I love you too ♡

307 7 2
                                    


Shane's POV

Nakatayo ako ngayon sa stage kasama ang mga ibang candidates, nakagown na kami and kaya kami nakatayong lahat dito dahil aawardan na kami, dito na malalaman kung sino yung may best costume nung sports wear, kung sino ang best in talent portion, kung sino ang may best gown at best suit, at kung sino ang mananalo.

Kinakabahan ako, hindi ko alam kung mapipili ako o maaawardan ako sa isa sa mga binanggit ko. Pero kung hindi man, okay lang happy parin naman ako. Kasi nakarating si Lance, akala ko totoo talagang bbyahe sila ng baguio. Ang effort niya talaga.

Hindi ko na alam ang nararamdaman ko kay Lance, it feels more different, mas naging comportable ako sakanya, at mas hinangaan ko siya, I feel like... I feel like I....

"Best in sports wear costume is...... candidate #18! Shane mendez of Chasel Academy."

Nagulat ako sa sinabi nila, nagpop ang picture ko nung sports wear competition at pinapunta nila ako sa harapan, binigay nila sakin ang certificate at ang maliit na trophy. I smiled to the camera at bumalik na ulit sa pwesto ko.

O my, hindi ko inexpect 'to akalain mo na sa ganung kasimpleng costume ko, ako pa nanalo kesa sa ibang candidates na mga mas maeffort ang costume.

Binanggit na ulit yung ibang awards and hindi na ulit nabanggit ang pangalan ko. And okay lang yun kasi may nakuha naman akong isang award and sapat na yun.

Ngayon ay babanggitin na nila kung sinong 2nd runner up, 1st runner up at kung sino ang magiging Mr. & Ms. ISAL 2018.

Binaggit na nila at kung sino si 2nd, si 1st at ang Mr. & Ms. ISAL

Natuwa ako kasi ang Ms. ISAL  is si ate April, which is ang pinaka best friend ko dito sa ISAL, tuwing rehearsal ay siya lang talaga ang kausap ko at kaming dalawa talaga ang nagkakasundo, college na siya, sobrang ganda niya at ang sexy kaya I'm  super happy for her na siya ang Ms, ISAL

Bumaba na kaming lahat sa stage at cinongratulate ko na si ate april, sabi ko sakanya friends parin kami kahit tapos na tong competition na 'to.

Nagbihis na ako ng shorts at t shirt and sneakers ulit, sobrang sakit ng paa ko sa heels grabe, ilang oras ko ba namang suot suot yun.

Pinuntahan ko na sila Lance na kasama sila mommy. "Congrats Shane!" Ang bati sakin ng mga kaibigan ni Lance. "Thank you" ang pasalamat ko sakanila ng may ngiti.

Tinignan ko si Lance na may katawag sa phone at nakasimangot " uhm ano problem kay Lance?" Ang tanong ko sa mga kaibigan niya.

"Ewan ko Shane  ehh pero ngayon ngayyon lang yan, di ko nga lang alam kung sino katawag niya para sumimangot siya ng gsnyan" ang sagot sakin ni ate mei.

Nakita kong binaba na ni Lance ang call at nilapitan ako "uhm shane kailangan ko na kasi umalis, sory shane, congrats" ang sabi niya na parang nagmamadali siya "okay bye" ang sabi ko ng mahinhin.

Hay nawalan nanaman ako ng gana. napansin nila ate mei ang pagchange ng mood ko "Shane  bakit kaya hindi tayo mag laro, alam mo yung nakablindfold yung isang tao tapos magcclap yung ibang kalaro mo para mahanap mo sila?" Ang tanong nila ate mei. Alam ko yung larong yun pero ayoko.

"Dapat may aalalay sakanya kasi diba sa labas tayo maglalaro baka makabangga siya ng mga tao" ang sabi naman ni kuya aaron

"Ayoko po ate mei, sorry" ang sabi ko sakanila.

"Huh? Hindi pwede shane, minsan nalang tayo maglaro eh, payagan mo na kami please?" Ang pilit sakin ni ate mei

"Sige na nga po" ang sabi ko sakanila. Hindi ko alam ang trip nila kung bakit nila naisipan na maglaro lalo na nasa mall kami, nakakahiya magmumukha kaming mga bata. Pero wala akong magagawa pipilitin lang nila ako ng pipilitin.

Our story •A Tagalog Love story•Where stories live. Discover now