"I want to court you..."

535 8 0
                                    


Shane's POV

Hinatid na ako ni kuya Lance sa room namin after kumain.

"So, goodbye. Thank you sa lunch" ang sabi ko sakanya with a smile.

"Yea no problem, next time ulit if you have time" ang sagot niya sakin sabay ngiti.

Pumasok na ako room at nakitang nakatingin sakin ang lahat.

"Yes?" Tanong ko sakanila.

"Late ba ang relo mo Ms. Mendez?" May narinig akong boses sa likod ng room. Ang narinig ko palang boses ay mula sa desk ng professor.

$#!+ Si Ms. Seryo. Ang pinakamasungit at strict professor na meron kami.

"I-I'm  sor-sorry Ma'am , hindi na po mauulit" ang paumanhin ko sakanya.

"Talagang hindi na mauulit! Leave this room... now!" Sigaw niya saakin.

Kaagad akong lumabas ng room sa sobrang takot. Grabe ngayon lang nangyari sakin toh. Yung palabasin ako ng room dahil lang nalate ako. Well actually hindi ko pa talaga nararanasan malate sa klase but I don't blame kuya Lance sa pagiging late ko ngayon. It's  okay atleast alam ko na yung feeling ng pagiging late sa klase.

Lumakad ako pababa ng 3rd floor at pumunta sa computer lab.

Pagpasok ko ng com lab ay umupo ako sa designated computer  ko which is number 15, ako lang magisa dito sa room kaya walang ingay. Just me and the computer.

Binuksan ko ang computer at naglaro ng games na pwedeng laruin. Kahit naglalaro ako ay sobrang boring parin hays.

"Nakakainis naman" ingit ko. Bigla ako nakarinig ng tunog sa com lab.

Sino pang tao dito? Eh ako lang naman magisa dito.

Tumayo ako sa seat ko at kinuha ang ballpen sa bulsa ko. Chineck ko ang mga ilalim ng mga lamesa pero wala. Dahan dahan akong lumalakad papunta sa pinto para icheck ang labas hanggang sa may biglang bumukas ng pinto. Nauntog ako at bumagsak sa sahig.

Aray! Nauntog na nga ako, bumigla pa ako ng bagsak sa sahig!

Hinawakan ko ang ulo ko at tinignan kung sino yung nagbukas.

"Bwisit,  sino ka bang bigla bigla nalang nag--" napahinto ako sa nakita ko.

Si kuya Lance.

"Shane?! Shoot, I'm  sorry" gulat niyang sinabi at nilapitan ako.

Hinawakan niya ang bukol na lumabas sa noo ko.

"I'm  sorry Shane,  di ko sinasadya" paumanhin niya sakin.

"Okay lang" tinry kong tumayo pero sobrang sakit ng pagkabagsak ko.

" let me help you" tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ang kamay ko at tumingin sa mata ko.

Nakatayo na ako ng maayos pero hindi parin niya binibitawan ang kamay ko.

"Uhm kuya Lance, okay ka lang?" tanong ko at nagpekeng tawa.

Para siyang nagising at binitawan ang kamay ko.

"I'm  sorry" paumanhin niya sakin.

"Kanina ka pa po nagsosorry. Okay nga lang"I smiled.

"Upo tayo dun" ang aya ko sakanya at tinuro ang nakaaasign saking computer which is also his computer.

Umupo na kami at cinontinue ko na ang paglalaro ko sa computer.

" bakit ka nga pala andito eh diba kakahatid ko lang sayo sa room niyo? Dapat may klase na kayo ngayon" ang tanong niya sakin.

Our story •A Tagalog Love story•Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα