Gendez Forever

345 14 2
                                    


3 days after

Shane's POV

Habang nanunuod ako ng movie sa kwarto nang tumunog ang phone ko. Ako lang magisa ngayon, dahil hindi nga muna ako makakapagtrabaho, sina roana at justina naman ay in flight ngayon.

Binuksan ko ito at nakitang may message saakin si Lance.

Anong gusto nito?

Binuksan ko ang message niya at binasa.

"Hi Shane, free ka ba today? Papasama sana kami ni Iris, last day na kasi namin dito sa singapore and gusto sana namin libutin yung sa may merlion.. let me know kung okay lang sayo :)"

What?! After mo akong ipahamak sa trabaho magpapasama ka saakin ngayon? Ginawa mo pa akong tour guide niyo. It's no big deal saakin kung kasama niya ang girlfriend niya, hindi naman akong bitter na tao. Nakapagisip isip na rin ako this past few days, tanggap ko na kung anong meron silang dalawa ni Iris. For me, I just don't like the way he asked me kung pwede ko silang samahan. Hindi man lang siya nagsorry muna sa nagawa niya bago magtanong.

Nagbuntong hininga ako. Hindi ko alam kung sasamahan ko ba sila o hahayaan ko sila.  Pero sige, dahil mabuti naman akong tao at ayaw kong magmukhang kontrabida sakanilang dalawa,okay sasamahan ko sila.

"Sure :) pero may time limit, bawal akong gabihin" Reply ko.

Hindi nagtagal ay sumagot kaagad si Lance.

"Yey! Thank you Shane: ) meet nalang tayo doon kung okay lang mga 5?"

"Yea sure"

And with that tumayo na ako sa kama ko at tumingin na ng damit na masusuot dahil 4:15 na.

Hindi ko na ineffortan ang pagpili ng damit, pinili ko lang ang white crop top ko, kupas na shorts at white sneakers dahil mainit ngayon dito sa singapore.

Nagasikaso na ako ng mabilisan at nagpaalam na kay mommy.

Lance's POV

"Yes! Pumayag siya Iris thank you!" Ang sabi ko sa tuwa at niyakap ni Iris.

"Ano? Sabi ko sayo kuya papayag yan si Shane  ehh,  kilala ko yan" ang sabi ni iris saakin

"Tara na mag asikaso na tayo gusto ko na makita si Shane" ang sabi ko at dali dali ng tumayo at dumeretso ng cr. Walang masabi si Iris kundi matawa nalang saakin.

Buti nalang pumayag si Shane, kung hindi pa dahil kay Iris, hindi ko pa makikita si Shane ngayong last day namin dito sa singapore.

Nakaplano na ang lahat ng kailangan kong gawin para mapatawad na ako ni Shane, mahal na mahal ko siya kaya ngayong araw na 'to ay gagawin kong special.

After kong maligo ay nagasikaso na ako at ganun na rin si Iris.

After like 30 minutes ng pagaasikaso ay umalis na kami sa hotel at tumungo na sa merlion park.

Shane's POV

nang makarating ako sa merlion park ay nakita ko kagad sina Lance at Iris na masayang naguusap.

Nilapitan ko sila at nakita din naman nila ako kaagad at binati ako.

"Uyy Shane, thank you sa pagsama ah, gusto lang din kasi naming makabond ka ngayon dahil last day na namin" ang sabi ni Lance saakin.

"There's no problem at all, free naman ako dahil wala akong trabaho"

"Ah Shane, ngayon nalang ulit kita nakita since nung graduation natin. Gusto ko lang sana magsorry sa nagawa ko sayo nung nasa school pa tayo, alam kong ako ang dahilan kung bakit nasira pagkakaibigan nating dalawa, sana mapatawad mo na ako" ang paumanhin saakin ni Iris

Our story •A Tagalog Love story•Where stories live. Discover now