theater show

250 6 0
                                    

The next day at 2:34 pm

Shane's POV

Habang nasa hallway kami nina Glaiza at Janelle, nagkkwentuhan malapit sa mga locker namin ay biglang tumunog ang speaker.

"Attention all students, attention all students please proceed to the AVR now."

Nang marinig namin iyon ay bumaba na kami papuntang AVR.

Ano nanaman kayang announcement?

Nang makapasok kami sa AVR ay hinintay nalang namin ang ibang students na makapasok at ang principal.

"Okay, good afternoon Students. Kaya kayo nandito ngayon dahil merong isang theater show on September 1 in makati city. The theater show category for september 1 will be a disney movie, and it's Tangled. we were invited to watch it. It isn't required for you to come and watch, kung sino lang ang interested ay pwede na kayong bumili ng tickets sa office. I hope maraming sumama dahil bihirang bigyan ang school natin ng ganitong opportunity" ang sabi ng principal sa stage.

"Ms. Herdoza, sure po bang worth it yan? And how much po ang ticket?"ang tanong ng isang studyante.

"I assure you na sobrang worth it nitong tangled show na 'to. We have watched it last week. And about the ticket, it's only 250 pesos each student. Kung may iba pa kayong gustong isama ay sabihan niyo na kagad sila dahil limited lang din ang tickets sa office, kapag naubusan kayo ng tickets sa office ay sad to say wala kayong ibang choice kundi pumila sa mismong araw." Ang explain ni Ms. Herdoza.

This is the most interesting announcement I've heard from the principal. Tangled pa ang panunuorin ng mga sasama. Maririnig ko na in real life ang kantang 'I see the light' sa mismong character! I'm very excited.

"Ano babes? Sasama kayo?" Tanong ni glaiza saamin ni Janelle.

"Ako sasama ako kung sasama ka Glaiza, for sure namang sasama 'tong si Shane eh" ang sagot ni Janelle.

"Syempre Shane pa ba? Eh tangled yan eh, never tumanggi si shane pagdating kay rapunzel" ang sabi ni Glaiza.

Natawa ako sa sinabi nilang dalawa, kilalang kilala talaga ako bg mga kaibigan ko.

"Sama na tayong tatlo" ang aya ko sakanila.

"Sige, kelan tayo bibili ng tickets?" Tanong ni Janelle.

"Bukas, para hindi tayo maubusan" ang sagot ni Glaiza.

"Sige sige" ang sabi namin ni janelle

Paglabas namin ng AVR ay may biglang humawak ng kamay ko.

Napalingon ako at nakita si Lance

"Hey, sasama ka sa September 1?" Ang tanong niya

"Yes, ikaw, Sasama ka ba?"

"Ayaw ko sana kasi parang ang boring pero dahil sasama ka, sasama na rin ako" ngiti niya

"Nako, hindi mo naman ako kailangan samahan kung ayaw mo talaga Lance"

"Sayang din kasi eh, walang pasok sa september 1, eh gusto pa naman kita makita araw araw, kaya sasama ako"

"Ano ka ba Lance, magsasayang ka pa ng pera para sakin" Ang tanggi ko.

"Don't worry about the money, ang mahalaga makasama ko yung taong mahal ko" ngiti niya.

Wala akong nasabi kundi mapangiti sa sinabi niya "ayie kinilig siya" ang asar niya at kinurot ang pisngi ko.

"Aray ah, ikaw kaya ganyanin ko" kinurot ko rin ang dalawa niyang pisngi "ow, ang sakit"

"Ano kurot pa?" Tawa ko sakanya.

"Ikaw talaga" alam ko na ang gagawin niya kaya tumakbo na ako at tumili.

Kahit gaano kabilis ang takbo ko ay nahuli niya parin ako at niyakap sa likod ko

"Eherm" may narinig kaming boses na naging dahilan ng pagbitaw ni lance saakin at napalingon kaming dalawa.

Nako, si Ms. Herdoza!

"Wala pa ba kayong mga klase loverbirds?" Ang tanong niya saamin

Napayuko ako at hindi napigilang tumawa ng marahan

"Uhm pabalik na rin po kami sa room namin" ang sabi ni Lance ng nakasmile.

"Nako nako stay strong sainyo" ang biro ni Ms. Herdoza saamin. May ganitong ugali pala principal namin na akala mo kaibigan lang niya mga students niya.

"Thank you Ms. Herdoza" ang sabi ni Lance.

Umakyat na ulit kami sa sarili naming classroom at naghintay na ulit sa next professor.

Excited na talaga ako sa september 1!






Our story •A Tagalog Love story•Where stories live. Discover now