fights

331 9 0
                                    

Shane's POV

"Babes, may sasabihin ako sainyo" biglaang sabi ni glaiza saamin na kanina pa tahimik habang nagkkwentuhan kami nina janelle at iris.

Napatingin kaming tatlo sakanya "ano yun babe?" Ang tanong ko sakanya

"Babe may manliligaw ako" ang sabi niya saamin.

Nanlaki ang mga mata naming tatlo "sino?!" Ang tanong naming tatlo sakanya.

"Si Edrian, yung kaklase nila kuya Lance"

"Woah, eh diba cutie din yun?" Ang sabi ni iris

"Lahat naman ata ng lalaki sa section nila Lance cutie para sayo eh" ang sabi namin ni janelle kay iris

"Hindi ahh" ang deny ni iris sa sinabi namin

"Nako sis, wag kami" ang sabi ko sakanya na naging dahilan ng pagtawa nila glaiza at janelle.

"Heller, bebe lang ako" rinolyo niya ang mata niya as a joke.

"Hephephep, anong bebe? Eh kay Shane na yun eh" ang sabi ni janelle kay Iris.

"What? Why? And how?"

"Nagtatanong ka kung what? Yes, kay Shane na yun, why? Kasi gusto siya ni kuya Lance, and How--" natigil si Glaiza sa pageexplain.

Nako! Mukhang magkakapikunan pa 'tong mga 'to dahil sakin, I mean saamin ni Lance!!! Oh my, help me!!!

"And so what? Kung gusto siya ni bebe ko, gusto niya ba ang bebe ko? Eh hindi nga nanliligaw si bebe kay shane"

Oh no, lumalabas ang katarayan ni Iris. hindi ko pala naikwento sainyo, na si Iris ang pinakabitchy saaming apat, ako pangalawa lang ako sa mataray saamin, pero hindi gaano lumalabas ang katarayan ko, pero ito si Iris, once na nagdisagree ka sa sinasabi niya or you piss her off, talagang tatarayan ka niya.

"Anong hindi gusto? Hindi mo ba alam na nag-I love you back na siya kay kuya Lance na nililigawan siya" ang sabi ni Glaiza

Guys please stop it! Hindi ko alam kung paano ako sisingit sa usapan

"What?! Shane is this true?!" Napatayo si Iris sa armchair niya.

Napatingin lahat ng mga kaklase namin saamin. Gosh, nakakhiya!

"Iris, oo t-totoo pero please calm down" ang sabi ko sakanya

"How am I suppose to calm down kung ikaw pala ang mahal ni Lance! at ikaw naman na malandi na pumatol, ehh alam mo namang may gusto ako sakanya! akala ko ba doon ka sa Jasie na--" napatigil siya sa sinasabi niya nang mapatayo din ako sa upuan ko at nasampal siya.

Nagulat lahat ng mga kaklase namin at pinagbulungan na kaming dalawa.

"Iris, first of all, hindi ako malandi, and yes alam ko gusto mo siya, pero nanligaw siya sakin at nagconfess siya na gusto niya ako, anong gusto mong gawin ko? Lalayuan ko siya at ipupush ko siya sayo which is hindi naman ikaw ang gusto niya. Isipin mo nga, hindi ba parang ang bastos ko sa part na yun kung ganun ang ginawa ko? And oo, minahal ko siya pabalik kasi naappreciate ko lahat ng efforts na ginawa niya sakin at higit sa lahat pinatunayan niya talaga na mahal niya ako" ang sabi ko sakanya.

Wala siyang nasabi sa sinabi ko. "Alam mo Iris,kaibigan kita eh, pero kung hindi mo ako masusuportahan pagdating saaming dalawa ni Lance, hindi ko na alam kung kakausapin pa kita"

"You know what? Ito bagay sayo" ang sabi niya at tinaas ang dalawa niyang kamay para sabunutan ako pero napigilan ko ang mga kamay niya

"you don't know who's fighting against you, hindi mo pa ako kilala Iris"

Our story •A Tagalog Love story•Where stories live. Discover now