date night preparation

221 7 0
                                    

September 8 -sunday-

Lance's POV

this past few days after ng usapan namin ng mga kaibigan ko about sa plano ko na date para saaming dalawa ni shane ay binili ko na lahat ng kailangan ko para sa date namin, hinanda ko na lahat ng kailangang ihanda, katulad nalang ng pagpapareserve ng rooftop restaurant sa isang hotel, sinamahan din ako nina Aaron at Gelo sa pagbili ng couple bangle bracelet at syempre ang sarili ko. Bumili na rin ako ng bagong polo shirt dahil ang mga polo shirt ko dito ay maliliit at luma na. Kada-matapos ang school ay dumederetso ako sa mall para lang mabili ang mga kailangan ko.

Ngayon ay aalis ako at bibili ng bouquet ng flowers. It's  sunday, at gusto kong maging romantic ang araw na 'to. Gusto ko na maging araw namin ito ni Shane.

I hop in my car at umalis na.

Nang makarating ako sa bibilhan ko ng bulaklak ay biglang gumulo ang isip ko.

Ang daming magagandang bulaklak dito, gindi ko alam ang pipiliin at bibilhin ko, hindi ko rin alam ang paboritong kulay ni Shane

Lance talaga!

Naisipan kong imessage si tita dahil nasabi ko na rin sakanya ang plano ko, siya ang pinagtatanungan ko kapag may bibilhin ako para kay Shane. The best talaga si tita dahil never siyang tumutol sa mga desisyon at plano ko pagdating saaming dalawa ni Shane. Someday, kay mommy ko naman ipapakilala si Shane.

"Good afternoon po tita, may nakalimutan pa po pala ako iask sainyo. Bumibili po kasi ako ng flowers para kay Shane, ano po kayang paborito niyang bulaklak and color?" Sinend ko na ang message at naghintay nalang ng reply.

"Hello lance. Mahilig si Shane sa dark red na roses." Ang reply ni tita.

Tinignan ko ulit lahat ng flowers ng pinagpipilian ko.

Sakto, may bouquet ng puro dark red roses dito at ang lalaki pa. Ang gand pa ng wrapping, talagang it's meant para kay Shane.

Binili ko na ang bulaklak at bumalik na  sa bahay.

It's already 5:56 in the afternoon. 9 o' clock kami nakareserve sa restaurant.

Pagbalik ko ng bahay ay minessage ko na si Shane.

"Shane,  get ready, wear your best dress ever and best sandles. Sunduin kita mamayang 7;)"

This is it pancit!

Shane's POV

Habang nanunuod ako ng movie sa kwarto ko ay biglang tumunog ang phone ko.

Tinignan ko ito at nakita na nagmessage si Lance.

"Shane,  get ready, wear your best dress ever and best sandles. Sunduin kita mamayang 7;)" ang message niya sakin.

I  furrowed my eyebrows in confusion.

ano nanaman kayang pakulo 'to?

"Huh? Bakit naman?" Ang reply ko sakanya.

"Just get dressed up, kailangan maganda ka ah ;)"

"Baka mamaya joke lang 'to ahh, bigla bigla ka nagaaya eh gabi na kaya"

"Remember what I promised last september 1?"

Napaisip ako at hindi na siya nareplyan. Ana ba ang prinomise niya sakin nun? Meron ba?

Gosh, ano ka shane? Ulyanin ka na ba?

Sa ilang minuto ng pagiisip ko ay biglang nanlaki ang mata ko.

Magddate kami? Sa lugar na makikita ko ang paborito kong view? Oh my? Ito na ba yun? Totoo ba 'to?!

Napangiti ako at hindi napigilang tumili sa tuwa. "Aaahhhh!!"

Dali dali akong tumayo sa kama ko at pumili na ng dress sa closet ko.

Ano kayang pipiliin ko? The best dress daw

After like 5 minutes ng pamimili ng dress ay nakita ko rin ang pinakamagandang dress na nakita ko sa cabinet ko.

It's a lacey pink dress na kapit na kapit sa katawan ko at mababa ang neckline. Pinili ko rin sa mga sandles ko ang peach kong heels na manipis ang takong.

Hope that i don't feel uncomfortable sa susuotin ko mamaya. Goodluck saakin.

Nagready na ako ng sarili ko, after ko magshower ay binlowdry ko ang buhok ko at dineretso ito ng todo gamit ang flat iron. Naglagay din ako sa mukha ko ng light makeup, feeling ko kasi hindi bagay saakin ang mga heavy makeup at hindi rin ako marunong pero I'll learn about it.

6:45 na ng gabi at katatapos ko lang magmakeup. Kaagad ko nang sinuot ang dress ko at heels ko. Inayos ko na rin ang bag na dadalhin ko.

And last, perfume. Spinray ko ang paborito kong ariana grande na perfume.

At hindi rin nagtagal ay narinig ko na si mommy na sumigaw "shane, andito si Lance"

Kinuha ko na ang phone at bag ko at dali dali nang bumaba.

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si Lance na kausap si mommy.

Hindi ko napigilang mapatulala sakanya. Ang gwapo niya, with that nice outfit and neat hair of him, sinong hindi mapapahinto at mapapatulala sakanya?!

"Shane" narinig ko si lance na sabi na naging dahilan ng pagbalik ko sa realidad.

"Uhm alis na tayo?" Ang tanong ko sakanya

"Yea, paalam ka na kay tita"

"Mommy alis na po kami" ang paalam ko kay mommy.

"Ingat kayo ha and lance goodluck" ang sabi ni mommy at kinindatan si Lance

What? Ano meron? 

"Thank you po tita" ang sagot ni lance.

pumasok na kami ng kotse at umalis na.

"Hindi ko pa ba nasasabi sayo na ang ganda ganda mo ngayong gabi" Biglang sabi ni Lance.

Ngumiti ako "thank you, sorry gantong outfit lang nakayanan ko"

"What? You don't have to say sorry, ang ganda mo kaya sa suot mo, it really fits you"

"Gwapo mo rin sa suot mo ah, at first time ko nakitang nakabrush up ang buhok mo" ang bati ko rin sa itsura niya.

"Thank you, pinagaralan ko talaga kung paano ibrush up ng maayos ang buhok ko para kahit isang beses man lang magwapuhan ka sakin" biro niya

"Wow ah, gwapo ka naman araw araw eh" ang sabi ko sakanya.

"Nakakakilig ka naman" ang sabi niya at tumawa ng marahan

"Teka nga, saan lugar ba yan at ganto kabongga ang mga suot natin?"

"You'll see" he smirked

Grabe sobrang naccurious na ako.

Our story •A Tagalog Love story•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon