Hi shane, please reply here.

667 7 0
                                    


Monday:

Hay monday nanaman, sobrang bilis naman ng weekends, halos hindi ko nga naramdamang may weekends. Ayoko na pumasok huhuhuhu

I grab my school bag, and head downstairs.

"Mommy, aalis na po ako" ang sabi ko sabay kiss kay mommy "okay, ingat ka" she replied and smile..

Pagpasok ko ng school ay binati kagad ako ni ate mei at ate pia.

" Hi shane" bati nilang dalawa sakin "uyy hi po" I greeted back with a small smile.

" Uy babe, congrats pala nung friday, balita ko ang galing mo daw ahh" ang bungad kagad sakin ni glaiza, with a wink.

" thank you babe, and sino pala nagsabi sayo? Si janelle?" I asked. "nopeee, si bebe mo" ang bulong niya sakin.

"bakit mo binulong?" I asked confused, tinuro niya si iris.

Okay I get it, pati ba naman si glaiza.

Pinalo ko si glaiza sa braso " pati ba naman ikaw babe, ayoko nga dun sa taong yun" ang sabi ko sakanya. Sabay rolyo ng mga mata ko , yes mataray talaga ako.

" ang cute mo kasing asarin eh" ang sabi niya sabay tawa ng malakas.

It's english class, sobrang boring talaga, ang hinhin hin hin ng teacher na toh, inaantok lang ako eh.

"iris, may naiintindihan ka ba sa tinuturo ni ma'am?" ang bulong ko kay iris na katabi ko lang sa upuan.

" wala nga eh, inaantok ako" ang bulong niya pabalik sakin. Imbis na makinig ako kay ma'am, kinuha ko ang paborito kong book na 'I owe you one' paborito ko talaga basahin toh, kahit last week ko lang binili, almost half of the book na kasi yung nababasa ko.

"okay class dismiss" ang sabi bigla ni ma'am samin. "ehh ma'am, halos 10 minutes palang po tayo nagcclass" sabi ng isa sa mga kaklase ko.

"I'm sorry class, but I need to dismiss early, the principal is calling me down stairs" ang sagot niya.

" okay goodbye class" .

After like 25 minutes ng pagbabasa ko sa libro ko, pumasok na ang next teacher namin, si ma'am Evangelista, our computer teacher. Paborito ko talaga siyang teacher, kahit mahinhin rin siya.

"class baba tayo sa computer lab, we have an activity" ang sabi niya samin with a smile.

We all head downstairs papuntang com lab, ako kasama si iris habang si glaiza naman ay kasama si janelle.

Pagpasok namin sa com lab ay pumunta na kami sa mga designated naming computers, mine's #15.

Umupo na kami at nagstart ng magexplain si ma'am about the activity we're going to do.

After 30 minutes of doing the activity, natapos ko na rin, nakakaenjoy talaga ang mga pinapaactivity ni ma'am.

Habang hinihintay ang mga kaklase ko na matapos sa activity, ay pinaglaruan ko muna ang computer ko hanggang sa nagsalita si janelle, which is just beside me, siya ay nakadesignate sa comp. #14.

"Shane, tignan mo yung nasa itaas ng desktop mo" ang sabi niya sakin. Tinignan ko yung taas ng desktop ko at nakita na document from microsoft word na nakalagay "HI SHANE PLEASE REPLY HERE"

I furrowed my eyebrows, ano toh?

"buksan mo" janelle excitedly said.

Binuksan ko ang document at? Nakakita ako ng maikling letter.

"Hi Shane :) how are you? Magpapakilala lang ako sayo, ako nga pala yung matagal ng nagkakagusto sayo natotorpe lang talaga hehe, alam mo ba palagi kitang tinitignan, ang cute mo kasi tsaka ang bait bait mo pang tao, sana magkausap tayo some time.. Galingan mo sa pag-aaral yun lang godbless :)

-Hit the quan"

What?!!! May nagkakagusto sakin?!!!

"hit the quan? Sino toh?" ang tanong ko kay janelle

" may nagkakagusto na sayo shane!!" ang sabi ni janelle.

"shhh! Marinig ka ni ma'am" ang sabi ko sakanya sa mahinang tono

" bilis magreply ka" ang sabi niya sakin, sobrang makikita mong kinikilig siya, siya pa talaga yung kinilig.

"ano irereply ko, ikaw na" binigay ko sakanya kagad yung keyboard at hinarap sakanya yung computer.

Nagsimula na siyang magtype habang ako tinitignan lang ang ginagawa niya.

"hello po, ask lang po kung sino po toh?

                                                           -kiki                    "

Natawa ako sa code name na nilagay sakin ni janelle.

" ayan, hintayin nalang natin yung sagot niya" ang sabi ni janelle.

" sino kaya 'to 'no?" ang tanong ko. " alam mo shane, feeling ko --" cinut off ko siya " feeling mo sino?!" tinanong ko kagad.

" feeling ko... Si kuya lance yan" sagot niya.

Lumaki ang mga mata ko sa sagot niya.

" ANO?! paano mo nasabi?" ang tanong ko sakanya with furrowed eyebrows.

"kasi tignan mo ohh, halatang mas higher grade yan sayo kasi 'shane' lang.  kilala mo naman na ate ang tawag sayo ng mga studyante na mas lower sayo, and hello? Wala namang ibang kumkausap na lalaki sayo na taga ibang grade kundi si kuya lance lang ehh" she explained.

"hindi naman siguro.. May girlfriend yun 'no timang ka ba?" i disagreed sa Inexplain niya.

She just shrugged her shoulders "hintayin nalang natin"

Our story •A Tagalog Love story•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon