xi

1K 47 3
                                    

"May bukas pa, Bryan!" reklamo ni Baron.

Hinihingal akong umupo sa sahig. I feel like my legs are giving up. Ngayon lang ako napagod ng ganito. Paano ba naman kasi, tatlong pasada na tuloy-tuloy ang ginawa namin. Nagkagulo pa kami sa stage kanina dahil hanggang ngayon marami pa ring nalilito sa blockings.

"Pagkatapos niyong magpahinga, pwede na kayong umuwi," sabi ni Natalie.

"Hindi pwede! Sulitin na natin to." pagpupumilit ni Bryan. Nagsimula nang magbitiw ng reklamo ang mga kasama namin.

"Baka sa Lunes di na sila makapagperform ng maayos! Magsi-uwi na kayo!" Natalie said.

I reached for my bag to get my water bottle, I groaned when it's empty. Uhaw na uhaw na ako. Garnering my strength, sinubukan kong tumayo. Halos mapapikit ako sa sakit. Nanginginig ang mga hita ko at ang likod ko naman ay gusto nang mahiga sa malambot na kama.

"Matutumba ka niyan," Conrad immediately pulled my arm so I can stand properly.

"Thank you," I muttered.

"Uuwi ka na?"

"Oo. Ayoko nang magstay dito." nilingon ko sina Natalie at Bryan na nagtatalo pa rin hanggang ngayon samantalang isa-isa nang umaalis ang mga kasama namin.

"Paano kung wala na silang lakas sa Lunes, ha?" singhal ni Natalie sa kanya.

"May weekends naman para magpahinga sila," Bryan muttered

Sinuot ko ang backpack ko at naglakad palabas ng classroom. I can feel Conrad's presence behind me.

"Alis na kami, Nat, Bry.."

"Kita mo! Pati si Conrad pagod na pagod! Ikaw kaya magperform doon!" Natalie said.

Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na lang sa restroom para magpalit ng damit. Ang dungis ko na naman kasi. After changing, I washed my face and applied three dots of lip tint on my lips and spread it. At least, di ako maputlang tignan. Tinignan ko ng maigi ang sarili ko sa salamin. I combed my hair again nang makitang medyo magulo ito.

"Nasa labas na yung driver niyo?" halos mapatalon ako gulat nang marinig ang boses ni Conrad. He smiled when he saw my reaction.

"Nakakagulat ka," sabi ko sa isang pagod na tono. I see that he also changed his shirt at mukhang fresh na.

He presented a plastic bottled water. Hindi na ako nag-atubiling kunin iyon. Syempre, uhaw na uhaw na ako kanina pa! I opened it and drank. Halos maubos ko ang laman non, nagpunas ako ng bibig bago siya tinignan.

"Thank you. I am so thirsty na kanina pa.."

"Nakakapagod no?" tango niya at sinimulan nang maglakad. I followed him.

"Iyo ba to? Sorry, konti na lang natira," I said.

He shook his head,"That's yours. Pinabili ko kanina kay Allie."

"Nakakahiya naman kay Allie.."

"Palabas din naman kasi siya non para bumili. Nagpasabay lang ako." ngiti niya. Naisip ko lang, sa bawat araw na lumilipas na kasama ko si Conrad, gumagaan ang pakiramdam ko sa kanya. Before, I can't even tolerate being with him on the same stage. Ngayon ay sa tingin ko kumportable na kami sa isa't-isa. I realized that it's actually a good thing since we're onscreen partners. Kailangan namin ng chemistry.

"Ingat kayo pauwi, ah. Wag nang gumala," sabi ng security guard.

"Opo, kuya" Conrad smiled at him. I did, too.

Nang makalabas kami ay nakita ko na agad ang puting kotse nina Conrad.

"Yung sundo mo?" tanong niya.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now