flashback

257 6 0
                                    


Lance's POV

Nakababa na kami ng eroplano, habang lumalakad kami palabas ng airport ni Iris ay bigla niya akong tinanong.

"Kuya, hindi ka ba talaga maiintindihan ni Shane?" Ang tanong saakin ni Iris.

"Talagang hindi ako maiintindihan non Iris, hindi niya pa nga alam ang totoo tungkol saating dalawa eh, kahit pa sabihin ko hindi na siya maniniwala katulad nalang ng sabi niya saakin kanina" ang sabi ko nang may halong kalungkutan saakin boses at nagbuntong hininga.

"Bilisan na natin, naghihintay na yung maghahatid saatin sa hotel sa labas" ang sabi ko.

Flashback:

Habang nagpphone ako sa sala ay may biglang kumatok sa pinto ng bahay namin. Binuksan ko ito at nanlaki ang mga mata ko

"Iris? Anong ginagawa mo dito?" Ang tanong ko sakanya.

"Uhm kuya Lance, pwede ba tayong  mag-usap? Kahit saglit lang, may gusto lang ako sabihin sayo" ang sabi niya saakin na para bang kabado.

Pinapasok ko siya sa bahay at naupo kaming dalawa sa sala.

"Lance, patuloy nama--" natigil si mommy sa pagsalita nang makita niya si Iris.

"Good afternoon po" bati ni Iris kay mommy.

"Good afternoon, doon muna ako sa labas ha" ang sabi ni mommy at umalis na sa sala.

"Kuya Lance, alam kong hindi magiging madali para saating dalawa ang sasabihin ko--" cinut off ko siya nang dahil sa narinig ko.

"Saatin? Bakit anong meron? Never pa kitang kinausap, even sa school" ang sabi ko with confused face.

"Kuya Lance, I'll just go straight to the point okay?... kapatid kita kuya Lance, magkapatid tayo" ang sabi ni Iris na naging dahilan ng paglaki ng mga mata ko.

Ano?! Magkapatid kami? Paano?

"H-ha? Anong sinasabi mo?"

May nilabas siya sa bag niya at pinakita saakin ang papel. Nakalagay sa papel ang tungkol sa parents ni Iris

"Ano 'to?" Ang tanong ko.

"Look, nakalagay na name ng tatay ko is si Francisco Genova at ang nanay ko naman is si Renalyn San Diego" ang sabi ni Iris.

"So magkapatid nga tayo? Nang dahil sa daddy ko?! Totoo ba 'to? Alam ba 'to ni mommy?"

"Yes alam niya, and totoo yan, ang kwento kasi saakin ng tita ko is nung nalaman ng daddy ko na buntis si mama iniwan daw kaagad ng daddy ko si mommy, and 3 years old palang daw ako is nagpakamatay si mommy dahil hindi niya daw matanggap na iniwan siya ng daddy ko... kaya simula nung bata ako, si tita na ang nagalaga saakin" ang explain niya.

Hindi ako nakasalita at niyakap nalang siya "may kapatid ako, may kapatid ako" mahina kong sabi at hindi makapaniwala

Kumawala akonsa yakap at hinawakan ang kamay niya "sabihin mo sa tita mo na dito ka na tumira. Aalgaan ka namin dito ni mommy. And ipromise mo saakin na sana saatin nalang 'to, wala na sana munang makaalan na magkapatid tayo" ang sabi ko habang naluluha.

"Sig--" napahinto siya sa sinabi niya at napatingin sa likod ko.

Lumingon din ako para makita kung anong meron.

Si Shane.

Binatawan ko kaagad ang kamay ni Iris at hinabol siya palabas.

"Shane, let me explain" ang sabi ko sakanya at hinawakan ang kamay niya.

"You don't need to explain, pumunta lang naman ako dito para magpaalam"

"Shane, hindi. Hayaan mo akong sabihin sayo ang totoo"

"No Lance, nasaktan mo na ako eh. Akala ko pa naman okay ka na sakin. Bakit? Ano ba nagawa kong mali sayo para lokohin mo ako? O may kulang ba akong nagawa bilang girlfriend mo? Ano ipinakita sayo ni Iris para sumama ka sakanya at para baliwalain yung fact na baka masaktan mo ako. I hate you, akala ko iba ka, akala ko patuloy mo nang patutunayan yung pangako mo. Pero hindi pala" And with that umalis na siya.

Hindi niya na ako nilingon ulit at patuloy na naglakad papalayo.

Hindi ko napigilang bumagsak sa sahig at lumuha ng lumuha. Nakaramdam ako ng yakap, si Iris at Mommy.

"Hayaan mo na siya anak, kahit pa sabihin mo aakanya ang totoo, hindi na siya maniniwala dahil kung anong nakita niya sainyo ay yun ang paniniwalaan niya"

"Ganito nalang kuya, tutulungan nalang kita para mabalik ulit si Shane, alam kong mahal na mahal mo siya"
Ang sabi ni Iris saakin.

"Paano mo naman gagawin yun? Magsisingapore na siya, tsaka hindi mo naman kailangan gawin yun Iris"

"Edi magiipon ako, tapos lilipad tayo ng singapore, hahanapin natin siya. Ako gumawa ng problema kuya kaya ako din ang gagawa ng solusyon"

Hindi na ako nakaimik at niyakap nalang silang dalawa.

End of flashback

Sobrang nakakalungkot lang at nakakahiya kay Iris dahil nagipon siya ng pambili ng ticket namin papunta dito para ayusin ang relasyon naming dalawa ni Shane pero mukhang malabo na maayos pa lalo na ako ang naging dahilan ng pagkatanggal niya sa trabaho niya. Mahal na mahal pa man din niya ang trabaho niya dahil yun ang pangarap niya.

"Kuya, ayun na yung driver"ang sabi ni iris na naging dahilan ng pagbalik ko sa realidad.

"Tara na" ang aya ko sakanya at pumasok na kami sa kotse.

Mahal na mahal kita Shane, lahat gagawan ko ng paraan para maayos tayo.

Our story •A Tagalog Love story•Where stories live. Discover now