she said yes!

232 4 0
                                    


Shane's POV

isang oras na kaming bumabyahe at hindi ko na alam kung nasaan na kami, hindi na kasi familiar saakin 'tong lugar na 'to. Ang alam ko lang ay nasa lugar na kami kung saan pinapalibutan kami ng mga buildings.

"Lance, malayo pa ba tayo?" Ang tanong ko sakanya.

Hindi niya ako pinansin at bigla nalang niya hininto ang kotse.

"We're here" ang sabi niya at nginitian ako.

Tumingin ako sa bintana at nakita ang isang mataas na building, binasa ko kung anong pangalan nito 'bayview hotel'. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sakanya in confusion

"Hotel?" Ang tanong ko sakanya.

"Yea, bakit may masama ba dun?"

"Don't tell me--" cinut off niya ako sa sinasabi ko dahil alam niya na ang ibig kong sabihin.

"Hindi, hindi ganun ang purpose natin dito Shane. Kung anong promise ko, yun ang tutuparin ko"

I sigh in relief, buti naman.

Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at tinignan ako.

"Kung okay lang takpan ko mata mo Shane?"

Hindi ko na siya maintindihan. Natatakot na ako.

"Lance anong pakulo 'to? Baka mamaya kung anong gawin mo saakin" ang sabi ko sakanya.

"Shane may tiwala ka ba saakin?" Aang tanong niya.

"Oo naman"

Hindi na siya nagsalita at nilagay nalang bigla ang panyo sa mga mata ko.

"Wag ka magaalala gagabayan kita" ang sabi niya at narinig ko na lumabas na siya ng kotse

Lance's POV

Paglabas ko ng kotse ay kinuha ko na ang bouquet ng bulaklak sa trunk ng kotse. Nasa bulsa ko na rin ang bracelet.

Binuksan ko na ang pinto ng passenger seat at hinawakan na ang kamay ni Shane  para gabayan siya.

Kinakabahan ako sa magiging reaktion niya, kung magiging masaya ba siya o magugulat siya saakin dahil sa takot niya na baka iba ang gawin ko sakanya.

"Shane, relax" ang sabi ko sakanya.

Tinayo ko na siya at pumasok na kami ng building. Inalalayan kami ng isang employee sa hotel papunta ng elevator.

30th floor pa kami dahil andun ang restaurant na pinareserve ko kaya matatagalan kami dito sa elevator.

"Lance, matagal pa ba tayo dito sa elevator, ano ba kasi gagawin natin dito?" Ang tanong ni shane.

"Malapit na"

Bumukas na ang elevator at lumabas na kami, iniwan na kami ng umalalay saamin.

I guided her towards our table at tinanggal na ang blindfold.

Nagulat siya sa nakita niya na view at napatingin saakin.

"Lance--" hindi niya napigilang maiyak at niyakap ako.

"Did you like it?" Ang tanong ko sakanya.

"Sobra, thank you lance" ang pasalamat niya.

Kumawala ako sa yakap at nginitian siya "all for you Shane"

"Tara upo tayo" ang aya ko

hinila ko ang upuan niya at sinenyasan siya na maupo.

Umupo na kami dalawa at sinignalan ko na ang waiter na ibigay na ang mga pagkain namin.

"Oh this is for you" ang sabi ko at binigay sakanya ang bouquet na dala dala ko.

"Hala dark red roses, thank you" ang pasalamat niya.

"Ang ganda naman dito, paano mo naman naisip na dito tayo magdate?"

"Dito kasi nagcelebrate ng 20th wedding anniversary si mommy at daddy noon, tapos nung sinabi mo nga na mahilig ka sa ganitong view, ito kagad unang pumasok sa isip ko na dito ka dalhin" ang explain ko sakanya.

"Mukhang mahal dito lalo na nagpareserve ka ng para saating dalawa lang. Nako babayaran kita Lance"

"Nako Shane hindi na kailangan, ako nakaisip nito at ako ang nagpromise kaya leave it all to me" ngiti ko sakanya

Dumating na ang mga pagkain namin at masaya kaming kumain dalawa habang naguusap.

Pagkatapos naming kumain ay hinawakan ko ang kamay niya na nakapatong sa table.

"Shane there's something I really want to ask you" sinimulan ko.

"Ano yun?" Ang tanong niya saakin.

Tumayo ako sa seat ko at nilapitan siya.

"Shane, mahal na mahal kita, you know that right?" Ang sabi ko hawak hawak ang dalawa niyang kamay.

"Oo naman, and mahal na mahl din kita"

Napangiti ako at lumuhod sa harapan niya

"Huy, anong ginagawa mo?" Nagulat siya sa pagluhod ko

Kinuha ko ang bracelet sa bulsa ko at tinignan siya "Shane, will you be my girlfriend?" Ang tanong ko sakanya.

Shane's POV

"Shane, will you ve my girlfriend?" Ang tanong niya saakin.

Naluha ako sa tanong niya.

Totoo ba 'to? Totoo bang tinatanong niya na akong maging girlfriend niya?  Heartthrob boy sa campus magtatanong sa isang ordinaryong babae kung pwede siyang maging girlfriend?! Ito na yun, ito na yung moment na pinakahihintay ko. Magiging Lance Genova's girlfriend na ako!

"Yes!" Ang sagot ko sakanya.

Naluha siya "yes? Girlfriend na kita?" Ang tanong niya na parang hindi siya makapaniwala sa sagot ko.

"Oo girlfriend mo na ako"

Ngumiti siya at sinuot ang bracelet saakin.
"Couple tayo" Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit.

"I love you love" narinig kong sabi niya

Kumawala ako sa yakap "Love?" Ang tanong ko.

"Can I call you love? Okay lang ba sayo?" Ang tanong niya

"Syempre naman...love"

Niyakap niya ako ulit ng mahigpit.

"Tara sayaw tayo" aya niya saakin.

Biglang may tumugtog na slow music

"Talagang pinaghandaan mo 'tong araw na 'to ah" ang sabi ko sakanya habang sinasayaw niya ako.

"Syempre, gusto ko kasi maging romantic 'tong gabi na 'to saatin, at ngayon na yes ang sagot mo, mas naging romantic pa lalo"

Tumahimik na kaming dalawa at sumayaw nalang nang sumayaw

Habang tinititigan ko ang mga mata niya ay hindi ko napigilang mapangiti. Ang ganda talaga ng mga mata niya, kitang kita mo na brown ang mga mata niya, ang sarap titigan, hindi nakakasawa.

Habang patuloy kong tinitignan ang mga mata niya ay nilapit niya pa lalo ang mukha niya saakin at tinignan ang labi ko.

Unti unti niyang nilalapit ang mukha niya hanggang sa nagkadikitan ang mga labi namin.

Hindi ko napigilang pumikit. I felt sparks, para akong nasa langit, just the same feeling i felt nung nahalikan niya ako sa kotse noon. Sigurado na ako sakanya, at ang kiss na 'to ang nagsasabi saakin na siya na. Nahanap ko na ang lalaking magpapasaya saakin buong buhay ko.

I love you Lance Genova.

Lance's POV

I love you Shane Mendez.

Our story •A Tagalog Love story•Where stories live. Discover now