date night plan

255 4 0
                                    


Lance's POV

Ngayon ay nasa school kami, kasama ko ngayon ang usual tropas ko dito sa canteen. Naisipan naming magcutting at tumabay dito ngayon dahil alam naming wala namang ipapagawa ang next professor namin.

Gusto ko ipaalam sa mga kaibigan ko na gusto kong magplano ng date naming dalawa ni Shane katulad nalang ng sabi ko sakanya kagabi na sa next date namin ay dadalhin ko siya sa lugar na kung saan makikita niya ang paborito niyang view.

Wala e, hindi ko ba alam kung anong ginawa saakin ni Shane para mahalin ko siya ng ganito.  Sobrang kakaiba ng nararamdaman ko sakanya ngayon. Nararamdaman ko na siya na ang makakasama ko habang buhay, na siya na ang magpapasaya saakin. And about the kiss last night. Yung halik na yun ang pinaka-the best na kiss na naranasan ko, kakaiba e, nakaramdam ako ng sparks, it feels like heaven to me. Sure na ako kay Shane, ayoko na siyang iwan pa kaya sa plano kong date ay itatanong ko na ang matagal ko nang gustong itanong sakanya.

"Mga bros may sasabihin ako sainyo" ang sabi ko

"Ano yun pre?" Tanong ni mei.

"May plano kasi akong ginagawa dahil gusto kong ayain si Shane ng date sa sunday. And nanghihingi ako ng tulong niyo kasi gusto ko sa date na 'to perfect lahat."

"Eh ano bang tipo ni Shane pagdating sa mga dates?" Tanong ni pia.

"Gusto ko sana date night, tapos sa isang lugar na overview is buildings kasi yun yung paborito ni Shane, may alam akong lugar pero hindi ko alam kung magugustuhan niya"

"Pre wala naman kaming ibang matutulong kundi suportahan ka sa plan mo eh. Kung satingin mo na goods naman yung lugar na naisip mo then go for it, kahit ano naman siguro magugustuhan ni Shane  kasi mukha naman siyang hindi mapili na tao" ang sabi ni pia.

"Pero kasi may isa pa akong gustong itanong sainyo?"

"Ano pre? Kung mahal ka namin? Syempre ikaw pa ba pre" ang biro ni aaron.

Hay nako si aaron talaga. Seryosong usapan ginagawang biro. Sobrang kabado ko sa ginagawa kong plano.

"No, gusto ko itanong sainyo kung anong pwedeng ibigay kay Shane pag tinanong ko siya--" nahinto ako sa pagsalita ng sumingit si Mei.

"Na ano pre? Will you be my girlfriend?! Aaahhhhh!" Sigaw ni mei sa tuwa.

"Oo eh, satingin niyo kaya oo sagot niya?" Ang tanong ko.

"Hindi ba parang ang bilis pre? Hindi sa tumututol ako ah, baka kasi mabilisan si Shane"

"Ayaw ko na kasi siyang mawala at maagaw saakin eh, gusto ko na siyang matawag na saakin pre."

"Pre, sure na sure ako na oo ang sagot nun, mahal na mahal ka din nun eh" ang sabi ni mei.

"And ang suggestion ko naman sa ibibigay mo kay shane is bouquet ng flowers at bracelet pre, couple bracelet ba kumbaga, yun nga lang magastos" ang suggest ni Pia.

"Oo pre kung kaya mo naman the best na yung bibigyan mo siya ng flowers at bracelet. Masyado na kasing common ngayon yung singsing at kwintas." Dagdag ni mei.

" tapos isasayaw mo siya na para mo siyang prinsesa, at sasabihin mo sakanya kung bakit mahal na mahal mo siya" dagdag ni pia.

Sila mei at pia pala ang tutulong saakin ng pwede kong gawin para maging perfect ang next date namin ni Shane.

"Kaso mga bro, hindi ko naman alam ang susuotin ko" ang sabi ko sakanila.

"Nako bro, suggest ko sayo is magsemi casual ka. Yung polo shirt lang at pants tapos maayos na sapatos. Yung simple lang ba pero malakas ang datingan" ang suggest naman ni Aaron.

"Oo bro the best yun, mas maiinlove pa sayo si Shane" ang sabi ni gelo saakin tungkol sa sinuggest ni aaron.

"Mga bro thank you ah. Thank you kasi binigyan niyo ako ng ideas sa mga pwede kong ibigay at gawin sa next date namin. Kung wala kayo hindi ko maiisip lahat ng 'to" ang pasalamat ko sakanila.

"Ano ka ba pre, wala yun 'no. Syempre basta problema ng isa problema ng lahat tapos tulong tulong gumawa ng solusyon. Andito kami para sayo palagi pre, para sainyo ni Shane" ang sagot ni mei.

"Para sa GENDEZ?" tanong ni Aaron.

Natawa ako sa shipname nila saamin.

The best talaga 'tong mga tropa ko.

"123 Gendez 1...2...3.." ang bilang ni aaron.

Pinagdidikit namin lahat ng kamay namin ng parang 'maiba taya'

"GENDEZ!" Sigaw naming lima. Na naging dahilan ng pagtingin ng mga nagtitinda sa canteen.

"Wala pa ba kayong kalse mga iho, iha?" Ang tanong ng isang mayanda na nagtitinda.

"Ahh wala pa po manang" sinungaling na sagot ni mei.

"Tara na nga mga bros" ang aya ko sakanila at masaya kaming lumabas ng canteen.

Sana oo ang sagot mo shane, mahal na mahal kita.

Our story •A Tagalog Love story•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon