what a coincidence

264 10 2
                                    

The next day

Shane's POV

"Anak, andito na sina justina at roana" ang sigaw ni mommy from downstairs.

Tinignan ko ang sarili ko one last time sa salamin, inayos ang buhok ko at kinuha na ang luggage bag ko.

Sasampa na ulit kami ng eroplano ngayon, from singapore to philippines kami at  philippines to singapore, so parang pabalik balik lang kami.

Bumaba na ako at nagpaalam na kay mommy at sa mga kapatid, ilang araw nanaman akong mawawala.

Pagpasok ko ng kotse ay binati nila ako.

"Good morning Ms. Lasinggera, ano okay ka na pagkatapos mong sumigaw ng malakas kahapon sa labas ng bahay niyo?" Ang tanong ni justina.

"Anong sumigaw? Ano ba ginawa ko kahapon? Wala ako maalala eh"

"Hay nako sumigaw ka lang naman 'Hayop ka lance genova ano bang ginawa mo saakin?!' At umiyak ng umiyak" ang paliwanag ni roana imitating my voice.

Oh my gosh, sinabi ko ba talaga yun? Dinamdam ko nanaman ang nangyari saaming dalawa ni Lance.

Nakarating na kami sa airport, at pumasok na ng eroplano, in just a few minutes sasalubungin na namin ang mga passengers.

After like 5 minutes ay pumasok na ang mga passengers at chineck na namin ang mga tickets.

Nagtakeoff na ang eroplano at ginawa na ang trabaho namin.

After 3 hours ng pagbyahe papuntang pilipinas ay sa wakas nakaland kami ng safe.

Lumabas na muna kami ng eroplano para magpahinga at kumain. Naisipan namin nina roana at justina na kumain sa chowking, paborito kasi naming tatlo yun.

Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si roana "paano kaya kung mameet dito ni Shane si Lance 'no? Nako baka mabaliw nanaman 'to.. reminder lang ah nasa trabaho tayo ngayon." Ang sabi niya

I rolled my eyes "impossible, at kahit pa makita ko yun, wala naman na akong pakialam sakanya"

"Okay, sabi mo eh, wag kang maloloka pag nakita mo siya sa loob ng eroplano ah" ang sabi ni roana

"What? Impossible naman na nandito yun"

"Look, we feel him inside here, right justina?" Biro ni roana

Nagagree si justina "may superpowers kayo ganun? Ganun ang peg natin dito?" Ang tanong ko.

Natapos na akong kumain at tumayo na sa seat ko. "Hay babalik nalang ako ulit sa eroplano" ang sabi ko at kinuha ang wallet at phone ko sa table.

"Huy, joke lang bes, ito naman di mabiro" ang sabi ni roana at hinabol ako habang lumalakad.

"Alam niyo, nasa work tayo, diba? Be serious and act like a flight attendant, whether we're inside or outside the plane" and sabi ko at inemphasize ang word na 'outside'

"Bes, alam mo namang palabiro lang talaga kami diba? Gusto lang namin na patawanin ka 'no. Magsmile ka naman kasi." Roana said.

"Whether we're inside or outside the plane" tawa ni justina at roana.

I rolled my eyes at patuloy na lumakad pabalik ng eroplano.

Nakarating na kami sa loob ng eroplano at limang minuto nalang ay iggreet na namin ang mga passengers.

Habang binabati namin ang mga pumapasok ay bigla akong tinawag ng pilot

"Mendez" ang narinig kong sabi niya.

Our story •A Tagalog Love story•Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin