Sunday Date

446 8 0
                                    

Shane's POV

It's sunday, ang magsisimba kami nila mommy mamayang 3:00 sa simbahan, I'll ask for the Lord's guidance.. para bukas magaan ang loob ko kapag nagperform. Si Lance automatic naman na magsisimba kasi choir siya sa simabahan na pinag mimisahan din namin.

Nang tumayo ako sa kama ay nagring ang phone ko.

Tinignan ko kung sino yung tumatawag at sinagot.

"Good morning!" Masiglang sabi ni lance.

Napangiti ako " Good morning, napatawag ka"

"Gusto lang kitang kumustahin.. magsisimba kayo mamaya?"

"Yes, mamayang 3 o' clock"

"Then that's good, kasi gusto sana kita ayain mamaya lumabas, kain lang sana tayo"

"Ayain? Lumabas? As in... a date?"

Tawa niya "yes shane, as in a date"

"Kuy--- Lance, nakakahiya, hindi ako sanay sa date and first time ko"

"Shane, ano ka ba.. ako naman 'to, nililigawan kita and I'm thankful kasi ako yung first date mo"

"Lance sure ka ah?"

"Syempre naman, paalam ka na kay tita ah"

"Yes po, bye na muna"

Bumaba na ako at nilapitan si mommy na nasa kitchen

"Good morning nak, tanghali ka na ata nagising"

Kiniss ko siya sa cheeks "good morning mom, pagod kasi kahapon kaya sinulit ko yung tulog ko"

"Dahil tanghali ka na nagising, maupo ka na sa dining table and kakain na tayo in a while"

"Mom, nagaaya po pala si Lance na lumabas kami after mass, kain lang daw"

"It's okay anak, enjoy kayo haa"

"Thank you mom" ngiti ko sakanya

--

Natapos na kaming magsimba, papalabas na sana kami ng simbahan nang may kumalabit sakin.

Napalingon ako at nakita si Lance na nakangiti sakin "hi" bati niya sakin. Ngumiti ako pabalik.

Nilapitan niya rin si mommy at nagmano ," mano po tita" ang sabi niya.

"Oh? Tuloy pa ba kayo ni Shane na kumain sa labas?" Ang tanong ni mommy.

"Uhm yes po tita, pwede na po ba kami umalis ngayon? Para makauwi din po ng maaga si shane" ang paalam niya kay mommy.

"Sure you have your car with you naman diba? We'll go ahead na, inaantok si Sian eh"

"Ah sige po, ingat po tita... bye baby" ang paalam niya kay mommy at kay Sian.

Tumungo na kami sa kotse at pumunta na sa mall para kumain.

"So saan mo gusto kumain?" Ang tanong niya sakin habang naghahanap ng parking.

"Gusto ko sana kahit sa Wendy's nalang para salad lang kakainin ko , I'm on a diet"

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko "diet? Sa payat mong yan nagdidiet ka pa" tawa niya

"Oo, syempre gusto ko lang healthy ang katawan ko"

"Alam mo pag gantong mga lakad dapat tinatawag mo na 'tong cheat day, tara mag unli wings tayo"

Nanlaki mga mata ko, favorite ko yun! Pero kasi....

Magsasalita na sana ako pero pinangunahan niya ako. "Walang excuses, walang tatanggi, para naman mahabol mo yung laki ko" tawa niya

"Wow ah, mahahabol ko ba laki mo eh ang tangkad tangkad mo" I rolled my eyes chuckling.

Our story •A Tagalog Love story•Where stories live. Discover now