surprise preparation

287 7 0
                                    

Lance's POV:

nakauwi na ako ng bahay at dumeretso na sa kwarto, kagad kong hinubad ang polo ko at nagpalit ng sando at kinuha na ang mga materials sa paggawa ko ng gift para kay Shane.

Malapit na matapos ang ginagawa kong explosion box para kay shane, nilagay ko na sa loob ng box lahat ng pinadevelop kong pictures, gumawa rin ako ng maikling tula tungkol sakanya at nilagay na rin sa box. Tinanong ko na rin siya kung anong paborito niyang chocolate, ang sabi niya ay kisses kaya yun ang nilagay ko dito sa box.

Final touch, mga confetti, gumawa lang ako ng sarili kong confetti gamit ang colored papers at ballpen. Nirolyo ko lang ang mga colored papers isa isa sa ballpen, nakakapagod pero okay lang kasi para kay Shane  naman.

Kinuha ko na yung mga balloons at nilobohan ito isa isa.

Tumungo na ako ulit sa kotse ko bitbit-bitbit lahat ng mga ilalagay ko sa kotse. Binuksan ko na ang trunk ng kotse at nilagay na ang explosion box, may isa pa akong gift sakanya, isang sweatshirt na galing sa isang clothing store. Dinala ko kasi si shane dun after namin kumain nung sunday at pinapili ko siya ng magandang sweatshirt para alam ko ang bibilin ko. Hindi naman siya nagtanong kung bakit ko siya pinapapili kaya mas maganda at mas surprising.

Nilagay ko na ang mga balloons sa loob at pinaulanan ko yung trunk ng confetti, iba pa 'to sa mga ginawa kong colored papers, binili ko lang tong confetti na 'to.

At ang pinakalast kong nilagay sa trunk ng kotse ay nagsabit ako ng malaking sign na 'I love you' na nakacalligraphy, pinagawa ko naman 'to kay mei.

Sinarado ko na ang trunk at pumunta na ulit sa kwarto, pumili na ako ng susuotin ko bukas at nagready nang matulog.

Ready na ako para bukas, sana magustuhan ni Shane  ang ginawa kong surprise para sakanya.

Kung nagtataka kayo, hindi talaga totoo na pupunta kami bukas ng baguio, wala naman kasi talaga akong lola dun. Gusto ko lang talaga surpresahin si Shane, sana masurprise siya at sana talaga magustuhan niya.

--

Nagising ako sa malakas na alarm sa phone ko, napangiti ako at tumayo na sa kama. Bumaba na ako at tumungo sa kitchen para yakapin si mommy sa tuwa.

"Ma ready na ako mamaya, sana magustuhan  niya" ang sabi ko sakany at pinaikot ikot siya.

"Oh chill lang nak, videohan mo nalang si Shane  mamaya ha tapos pakita mo sakin, gusto ko rin makita ang rampa niya sa stage mamaya" ngiting sinabi ni mommy.

"Magaasikaso na ako ma, 12 o' clock ang start ng ISAL ni shane" hinalikan ko siya at umakyat na ulit sa room ko.

Pagkatapos kong magasikaso ay nagpaalam na ako kay mommy at naghead na sa kotse. Quarter to 11 palang, susunduin ko pa kasi mag kklase ko dahil inaya ko silang manuod kay Shane.

Umalis na ako at sinundo sila isa isa. "Pre, ito na ba yung surprise mo?" Ang tanong sakin ni mei nang mapatingin siya sa trunk ng kotse ko habang bumabyahe kami papunta ng Robinson's.

"Oo bro,  ayos lang ba? Satingin niyo kaya magugustuhan ni Shane?"

"Sobrang magugustuhan niya 'to bro, ito ang sweetest thing na magagawa ng lalaki sa babae... yung isa kasi diyan parang walang pake sakin eh" ang parinig ni pia kay aaron.

"Excuse me? Parang di pa kita nasusurprise dati ah" ang sagot naman ni aaron.

"Anong surprise? Nung ginulat mo ako sa labas ng CR sa school para lagyan ako ng pulbo sa mukha?" Mataray na sinabi ni pia.

Tumawa ng malakas si gelo at mei nang maalala nila ang ginawa ni aaron kay pia noon.

"Tang***, sobrang laptrip yon" tawa ni mei.

Mukhang magaaway pa tong dalawang 'to.

"Alam niyo ang mahalaga mahal niyo ang isa't isa" tawa ko.

"Kaya nga, ito kasing si pia inaway pa ako" ang sabi ni aaron

"Bahala ka diyan" ang sagot naman ni pia.

Ang kulit talaga ng dalawang 'to. Ganyan sila, minsan makikita mong naglalambingan pero madalas nagtatalunan. Mapapailing ka nalang talaga sakanilang dalawa.

Pagdating namin sa Robinson's ay pinark ko na ang car. Lumabas na kaming lahat sa kotse, at pumasok na ng trade hall.

11:45 palang which means may 15 minutes preparation pa sila Shane. Hinanap ko sila tita at nilapitan sila.

"Good morning  po tita, asan po si Shane?" ang tanong ko kay tita.

"Ah nandun siya sa backstage,  gusto mo puntahan?"

Ginuide niya ako papunta sa sa backstage. "Thank you po"

Pumasok na ako ng backstage at nakita kagad si Shane. Grabe ang ganda niya, nakatalikod siya sakin, kausap ang mga kapwa niya kandidato, pero kitang kita ko kagad na sobrang ganda niya. Ang suot nilang mga candidates ay shorts tapos yung Pe shirt ng kanya-kanyang school. Nakatali ang Pe Shirt ni Shane  which makes her more beautiful. Ayoko siyang idescribe gamit ang word na 'sexy' dahil gusto ko respetuhin ang katawan niya.

Nilapitan ko siya at hinawakan ang waist niya, magulat siya at tumingin sa gilid niya

"Lance!" Gulat niyang sinabi at nginitian ko siya.

"Hey"

"Akala ko nasa baguio ka?"

"Syempre joke lang yun, gusto kitang panuorin eh"

Ngumiti siya at tumungo.

Narinig na namin nagsalita ang host which means magsstart na "babalik na ako sa labas ha, andun sila mei eh" ang paalam ko sakanya.

"Sige, sabihin mo sakanila na pinapasabi ko na thank you sa pagpunta" ang sabi niya sakin.

Lumabas na ako at pinuntahan sila mei, sinabi ko na ang pinapasabi ni Shane sakanila at nagstart na ang Pageant.


Our story •A Tagalog Love story•Where stories live. Discover now