talent portion

331 4 0
                                    


Shane's POV

"Nako nak, mas maiinlove siguro si Lance sayo kapag nakita ka niyang nakaayos ang buhok mo at ang mukha mo" ang sabi sakin ni mommy.

"Oo nga, lalo na kapag nagperform kayo mamaya, 'no mommy?" Ang sabi din ng ninang ko na pinaplantsa ang buhok ko, natawa naman ako nang tinawag niya si mommy ng 'mommy'.

I just smiled

"Shane, anong oras ako pupunta sainyo?" Ang chat sakin ni Lance

"Uupdate kita kapag malapit na matapos sila mommy na ayusan ako, nakakahiya naman kung pupunta ka na dito tapos panunuorin mo lang kami"

"Sus nahiya pa haha, sige sabihan mo nalang ako"

After like 1 hour ng pagaayos sakin ay sa wakas natapos na rin.

Sinabihan ko na si lance na pumunta na and on the way na din daw siya, may 1 hour pa naman bago ang calltime sa Robinson's.

"Shane andito na ako" ang chat niya sakin..

Dali dali na akong lumbas at nakita siyang nakapink na polo at nakabkack slocks with black shiny shoes

Nilapitan ko siya at nginitian "hi, you look great" ang bati ko.

"You too, perfect pala yung suot kong polo parehas ng kulay ng dress mo" ngiti niya

"Shane you look....beautiful, I mean beautifulest"

Natawa ako sa sinabi niya "beautifulest? May ganun bang word"

"Wala, ganun lang talaga kita idescribe" he winked.

Niyaya ko na siya pumasok ng bahay at binati niya na sila mommy at ninang at nagpractice na kami ng kanta namin.

--

Nandito na kami ngayon sa loob ng cinema sa Robinson's, dito gaganapin ang talent portion ng ISAL, nakaupo na kaming lahat ng candidates habang sila lance at mommy ay nasa liku-likuran ng cinema seats.

Nagstart na ang program at isa isa nang pinakita ng mga kapwa ko kandidato ang talent nila.

"And now, let's give it up for candidate #18" that's me.

Bago ako tumayo sa seat ko ay nagbuntong hininga ako, you can do this shane. Lumingon ako para hanapin si Lance, papalapit na siya sakin.

"We can do this" ang bulong niya sakin at inapiran ako.

"Uhm candidate #18" ang tawag sakin ng mga nagsset up ng piano ko sa stage

"Asan yung auxiliary ng piano?" Ang tanong niya.

Napatingin ako kay lance, hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi naman ako ang nagbuhat at naglagay ng piano sa kotse ni Lance.

"Uhm nakapatong lang po diyan sa piano sir" ang sagot ni Lance..

"Chineck na namin lahat pati yung bag ng piano, wala talaga"

Napatingin nalang ako bigla kay Lance, nawawala? So ibig sabihin naiwan yung auxiliary somewhere?! HINDI PWEDE!!!!

"Uhm wait, I'll find it sir"

Bigla akong binulungan ni Lance at hinawakan ako sa waist na naging dahilan ng pagkagulat ko at kaya hindi ko rin naintindihan ang sinabi niya.

Umupo muna ako sa seat ko at naghintay, gosh ngayon pa talaga nangyare 'to. Nakakahiya sa mga candidates. Sabihin nila special ako kasi pinaghintay pa namin ang mga judges at mga audience. Hays, how embarrassing!

Bumalik na ulit si lance na hawak hawak ang auxiliary, buti naman at nahanap niya, cinontinue na ulit nila ang pagsset up at pinaakyat na ako sa stage.

Nagstart na kaming kumanta at ginawa ang mga pinractice namin, buti naman hindi kami nagkakamali kahit sobrang kinakabahan kami.

Nang matapos kaming kumanta ay niyakap niya ako. Bumaba na kami ng stage at nagsipalakpakan ang mga audience pati na rin ang mga candidates at judges. Niyaya niya ako sa seat nila mommy at nagsisitalon sa tuwa.

"We did it Shane!" Tuwa niyang sinabi sakin. "Congrats sainyong dalawa, nakakatuwa kayo" ang sabi samin ni mommy. "Thanks mom" ngiti ko.

Sa buong oras ng program ay wala kaming ginawa kundi panuorin ang mga talent ng mga kapwa ko kandidato, yung iba sobrang gagaling at yung iba okay lang naman. Sana manalo kami ni Lance.

Natapos na ang program ay lahat kami ay nagsialisan na sa cinema, tutungo na sana si Lance sa car niya ng tawagin siya ni mommy

"Lance, uuwi ka na ba? Bakit kaya hindi ka na muna magdinner sa bahay"

"Ahh sige po tita"

"Tara na, para maaga ka din makauwi"

Naghead na kami sa kotse at umuwi na.

Habang nagdidinner kami ay kinilala ng mabuti ni mommy si Lance, tinanong niya kung paano kami nagkakilala, kung ano nagustuhan ni Lance sakin at kung seryoso daw ba siya.

Ang mga sagot ni Lance made me fall for him even more, hindi ko alam sa sarili ko pero sa mga simpleng efforts niya para sakin ay unti unti ko siyang hinahangaan, he's different, ngayon ko lang naramdaman sa isang lalaki 'to. Pero syempre ayoko paring madaliin dahil nirerespeto ko rin naman sila mommy at ang sarili ko, hindi yung basta basta nalang ako.

After ng dinner ay nagpaalam na siya kay mommy at hinatid ko na siya palabas ng bahay.

"So, manunuod ka bukas?" Ang tanong ko sakanya.

"Manunuod saan?"

I rolled my eyes "ano ba meron bukas? Diba last day ng ISAL ko, it's evening wear"

Lumaki ang mga mata niya "oh gosh Shane, I'm sorry pero hindi ako makakapanuod" ang paumanhin niya sakin.

Nagbuntong hininga ako "why?" Malungkot kong tanong sakanya.

"Si mommy kasi, gusto niya na bumyahe kami bukas kasama si ate sa baguio dahil birthday ng lola ko" ang explain niya sakin.

"Ah ganun ba? Sige" malungkot ko paring sabi.

Nagbuntong hininga siya "Shane, sorry talaga... ganto nalang, pagbalik ko dito babawi ako"

"Promise?"

He smiled "promise yan, gagalingan mo bukas ha, I'll go na magaayos pa ako ng mga gamit ko" ang paalam niya sakin at hinalikan ang noo ko at umalis na.

Alam ko wala akong karapatan na magtampo pero kasi inasahan ko siyang manunuod siya bukas dahil tinanong niya ako sa mga dates ng ISAL, yun pala bbyahe sila papuntang baguio bukas. Hays goodluck nalang sakin bukas, ayoko muna siya isipin, baka magkamali pa ako bukas.

Pagpasok ko ng bahay ay napansin ni mommy na nakasimangot ako.

"Shane, bakit ka nakasimangot?"

"Wala mommy pagod lang" maikli kong sagot

"Hmm, alam ko nagsisinubgaling ka, ang okay okay mo pa kanina nung nandito si Lance. Tell me the truth" mahinhin na sinabi ni mommy. Alam na alam niya talaga kapag nagsisinungaling ako.

Nagbuntong hininga ako "hindi kaai makakapanuod ai Lance bukas sa last day ko eh, bbyahe daw sila ng baguio"

"Anak, wala naman tayong magagawa, hindi ka ba niya sinabihan na babawi siya pagbalik?"

"Sinabi... pero..."

"Oh ayun naman pala eh, maghintay ka nalang shane, saglit lang naman siguro sila dun. Ito talagang anak ko, inlove na inlove"

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo " sige na mommy magpapahinga na ako"

Tumungo na ako sa kwarto ko at naligo na at nagpahinga.





Our story •A Tagalog Love story•Where stories live. Discover now