audition for thespian club

491 4 0
                                    


August 8 at 9:57 am

Lance's POV

Today is monday nasa school nanaman kami ngayon, and syempre happy ako, not because of the fact na makikita ko nanaman ang mga prof ko but because of the fact na makikita ko nanaman si shane. Hay how I love looking at her face. Her rosy cheeks and pink lips, talagang maiinlove ka sakanya.

Andito kami nina pia, mei, aaron at gelo sa library. The usual tropas of mine. Kami lang ang tao ngayon dito actually kasi lahat nasa klase. Nagrereview kasi kami for the quiz mamaya.

" Lance kung isurprise mo kaya si shane sa dadating niyang pageant. Sa 12 na yun" ang sabi sakin ni pia

" sa evening wear ko na siya isusuprise para mas special" ang sagot ko sakanya with a smile.

"Dun ka na rin ba aamin sakanya na gusto mo siya?" Tanong ni mei

Nagbuntong hininga ako, hindi ko pala nasabi pa sakanila na umamin na ako kay shane

"Mga bros nakaamin na ako kay shane"

"HA?! KELAN PA" ang tanong nilang apat ng sabay sabay

"Eherm!" Ang papansin ng librarian dahil sa ingay na ginawa nilang apat.

"Sorry po" ang paumanhin nila sa librarian

"Ha? Kelan pa?" Bulong nilang tatlo na sabay sabay.

"Nung thursday pa mga bros dinalhan ko kasi siya ng breakfast, matagal na palang ako ang hinala ng kaklase niya" I explained

"Grabe pre ang tapang mo!" Ang sabi ni aaron with a big smile.

"Nako pre baka mamaya magulat nalang kami kayo na" ang asar ni pia "ayieee" dugtong nina mei, gelo at aaron.

"Ewan ko sainyo mga pre tara na malalate pa tayo" ang tawa ko.

11:50 am

Shane's POV

It's monday and nasa labas kami nina iris, janelle, at glaiza sa labas ng AVR room para magapply na maging thespian members.

We will be applying as dancers ng thespian club, for sure mamayang hapon pa ang auditions kaya may time pa kaming magpractice at humanap ng sayaw ng mga kaibigan ko. Kaming apat ang magsasabay sabay na magpperform mamaya sa audition dahil kami talagang apat ang nagkakasundo pagdating sa sayaw kahit marami pa kaming kakalase din na magaaudition.

Nilista na namin ang mga pangalan namin sa listahan ng mga magaaudition..

"Thank you girls, mamayang 12:20 ang auditon" ang sabi ng head ng thespian club.

What?! 12:20?!  it's already twelve o' clock, ano yun 20 minutes practice?! Eh hindi pa nga namin alam ang sasayawin namin.

Lumaki ang mga mata namin sa sinabi ng head at nagkatinginan kaming apat.

"Uhm thank you ma'am" i smiled at tumakbo na kami papuntang room namin..

"Anong sasayawin natin?! 20 minutes lang tayo makakapag practice" sabi ni glaiza

"Oo nga!" Ang sagot naman ni iris. Kaming apat ay natataranta na.

"Uhm, ganito may phone ako. Hanap tayo sa youtube ng zumba na sayaw and the---" I was cut off

"Seryoso ka ba sis?!" Gulat na sinabi ni iris saakin.

"Yes I'm serious, hatawan nalang natin mamaya sa audition."

Walang ni isang umimik sa suggestion ko.

"Guys ano okay ba sainyo?" Ang tanong ko sakanila.

"Okay lang saakin" ang sabi ni janelle.

"Game?" Sabay labas ng aking kamay para bang nakikimaiba taya ako.

"Game!" Ang sabi nilang tatlo at pinatong mga kamay nila saakin.

We started our practice at nagfocus lang sa sayaw namin. (Yung video sa taas ang sayaw na ginaya namin)






Our story •A Tagalog Love story•Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt