Nix Nix Nix

250 8 16
                                    


Shane's  POV

Pagpasok ko ng campus ay nilapitan kagad ako nina janelle at Glaiza.

"Shane, narinig namin si Nix na pag once na nakita ka niya dito sa campus ipapahiya ka niya sa lahat ng studyante dito" ang sabi saakin ni janelle.

"Huh? Bakit naman? Eh hindi ko naman siya pinapakialaman"

"Ang balita namin sa ibang students is may bagong sumali daw sa grupo nina Nix, and yung taong daw yun ang nagsabi kay Nix na may something sainyo ni kuya Lance"explain ni Glaiza saakin.

"Nako, sino naman kaya yun? At bakit kailangann nilang mangialam saamin ni Lance? Pagmamay-ari ba nila si Lance?" Ang sagot ko

"Anyways, wag kayo mag alala di ko naman papatulan yun kung gagawin nila yun eh, ayokong ma-kickout dito" ang dagdag ko.

"Wag ka din mag alala babe, andito lang kami para sayo" ang sabi ni glaiza.

Habang lumalakad kaming tatlo papunta ng classroom namin ay bigla kaming hinarang nina Nix kasama ang grupo niya at si... IRIS?!!

"Kaya pala nakakaamoy ako ng malansang isda" ang sabi ni Nix sa grupo niya.

"Andiyan na pala kasi si Shane" ang sabi nilang lahat.

"Nix, bakit ba ang init init ng ulo mo sakin? Ano ba ginawa ko sayo? Sa ilang taon ko na dito ngayon mo lang ako ginulo" ang sabi ko sakanya

"Paano kasing hindi ka guguluhin, eh inagaw mo sa akin si Lance Genova"

"What the heck? Yun lang? Kung tutuusin nga hindi ko inagaw sayo si Lance eh. Bakit may kayo ba para pagsabihan mo ako na inagawa ko siya sayo?"

"Nakakarindi talaga yung boses mo" sabat ni Iris.

"Girls" ang tawag niya sa grupo niya.

Nilapitan ako ng dalawa pa nilang kasamang babae at pinagsasabunit ako. Nakisali din sila Nix at Iris.

Wow! Ang galing! Talagang sasabunutan niyo ako dahil lang sa isang lalaki?!

Hindi ko napigilan ang galit ko at ginantihan ko na rin ng sabunot sina Nix at Iris "ano? Kaya niyo ako?" Ang tanong ko sa dalawa habang hinahatak parehas ang buhok nila.

Sumabay na rin sa pagsabunot sina Janelle at Glaiza sa pagsabunot sa dalawang babae na kasama sa grupo ni Nix.

Lahat ng mga studyante na nasa labas pa ng mga room ay pumalibot na sa amin.

"Ow! Stop it" ang ingit ni Nix na pilit hablutin ang buhok ko.

"Ouch ouch ka diyan? Hindi pa nga todo 'to eh" mas hinigpitan ko ang paghatak ng buhok nilang dalawa na naging dahilan ng paglakas ng ingit nila.

"Ano hindi niyo ako titigilan?" Ang tanong ko sakanila.

"Titigilan na, bitawan mo na kami!" Ang sigaw nila.

Binitawan ko ang buhok nilang dalawa, madali naman ako kausap eh.

Tinignan nila kaming tatlo ng masama, lalapit pa sana sila saamin ng may marinig kaming boses.

"Ano nangyayare dito?"

Napatingin kami sakanya at nagulat.

"Shane, ano nangyayari dito?"

"Lance--" hindi ko pa nasasabi ang dapat kong sasabihin ng sumingit si Nix.

"Babe, pagalitan mo nga yang babaeng yan, walang respeto! Sinabunutan ba naman kami, wala naman kami ginawa sakanya" turo ni Nix sa akin.

"Wow! Galing mo pala gumawa ng kwento, pwede ka maging writer in the future" ang asar ko sakanya

Nilapitan ako ni Lance. "Shane, totoo ba 'to?" Ang tanong niya sa akin

"What? Maniniwala ka diyan? Eh siya tong naunang manabunot dahil dahil inagaw daw kita"

Hinila niya ako papalayo sa maraming tao at kinusap ako

"Edi sana hindi mo nalang ginantihan  Shane"

"What? Pwede bang hindi ko gantihan? Edi inabuso nila ang pananakit sakin dahil alam nila 'di ako gaganti."

"Shane hindi mo kilala si Nix, mas lalo ka lang niya guguluhin"

"Alam mo namang hindi ako papayag diba?  Hangga't kaya kong gawin, gagawin ko wag niyang hintayin na maguidance pa siya."

"Inaalala ko lang ang safety mo Shane, ayaw kong mawala ka sakin" ang sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Don't  worry, hindi ako mawawala sayo. Wala lang yan si Nix, nilamon na ng kainggitan yan"

"Ihatid na kita sa klase mo" and with that, hinatid niya na ako sa classroom ko at umalis na.

--

Class dismiss na, hay sa wakas tapos na ang araw na 'to dito sa school. Nakakastress na nga ang schoolworks dumagdag pa si Nix at Iris, great!

Note my sarcasm*

Lumabas na ako ng building at naghintay nalang kay Lance sa isang bench dahil dito niya daw ako susunduin.

Habang nagphophone ako ay nakaramdam ako panyo na bumalot sa bibig ko.

May mga babae namang biglang humawak sa dalawa kong braso at sumulpot na si nix sa harapan ko.

Wtf?! Sila nanaman?!!!

Talagang hindi titigil 'tong mga 'to! Napaka OA na nila na dahil lang kay Lance nagawa pa nilang isiping gawin sakin yung gan'to.

"Ano? Kawawa ka naman di ka makagalaw" asar ni Nix na nakalabas ang nguso.

Hindi ako makasalita dahil sa panyo na nakabalot sa bibig ko kaya wala akong ibang nagawa kundi tignan  siya ng masama.

Ayan, ang dami nanamang tao na pumalibot sa amin, hiyang hiya na ako sa ginagawa nina Nix pero mababawian ko rin sila balang araw, hindi nila malalaman kicked out na sila dito.

"Oh, asan si Lance? Mukhang walang pipigil sa amin ngayon ah" pagkatapos niyang sabihin yun ay pinagsasampal niya ako sa magkabilang pisngi ko.

Ouch ah, yan na todo mo?  Paano kung gawin ko kayang bola mukha nito tapos paluin ko.

Pero teka, asan na mga guard dito?! Wala man lang makakita sa ginagawa ng mga malalandi na 'to.

Habang pinagsasasasampal ako ni Nix ay may biglang bumusina, nakita ko ang kotse ni Lance.

Bumaba siya kagad at inalis ang kamay ni Iris na siyang may hawak hawal ng panyo at tinaggal ito sa pagkakabalot sa bibig ko.

Napabitaw din ang dalawang babae na may hawak sa braso ko.

"Ano nanaman ginagawa niyo kay Shane?" Tanong ni lance sa apat.

"Eh siya kasi nauna eh" ingit ni Nix.

Napatingin saakin si Lance at dali dali naman akong umiling.

Nagbuntong hininga siya at tinignan ulit ang apat. "You know what girls, bakit 'di niyo nalang ako samahan?"

"Sige, where to?" Tuwang tuwa na tanong ni Nix.

"You'll  find out" he winked.

What saan sila pupunta?

Binulungan ako ni lance bigla "stay here dadalhin ko lang sila sa principal's office"

"C'mon  girls" aya niya sa apat na tuwang tuwa na walang kaalam alam kung saan sila dadalhin ni Lance.

Ang lalandi kasi.

Our story •A Tagalog Love story•Donde viven las historias. Descúbrelo ahora