerged. Nasa high school na ako non. I witnessed how my father immediately ordered for more security for her and for me and my sister. Umuwi sila sa Santa Ana kung saan sa tingin nila ay mas ligtas sila habang kami ay naiwan dito sa Manila dahil sa eskwela.

"Kamusta kayo diyan?" tanong ni Mama mula sa malapad na screen ng laptop ni Almira.

"Okay lang po, Mama. Kayo po?" my sister asked.

Pink SkiesKde žijí příběhy. Začni objevovat