meeting

727 3 0
                                    


" shane! May kkuwento pala ako sayo!" biglang sigaw ni Lara habang nagppractice ako ng service ko

"ano yun? Bigla bigla ka nalang" I replied habang papalapit sakanilang tatlo "Si lance kasi nakakakilig" ang sagot niya sakin which made my eyes grew big.

Bakit ba puro Lance Genova ang naririnig ko ngayong araw

"Who? Lance Genova of grade 12? That ugly boy? Yung feeler na akala niya gwapo siya?" ang tanong ko kay Lara describing kuya Lance

"ano sabi sayo?" ang sabi ko "ito naman ang hard magsalita, eh gwapo naman talaga siya eh... Sabi niya kasi magdate daw kami bukas" ang sabi niya sakin habang natutuwa na akala mo konti nalang tatalon na sa tuwa

"date? Agad? Ano papayag ka rin kagad?" ang tanong ko sakanya "ayaw kong tanggihan toh, siya ang first and best ever crush ko since grade 4"

I rolled my eyes.

"hoy ikaw, magingat ingat ka baka mamaya masaktan ka lang" I replied at binatukan siya ng slight

"kaya nga sis, ang alam namin may girlfriend yan eh, yun kasi ang sabi niya samin last time sa room" dag dag ni Jamie

"ito namang mga toh, hindi naman ako sasaktan nun may respeto naman, sa chat pa nga lang ang bait bait na paano pa kaya sa personal diba? And hello?! Baka naman break na, Icha-chat ba ako neto kung sila pa?" nagdisagree si Lara sa sinabi namin

"hays, it's your choice, enjoy kayo bukas" ang huling sinabi ko bago ako bumalik sa pagppractice

2 hours later:

Nagring na ang bell na ang ibig sabihin ay break time na.

"shane saan ka pumunta? Naglaro ka ba, bakit nakapang laro ka?" ask ni janelle sakin.

"oo, nagpractice lang for tomorrow, asan sila iris?" ang reply ko sakanya

"wala sila, nagstay sa room, tayo naman, tinatawag tayo ngayon ni coach,  meeting daw."

"ahh okay, palit lang ako ng shirt" ang sabi ko sakanya

Pumasok na kami ng headquarters ng mga varsitarians, at nandun na nga ang junior division Players ng volleyball, si coach and si Lance.. Of course ..

" Mendez and Fontani, pakibilis please" coach strictly said.

" okay, andito tayo ngayon para pagusapan ang laban bukas..." sinimulan na ni coach ang meeting

" tomorrow wala ako, kaya si Lance Genova ang magiging coach niyo, igguide niya kayo sa lahat tomorrow.."

Okay.

"and please magready ready na kayo, wala tayong training later.. Kaya sana paguwi iready niyo na sarili niyo, champion ng himco dati ang makakalaban niyo"

Nagulat lahat ng players

"coach, paano po yan, kung matatalo po kami tomorrow, magkakaroon parin po ba kami ng susunod na laban or hindi na po?" tanong ni Monete na grade 9 student

" meron pa naman, pero iba na kakalabanin niyo, kapag nakatatlong talo na tayo, dun na matatapos ang laban" explain ni coach

"wala ka bang sasabihin sakanila Mr. Genova?" tanong ni coach

" okay players, tomorrow is your day, wag kayong tatamlay tamlay bukas dahil malalakas ang kalaban niyo.. Expect that I'll be strict tomorrow, wag niyo maliitin ang laban bukas, kung gaano kayo kalakas kapag nagttraining, mas malakas pa sana bukas. That's all" he smiled

"okay, Ms. Mendez pakitulungan nalang si Mr. Genova tomorrow, dahil ikaw ang captain ng team" I nod with a smile..$#!+

"okay, alam niyo naman na ang positions niyo for tomorrow, kaya kayang kaya niyo yan.. dismiss" ang paalam ni coach samin..

Lumabas na kaming players sa head quarters, at hinabol nanaman ako ni Mr. Genova

" so how's cutting? Nagpractice ka ata?" he asked with a chuckle

"kabored po sa class ni Sir Heloso eh, kaya nagpractice nalang ako" I shyly said

" dapat sinabihan mo ako para naturuan kita with your spiking" he replied

"ahh di na kita nachat, and okay naman na yung spiking ko" I fake smiled

"well good to know, sige na, I'll go ahead, see you around" he smiled and leaved.

Our story •A Tagalog Love story•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon