lunch time

464 8 0
                                    


Shane's POV

umupo na kami sa bakanteng table sa may dulo ng canteen, ako sa kabilang side ng table at siya naman sa harapan ko.

"Galing mo pala sumayaw 'no, I can tell na ikaw pinakahataw na hataw sainyong apat" ang sabi niya sakin with a smile.

Sumubo ako ng food ko. "hindi naman ako magaling, marunong lang talaga ako" I said humbly.

"Sus, humble pa" asar niya saakin habang puno ng pagkain yung bibig niya. "Hindi nga!" tawa ko.

"Wews, humble" asar nanaman niya saakin.

Pang asar pala 'to eh 'no. Asarin ko rin kaya 'to.

"Alam mo alis nalang ako" seryoso kong sabi which is for me ay biro lang naman.

Tumayo ako sa seat ko pero pinigilan niya ako "uy wag, nagbibiro lang naman ako, wag ka na umalis please" ang sabi niya sakin tapos ngumuso para ipakita sakin na nagmamakaawa siya ng parang bata.

Tinalikuran ko siya at ngumiti sabay upo ulit pero pinapakita kong galit parin ako kunwari.

"Uy wag ka naman na magalit sakin sorry na shane"

Seryoso na ata 'to. Pinipigilan ko parin ang pagtawa ko.

"Iyak ka nga sa harapan ko" asar ko sakanya. Hindi ko na napigilan at nailabas ko na ang tawa ko.

"Bwisit 'to" tawa niya rin. Nang tumigil kami sa pagtawa ay tinuloy ko na ang pag kain ko pero siya nakatitig lang saakin

"Ano tinitingin tingin mo diyan kuya, ang dami mo pang pagkain sa plato mo oh" sabi ko sakanya.

"Wala lang, I just love looking at you" he smiled

Woah.

Lance's POV

Napayuko siya sa sinabi ko. Nako, baka nailang siya.

"Uhm I'm sorry Shane , I- I didn't meant to make you feel uncomftable" ang paumanhin ko sakanya.

" ahh okay lang yun ano ka ba, kain na ulit tayo" ang aya niya sakin with a smile pero it seems to be fake.

Nagkaroon ng weird and awkward silence.

Gosh Lance think of a topic to open, hindi pwedeng puro tahimik babalot sainyo.

Ah alam ko na.

" shane kelan pala talent portion mo sa ISAL?" Tanong ko sakanya.

"Sa august 14 po, why?" Ang sagot niya sakin.

" ahh akala ko kasi sa august 13, rest day niyo sa 13 noh?"

"Yes, tapos sa 15 coronation day which is the last day"

"May plan ka naman na ba sa gagawin mong talent?" Tanong ko sakanya.

"Sasayaw sana ako, yun na talaga plan ko pero i have changed my mind, siguro kakanta nalang ako while playing the piano"

"Ahh so magaling ka rin pala mag piano?"

"Slight,nagppiano lessons kasi ako since grade 5 hanggang ngayon naglelessons parin ako"

Wow. ang dami namang talent nitong si shane, mas lalo akong niinlove sakanya. And sobrang humble niya, she's something different unlike other girls I met.

"Ohh I see, ang talented mo pala 'no"

"Hindi ah, it's just that marunong lang talaga ako" ang sagot niya sakin.

"Pero para sakin, ikaw pinakamagaling at talented dito sa campus" ang sabi ko sakanya.

"Alam mo kanina ka pa, kumain ka ata ng bola bola eh" tawa niya.

"Hindi, seryoso ako. Ikaw pinakamagaling para sakin" I said while looking at her.

"Thank you" she smiled.

Woah, I thought of something.

"Uhm shane, payag ka ba kung tanungin kita kung pwedeng magduet tayo?"

Nagulat siya sa sinabi ko "huh? Sure ka po ba? Ano namang kakantahin natin kung magduduet tayo?" Tanong niya sakin.

"Hahanap ako ng pwede nating kantahin, basta payag ka na makaduet mo ako."

"Yea sure, basta yung magkakasundo tayo." she smiled.

"Great, I 'll  update you nalang" I smiled back.

This is gonna be great, makakaduet ko si shane which is matagal ko nang hinihintay. Sobrang inlove na inlove ako sakanya. I admit na sa lahat ng babaeng niligawan ko, sakanya ko lang naramdaman yung ganito. Na gusto kong magseryoso, walang halong biro. She's just so special for me.

Natapos na kaming kumain, nagkkwentuhan nalang kaming dalawa ni shane. Nang dumating sina mei, pia, aaron at gelo ay napahinto kami sa kwentuhan naming dalawa.

"Uy lance, musta? Di mo kami inaya--" napahinto si mei sa sinasabi niya nang makita niya si shane na kasama ko sa table.

"Ah alam mo pre, papasok na kami sa room, ang alam ko may prof na eh, 'no mga tol" ang palusot niya.

Nagagree sina pia, aaron at gelo sa sinabi ni mei which is hindi naman totoo. Sinabi lang nila yun para maiwan ulit kaming dalawa ni shane. Kilalang kilala ko na 'tong mga kaibigan ko.

"Hindi ka ba sasabay sakanila?"  Ang tanong ni shane saakin.. nako anong isasagot ko?

"Uhm- uh- kasi-" wala akong maisip na maisagot.

"Ahh yan si lance okay lang yan magcutting, kaya enjoy guys" paalam nilang apat.

Natawa si shane sakanilang apat, "cute nilang apat ah siguro pag sumama ka dun ikaw yung kill joy"

"Uy grabe ka naman, hindi naman sa ganun 'no.. baliw din ako" ang sabi ko which made her laugh.

"Baliw sayo." Dugtong ko sa sinabi ko na naging dahilan ng pagtigil ng tawa niya.

"Ewan ko sayo. Akyat na nga tayo ano oras na rin" Ang sabi niya sakin. Sabay tayo sa upuan.

Tumayo na rin ako sa seat ko at sabay na kaming umakyat.






Our story •A Tagalog Love story•Where stories live. Discover now