xiii

1K 48 9
                                    

Natigil ako sa paglalakad nang makita si Zian na nakaupo sa pang isahang couch namin sa sala. Naka-de kwatro siya at parang ginagaya ang ekspresyon ni Daddy kapag nanonood  ng basketball game. Seryoso at inip.

"Five twentyfour," sabi ng kakambal ko habang nakatingin sa kanyang relo. Sumilip siya sa bintana bago ituon uli ang atensyon sa akin. His eyes scanned me from head to foot.

I know what he's thinking. I catwalked towards him and he snorted tila nayayabangan sa akin. Nakangiti akong lumapit sa kanya to show him my shirt.

"Hindi crop top yan," sabi ko at umikot pa. Naka pink oversized shirt ako at leggings. Kitang-kita naman sa haba at laki nito di ba. Still, my twin brother is scrutinizing my shirt at tinagilid ng konti ang ulo.

"Saan naman kayo nagpunta?"

"Coffee shop.."

"Saang coffee shop?" he asked impatiently.

"Basta," I waved dismissively bago siya iwan doon.

Ayokong sabihin sa kanya o kahit na sino kung saan kami nagpupunta ni Fire nitong mga nakaraang araw . I want it to be our secret place.

"Hoy, Ziana," tawag sa akin ni Chiara. I turned to her while fixing the flower crepe papers. "Totoo bang magkasama kayo ni Fire kahapon? Nakita raw kayo ni Rachelle."

Rachelle and Mica is behind her, waiting for my answer. Tumango lang ako. Their face contorted and look confused.

"Bakit parang di ka masaya? Pangarap mo yon di ba?" Mica asked.

Binalingan ko uli ang ginagawa ko. "Eh, kasi wala namang espesyal doon. Magkasama lang kami."

Rachelle snickered,"Sus! Kung ako, makakasama ko crush ko, magtatatalon ako sa tuwa at kilig. Tapos ikaw, ganyan lang?" nanliit ang mga mata niya at sinusuri ako.

Tumingala naman ako ng konti at nag-isip. I actually did that when I got home galing sa Lattetude noong una naming punta doon. Sa lakas ng tili ko ay kinatok ni Ate Cristy ang pinto dahil naalarma siya. Napangiti ako sa pag-iisip non.

"Saan naman kayo nagpunta?" Mica smiled.

"Sa coffee shop lang.."

Chiara stopped what she's doing,"Hindi ka nagkakape di ba?"

"May iba naman silang binebenta doon.."

"Saang coffee shop? Maganda ba?" tanong ni Rachelle.

"Secret," I chimed. Inirapan niya ako at sinabihang madamot.

"Magkikita ba uli kayo mamaya?" Chiara asked. I actually don't know yet, umaasa lang akong i-text niya. Hindi naman kami araw-araw doon. He's busy with practice and school so I understand.

Fire brought me there again after my workshop kanina. Akala ko nga ay diretso uwi ako dahil nakita ko si Kuya Eric na nag-aabang sa parking lot.

"Fire!" I called. Lumapit ako sa kanya. "Bakit ka nandito?"

He smirked. Ang hilig talaga niyang ngumisi. "Gusto mong pumunta sa Lattetude? My treat."

Nginitian ko siya, wider than my usual. "Kasi nanalo kayo sa laro nung Wednesday?"

The side of his lips rose for a heart racing smile at tumango. Pareho kami ni Zian na nanood ng laro nila. We're both serious lalo na ng pinasok na sa game si Fire. Yakap ko ang isang unan sa couch habang nanonood dahil kinakabahan ako na baka ma-foul siya.

"Hala!" singhap ni Ate Cristy sa tabi. Nanonood din pala siya. Lamang na ng siyam na puntos ang kalaro nila at last quarter na.

Ipinakita sa screen ang schoolmates nila na naka-asul na shirt at todo cheer. Gigil nilang winagawayway ang kanilang mga lobo at banner. Nahagip pa nga kanina si Caitlyn na sinisigaw ang pangalan ni Fire.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now