the best view ever/first kiss

258 6 0
                                    

September 1 at 3:50 pm

Shane's POV

Ngayon ay nagreready na ako ng sarili ko para mamaya sa theater show. Ako ay nakasuot ng kupas na pantalon,crop top, at vans na sneakers. Hinayaan ko lang buhok ko na nakabagsak at naglagay lang ng konting makeup sa mukha ko.

Habang inaayos ko ang bag na dadalhin ko ay chinat na ako ni Lance.

"Hi Shane, I'm  here na"

Dali dali na akong bumaba at nagpaalam na kay mommy at mama.

"Good afternoon Shane, you look stunning" ang bati niya saakin pagpasok ko ng kotse niya.

Napangiti ako "thank you" ang pasalamat ko.

"So sasama ba sila ate mei?" Ang tanong ko habang  bumabyahe kami.

"Sina Mei at Gelo ang hindi sasama pero si Aaron at Pia papunta na din sila dun."

"So paborito mo pala ang movie na tangled?" Tanong ni Lance saakin

Paano niya nalaman? May mga sources din 'tong lalaking 'to eh 'no.

"Yea, paano mo nalaman?"

"Syempre ako pa ba? Hindi joke lang, kwento lang ni Tita kahapon sakin kasi kagabi daw pinapanuod mo yung movie"

Si mommy talaga.

Wala akong nasabi kundi mapayuko. Syempre nakakahiya na malaman niya yun 'no. Isipin niya sakin 16 years old tapos mahilig parin ng disney movie, ano ako isip bata ganun?

"Hey don't  be shy, all people have different favorites, whether it's childish or not. Ako nga grade 6 na nagstop magthumbsuck, and hanggang ngayon hilig ko parin ang gatas" ang sabi niya sakin.

Napatingin ako sakanya at hindi napigilang tumawa.

"Grabe naman 'to makatawa, bakit ikaw wala ka bang mannerism nung bata ka?"

"Meron, pero ako grade 1 nung nagstop" ang sabi ko habang tumatawa.

"Makataea wagas ahh, ikaw ah, konti nalang--" cinut off ko ang sinasabi niya

"Konti nalang ano? Makikiliti mo nanaman ako?" Ang tanong ko sakanya habang pinipigilan ang tawa ko.

"Konti nalang azkshamsk"

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil sobrang hina ng sinabi niya "ano? Hindi ko narinig"

"Konti nalang aasawahin na kita diyan eh, diba nga may kadabihan tayo 'Ang tawa ng tawa gusto na magasawa'"

Woah. 'Di ko akalain na sasabihin niya yun.

"I love you love-- I mean Shane" ang sabi niya.

"Love?" Ang tanong ko "wala wala, yun lang kasi gusto ko itawag sayo kapag naging tayo na" ngiti niya.

"Hmm, I love you too Lance" ang sabi ko pabalik.

--

Ngayon nandito na kami sa loob ng theater, naghihintay nalang na magstart. Magsisimula na raw kasi in 5 minutes.

It's  already  6:30 ng gabi, ang traffic kasi papunta dito buti nalang hindi kami late sa show. Ngayon katabi namin ni Lance sina Glaiza at Janelle.

At hindi rin nagtagal ay nagstart na ang theater show.

"Ang ganda" bigla ko narinig si Lance habang nanunuod kami na ang tinutukoy niyang maganda ay yung tangled.

Napatingin ako sakanya "sinabi mo pa" ang sagot ko sakanya.

"What I  mean is... Ang ganda mo Shane" ang sabi niya

Wala akong nasabi. Napakasweet talaga nito ni Lance. Akala ko nung una isa siyang tao na pag nakasama mo ay nakakastress at makakaaway mo pero I thought wrong, siya ang pinakasweet at meffort na lalaking nakilala ko.

After 2 hours ng panonood ay lumabas na kami ng theater room ng may kinang sa mga mata ko

"Ano nagenjoy ka ba?" Tanong ni Lance nang nakangiti.

"Super!" Masayahin kong sagot at niyakap siya sa tuwa.

"Aray ko!" Ang sabi ni Janelle at pinalo ang braso niya na naging dahilan ng pagtingin naming tatlo sakanya.

"Ano nangyari sayo?" Tanong ni Glaiza

"Ang daming langgam eh, nilalanggam na ata kayong dalawa" ang sabi ni Janelle.

Natawa ako sa sinabi niya.

"Ah babe, hihiwalay na kami ah, kayo saan pa kayo?" Ang tanong ni Glaiza.

"Uuwi na rin siguro kami, baka hanapin na siya ng mom niya eh" ang sagot ni Lance.

"Ahh okay ingat lovebirds" ang paalam nilang dalawa.

"Sige, ingat din kayo" ang paalam ko.

Sunakay na kaming dalawa ni Lance sa kotse at umalis na.

Traffic nanaman,  hays nakakapagod ng ganito.

Dumungaw ako sa bintana at nakita ang view ng puro buildings, nasa highway kasi kami ngayon, kitang kita ko ang mga nagsisitaasan na buildings.

"Ang ganda" ang bulong ko pero mukhang narinig ni Lance.

"Ng ano?" Ang tanong niya.

"Tumingin ka sa dito sa labas sa side ko, tignan mo oh ang ganda ng view puro buildings. Ito kasi hilig ko, yung nga gantong view ba lalo na pag nasa mataas na lugar ako tapos makikita ko puro buildings, the best view ever"

"Hilig mo pala yan. Sige next na date natin dadalhin kita sa lugar na makikita mo yung ganyang view, mas better pa diyan"

"Saan naman? Mahirap kaya humanap ng lugar na ganito" ang sagot ko.

"Basta, makikita mo rin, I promise. Gusto kita mapasaya eh"

Napangiti ako sa sinabi niya at hindi ko napigilang yakapin siya

Pagtapos ng ilang segundo ng pagyakap ko sakanya ay dahn dahan akong kumakawala sa yakap habang siya nakatingin lang sa mukha ko.

"Shane--" ang sabi niya at nahalikan ako sa  labi.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

$#!+, is this even real? Lance kissed me.

Umatras ako oara kumawala sa kiss at napatingin sakanya

"I- I'm sorry shane, hindi ko sinasadya" ang paumanhin niya.

"It's  okay" I faked smile.

Sa buong byahe namin ay naging  awkward  ang ambiance sa kotse simula nung nahalilan niya ako. Nahiya siguro bigla 'to saakin.

"I'll  see you tomorrow sa school" ang paalam niya nang makarating kami sa bahay.

"Yea, magiingat ka pauwi ha. Goodnight"

Lumabas na ako ng kotse at pumasok ng bahay.

Wala ng katao tao sa sala, mukhang tulog na silang lahat.

Nang makaakyat ako sa kwarto ko at hindi ko napigilang ngumiti.

Siya. Si Lance Genova ng Chasel Academy ang first kiss ko.

Our story •A Tagalog Love story•Where stories live. Discover now