xxvi

1K 54 27
                                    

Sa kalagitnaan ng sermon ni Ate Barbie ay natigil siya nang makatanggap siya ng tawag mula kay Cellyn. Our supposed fanmeet is cancelled for an unknown reason. Medyo nalungkot ako dahil sayang naman ang pagkakataong makipag-interact sa mga fans but at the same time I felt relief that I can now go back to Manila.

Sa byahe ay inabala ko ang sarili ko sa pag-update ng social media accounts ko. I posted some behind the scenes photos ng mga photoshoot. Hindi ko rin talaga maitatanggi na maganda ang rancho ng mga Salvador. Paano kaya nila napapayag si Fire na ipagamit iyon ng tatlong araw?

Several hours later, hindi ko pa rin maalis sa isipan ko ang mga titig ni Fire. I felt uncomfortable with his glances but not in a bad way. Medyo nasanay na rin naman na akong titigan, it's actually part of the profession I chose pero minsan hindi ko maiwasang mailang. There were times that some people's eyes are focused on a particular body part especially when we're wearing shorts or something revealing.

Alas dies ng gabi ako nakarating sa dorm samantalang si Ate Barbie ay nagpasyang umuwi muna sa kanila. Akala ko ay ako lang mag-isa ang nandito ngayon kaya nagulat ako nang makita si May at Ayumi sa loob na mukhang seryoso ang pinag-uusapan.

"Hi," bati ko sa kanila.

Nakapatong sa mesa ang magkahawak nilang kamay. Ayumi looks weary at May naman ay pinilit ang sarili na ngumiti.

"May problema ba?" tanong ko. Halatang hindi maganda ang pinag-uusapan.

"Wala naman Ziana. Kamusta pala yung photoshoot mo?" tanong ni May. Her voice kinda faltered at first but tried to maintain a cheerful one.

"Okay lang naman. Nagdinner na ba kayo?" I chose not to ask them again if there's a problem. Baka sobrang personal non. It's fine that we still keep secrets at each other.

Nilapag ko sa countertop na naghahati sa kusina at living area ang sling bag na dala ko. Then I opened the fridge to get some cold water.

"Hindi pa. Ikaw?" sagot ni May. Nilingon ko sila at nakitang ganon pa rin ang itsura ni Ayumi.

"Shall we order some chicken? Sagot ko."

During our trainee days, Zian would treat us with some buckets of chicken and soft drinks. We know it's not healthy and our manager is against it pero wala naman silang nagagawa kapag nandito na si Zian dala-dala ang pagkain. Chicken kinda lifts our mood.

I let May order two buckets of eight piece chicken at nag-iwan ako ng pera kasi gusto kong maligo muna. Buong araw akong nasa labas at bumyahe pa.

I spent the following days helping Ayumi and May in composing their songs, I also work out at the gym of this building with Ate Barbie and later manonood kami ng play ni Eugene.

Ayumi did my make-up for me habang si Ate Barbie ay nasa baba na kasama ng driver. We wore a semi formal attire, si May ay may dalang bulaklak para kay Eugene na ibibigay namin after watching the play at si Amy naman ay naisipang magpadala ng pagkain para sa kanya backstage.

We didn't expect that the media would also be at the theater kaya nagulat kaming lahat nang makita kung gaano sila karami.

"Saglit lang, kami muna," sabi ng assistant ni Amy.

Our assistants with some security personnel guided us inside kaso lang hanggang sa loob ay dagsa ang mga manonood at media. Cameras are flashing everywhere samahan pa ng maiingay na sigawan sa paligid.

"Wow! Akala ko konti na lang ang manonood kasi last day na," sabi ni Amy na katabi ko sa upuan.

"Akala ko rin. Grabe!" dagdag ni Ayumi.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now