chats / breakfast

566 7 2
                                    

Thursday at 7:56 am

Lance's POV

Nagising ako sa malakas na alarm sa phone ko. Wala kaming pasok ngayon, dito lang nanaman ako sa bahay and it's boring.

I'm still in bed and habang nagsscroll ako sa messenger ko ay nakita kong online si shane

What if i message ko siya? Gusto ko lang mangamusta.

I opened our personal message and nagsimula nang magtype

"Hi shane good morning, musta buhay natin?" I click send and naseen niya kagad.

"Hi po, ok lng naman why?" Ang reply niya sakin

"Wala lang gusto lang mangamusta.. gawa mo ngayon?"

"Aalis po.. may practice for ISAL" ang maikling sagot niya sakin

"Ahh okay, ingat shane and galingan mo :)"

"Thank you po"

"Kakagising mo lang ba parang wala ka pa sa mood hahaha" Ang patama ko sa mga maiikli niyang chats sakin

"Opo eh hahaha bakit po?" Ang tanong niya sakin

"Hahaha wala lang pansin ko lang na ang tipid mo magchat... and btw nakita ko convo niyo ni secret admirer mo sa computer mo ah.. sweet 😂"

"Ahh hahah di ko nga kilala kung sinong hit the quan yun"

"Hahaha malalaman mo rin siguro someday"

"Magbreakfast ka na para maganahan ka naman 😂"

"Maya maya po sleeping pa ibang tao dito"

"Kumain ka na marunong ka naman ata magluto 😂"

"Opo sige po sir"

"Bakit sir? Ang panget naman"

"Edi kuya"

"Bakit kuya ang panget din"

"Malamang mas matanda ka po sakin.. mas panget naman kung lance lang diba kasi parang walang respeto"

"Wag na sir, wag na din kuya... Hit nalang" wrong move!! Baka mapansin niya

"Hit? Bakit po hit?"

"Hit the quan 😂"

"Huh? Kayo po ba yung... si hit the quan?"

"Oo kiki eh" i shyly replied... ang cute talaga ng nickname niya.. paborito ko pa namang sayawin yung "in my feelings" ni drake

"Weeh kuya?! Hala tama si janelle"

"Janelle? Bakit ano sabi niya sayo?"

"Sabi niya malakas kutob niya na ikaw yun"

"Ahh oo ako nga pala si hit the quan, shane.. "

"Kuya baka pinaglalaruan mo lang ako, diba may girlfriend ka?"

"Hindi 'no, bakit kita paglalaruan eh gusto kita"

"Wag mo akong maganyan ganyan. Hindi maganda ang pinaglalaruan ang babae kuya. Nung last time lang kasama mo girlfriend mo"

I get it, ang tinutukoy niya is si Angela, yung kasama ko nung laban nila ng volleyball. Hindi ko inexpect na tingin niya pala dun is girlfriend ko. Well she's wrong kasi pinsan ko yun.

"Shane ako ka ba, si Angela ba? E pinsan ko yun, wala akong girlfriend hahaha"

"Oh I'm sorry. Pero diba inaya mo once lumabas si Lara? Hindi mo ba siya nililigawan?"

"Shane, inaya ko siya as a friend. Hindi ko siya nililigawan 'no, matagal na kasi kaming magkaibigan, E first time ko siyang inaya noon"

"Oh I'm sorry.. pero hindi parin ako naniniwala, ikaw po magkakagusto sakin eh palagi mo nga ako pinagagalitan tuwing training"

"Pinagagalitan kita para mag improve ka kasi gusto ko makita improvement mo.. gusto ko kasi na ikaw ang maging mataas among all your team mates.. tsaka sige bilhan nalang kita ng breakfast para mas maniwala ka"

"Ohhh... hala wag mo na ako bilhan kuya nakakahiya"

"Okay lang naman hindi ka pa kasi nagbbreakfast eh aalis ka pa.. and alam ko na rin kung saan bahay niyo kasi tinuro sakin ni gelo nung papunta kami sa house ng pinsan niya"

"Hala sure po kayo kuya? Kayo po bahala and thank you po"

"No probs, on the way na ako"

And with that tumayo kagad ako sa bed at kinuha ang keys ko at lumabas na ng room

I widen my eyes at tumingin sa suot ko "$#!+ bat ganto suot ko?!"

Bumalik ako kagad sa room at pinalitan ko ang boxer shorts ko into jogger shorts and pinatungan ko nalang ng black nike jacket ang sando ko.. i head sa cr para maghilamos at lumabas na ulit ng room

Pagstart ko ng kotse ay kagad akong umalis at naghead sa mcdo.

Lumiko kagad ako sa drive thru ng mcdo at inorder ang 1 piece chicken with ice coffee

Pagkuha ko ng order ay bigla akong kinabahan dahil malapit na ang mcdo sa bahay nila.

Binagalan ko bigla ang takbo ko.. itutuloy ko ba toh? Baka makita ako ng mommy niya

After like 5 minutes ng pagiisip at pagbagal ng takbo ko ay huminto na ako sa harapan ng bahay nila shane.

Itutuloy ko ba 'to? Kinakabahan ako sobra. Maraming pumapasok sa isip ko

Baka hindi siya kumkain ng mcdo or chicken or hindi siya umiinom ng coffee! Or baka hindi niya tanggapin or baka mahuli ako ng kung sino mang gising na sakanila. O kaya naman bigla ako himatayin sa harapan ng bahay nila habang naghihintay sakanya!

I shook all of my thoughts at kinuha ang phone ko

I opened our personal message at chinat na siya. Goodluck Lance Genova!

"Shane, andito na ako sa labas".....

Our story •A Tagalog Love story•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon