Prologue

184 12 3
                                    

Wala na akong oras para matakot, dito nakasalalay ang pag-alam ko sa kung ano talaga ang nangyari kay Lola. Bitbit ang flashlight ay tinahak ko ang daan papasok sa napakadilim na gubat. Hindi dapat ako kabahan, dalawa ang labasan ng gubat na 'to, isa sa eskuwelahan na pinapasukan ko at isa naman ay 'yong sa likod ng apartment na tinutuluyan ko. Wala akong dapat ikatakot.

Dire-diretso ang lakad ko at halos hindi na ako lumilingon sa kung saan dahil sa takot na baka kung ano ang makita ko. Habang tumatagal ang mabagal na lakad ko ay naging mabilis hanggang sa hindi ko namalayan na tumatakbo na pala ako sa sobrang takot. Shit! Atsaka lang ako natauhan. What the fuck am I doing in the middle of the night?!

Dapat pala ay ipinagpabukas ko na lang ito!

"Shit!" Malutong kong mura nang may maapakan akong malaking ugat ng puno dahilan para madapa ako at tumalsik kung saan ang hawak kong flashlight. Maigi na lang at naitukod ko ang braso ko pero naramdaman ko ang sakit sa magkabila kong tuhod.

"Daphne."

Parang huminto yata sa pagtibok ang puso ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Nagkunwari akong walang narinig at dali-daling tumayo 'tsaka hinanap ang flashlight na nabitawan ko. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko at ang pagtulo ng pawis sa nood ko. Parang anytime ay mahihimatay ako sa sobrang kaba at takot.

Napalunok ako nang mamalayang pamilyar ang parteng ito. Tama nga hinala ko, paglingon ko sa may parteng bangin ay nakita ko ang hinahanap kong flashlight, sa tabi ng balon. Natulos ako sa kinatatayuan ko, hindi makapag-desisyon kung lalapit ba do'n o tatakbo na papalayo.

"Daphne."

Iyan na naman 'yong boses. Gusto kong takpan ang tenga ko para hindi na marinig 'yon pero hindi ko magawa. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at tanging ang kakaibang balon lang ang nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para lumapit do'n, parang kusang gumagalaw ang mga paa ko patungo do'n hanggang sa namalayan kong nasa harapan na ako ng balon.

Napapikit ako dahil sa liwanag na nanggagaling do'n. Huli na nang matauhan ako, naramdaman ko na lang na nakaapak na ako sa bunganga ng balon. Hindi ko alam kung paano nangyari, parang may kung anong kumokontrol sa galaw ng katawan ko at bago ko pa mapigilan 'yon ay namalayan ko na lang na nalalaglag na ako sa kailaliman ng balon

"Benson!" Narinig ko pang paulit-ulit na sigaw ng isang boses bago ako tuluyang malaglag nang tuluyan.

Hindi ko magawang sumigaw at hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman, parang nablangko ang isipan ko habang nararamdaman ang pagkahulog ko kung saan. Katapusan ko na ba? Napapikit ako at unti-unting tinanggap ang mga mangyayari, siguro ito na nga 'yon. Pero ilang minuto na yata ang lumilipas ay walang pinagbago ang sitwasyon ko.

Napamulat ako nang tuluyan at tama nga ang hinala ko, nalalaglag pa rin ako. Napahawak ako sa damit ko dahil nililipad 'yon pati na ang buhok. Anong nangyayari?! May dulo ba ang balon na 'to? Tumingin ako sa baba at tanging kadiliman lang ang nakita ko. Maya-ma'ya lang din ay nakita ko na ang babagsakan ko.

Nang matauhan ako at ma-realize kung ano talaga ang nangyayari ay napatili na lang ako at muling napapikit. Katapusan ko na. Pero hindi tulad nang inaasahan ko ay naramdaman kong parang may bumalot na kung ano sa katawan ko dahilan para mawala ang impact nang pagkalaglag ko, naging mabagal ang pagbagsak ko hanggang sa maramdaman ko ang damuhan sa katawan ko.

Damuhan?! Napatayo agad ako sa gulat pero agad ding napaupo nang makaramdam ng pagkahilo. Nang ilibot ko ang paningin sa paligid ay napalitan ng pagkamangha ang pangambang nararamdaman ko.

Puno ng mga kakaibang halaman at iba't-ibang klase ng mga hindi pamilyar na bulaklak ang buong paligid, rinig na rinig ko ang huni ng mga ibon mula sa pwesto ko, presko din ang simoy ng hangin at sobrang payapa ng buong paligid. Ibang-iba sa kinalalagyan kong nakakatakot na gubat kanina lang.

Pero agad ding nawala ang lahat ng pagkamangha ko nang maalala kung paano ako napadpad dito. Napapikit ako nang mariin at napasapo sa ulo ko. Umaasa na sa muling pagmulat ko ay nasa apartment na ako at panaginip lang ang lahat ng 'to pero hindi. Sa muling pagmulat ng mga mata ko ay walang pinagbago. Nandito pa rin ako.

Nasaan ako at ano ang lugar na 'to?

Agartha: The Lost CivilizationWhere stories live. Discover now