hindi lahat.

227 7 0
                                    


Shane's POV

andito kami ngayon sa isang bench nakaupo, still here sa rooftop restaurant.

11:30 na pero wala parin kaming balak umuwi, sobrang sarap ng hangin dito at napakapayapa kaya sinusulit na naming dalawa.

"Love, paano kaya kung isa saatin mapunta na sa ibang bansa for good, kaya ba natin ang LDR?" Ang tanong ko sakanya.

"Bakit mo naman natanong yan love?"

Nagbuntong hininga ako "sa singapore kasi plano ni mommy at daddy na ituloy pag aaral ko pag nagcollege na ako, sorry ngayon ko lang nasabi sayo"

Humarap siya saakin at hinawakan ang mukha ko "hey, it's alright. Kakayanin natin, mahal natin ang isat isa. Lalo na ako, kakayanin ko para sayo, kung sa singapore ka magaaral ng college then it's okay, ako dito sa pilipinas. Tatawagan kita araw araw"

Hindi ako nakasagot at niyakap nalang siya.

"I love you love, kahit anong mangyari hindi kita susukuan"

Kumawala ako sa yakap at hinalikan siya.

After like 15 more minutes ng paguusap namin ay naisipan na rin namin umuwi.

Bumaba na kami ng building at umalis na.

"Nagenjoy ka ba tonight?" Ang tanong saakin ni Lance habang bumabyahe

Nginitian ko siya "super, thank you dahil dinala mo ako dun"

"All for you my love, anytime pwede mo ako ulit ayain dun"

"I love you" ang sabi ko at hinawakan ang kamay niya na nasa kambyo.

"I love you too Shane" ang sabi niya pabalik.

Huminto na siya sa bahay at nagpaalam na ako sakanya.

"Thank you ulit for tonight"

"Anytime just for my girl" ang sabi niya na naging dahilan ng pag ngiti ko.

Pumasok na ako ng bahay at nakita ko si mommy na nanunuod ng tv sa sala.

Napatingin ako sakanya at hindi napigilang mapatalon sa tuwa.

"Ma, kami na!" Masaya kong sabi at niyakap si mommy.

"I'm so happy for the two of you anak"

Pinakita ko sakanya ang suot suot kong bracelet  "ma, ang ganda"

"Hay nako dalaga na ang anak ko" ang sabi saakin ni mama at niyakap ako.

"Thank you ma sa pagsupport saaming dalawa" ang pasalamat ko sakanya.

Hay, the best talaga si mommy. Basta alam niyang tama ang desisyon mo, susuportahan ka niya. And si Lance? I'm ready to be his girlfriend, first time ko mang maranasan maging girlfriend, gagawin ko ang best ko para mapasaya siya at para patunayan sakanya na mahal ko siya.

Kumawala ako sa yakap namin ni mommy nang marinig kong tumunog ang phone ko.

Chineck ko ito at nakita ang message ni lance: "I love you ;)"

Hindi ko napigilang ngumiti. The best night ever!






Ngunit hindi lahat ng mga kuwento ng pag-ibig ay may mga maligayang kawakasan.

Our story •A Tagalog Love story•Место, где живут истории. Откройте их для себя