Kabanata 2

4.1K 94 4
                                    

Kabanata 2

attitude


"bad mood, huh?" Puna sakin ni Alen nang sumalampak ako sa sofa pagkarating ko sa bahay.

Nilingon nya ang paninda ko bago muling nag taas nang tingin sa akin.

"Anyare? mas madaming turista ngayon? ba't di ka nag bebenta?

Hindi sinasadya, sa kanya ko tuloy naipukol ang masama kong tingin. Agad namang kumunot ang noo nya. Hindi ko na napigilin kundi sumigaw sa inis!

"Ugh! I hate him! ang yabang yabang! kala mo kung sino, porque madaming bodyguard ganon na siya umasta? aba! hindi nya ako madadala sa pera nya! Hindi lahat ng tao pera ang habol! Nakaka---"

"Verone! Chill!" Nahinto ako ng gulat na naka tingin sakin si Alen.

"Ano bang nangyari? I kwento mo sakin para maintindihan ko yang galit mo!" Iritado nyang saad.

Alam kong mas lalo lang mag iinit ang ulo ko kapag binalikan ko pa ang nangyari, pero wala akong nagawa kundi ikwento yon kay Alen. Sinigurado kong bawat detalye ay alam niya, para naman maintindihan nya kung saan nanggagaling ang init ng ulo ko. Im very kind, and patient! Lalo na sa pag handle nang mga ganyang bagay. Hindi ko lang alam kung anong nangyari kanina at bakit napatulan ko ang lalaking iyon. Maybe, his arrogant attitude is too much that I can't even take it!

A laughed escape from Alen's mouth.

"Gwapo ba?" Inis ko siyang nilingon. Andami kong kinwento pero yun ang inintindi nya.

"What?" I said unbelievable.

"Ano Veronica? Gwapo ba? Baka gwapo kaya inis na inis ka e 'no?" Mapang asar na mata ang ipinukol sakin ni Alen.

Hindi naman yun ang dahilan kung ba't ako nainis! mayabang nga kasi.

"Gwapo?" Nagmamadaling lumundag sa tabi ko si Alen.

Alen is handsome. Unang tingin ay hindi mo aakalaing bakla, minsan nga ay napag kakamalan kaming mag nobyo. But when you know him, dun ka manghihinayang kasi ang hanap nya ay gwapo din.

"W-well, a bit." I lied. Gwapo yun, hindi lang 'a bit'

"Aha! Let me see the face! Ako ang aaway, tara!" Bigla siyang tumayo at hinila ako sa pulsuhan.

I know him! Hindi niya yun aawayin, gusto nya lang makita ang itsura!

Sinamaan ko siya tingin at agad na binawi ang kamay.

"Ikaw nalang," Inirapan ko siya sa iritasyon. He only laughed me. Narinig ko pang sinabihan ako ng kill joy!

What the?

Sa sobrang Iritasyon ko ay dumiretso na ako sa taas at iniwan siya sa sala. He called my name pero kumaway nalang ako patalikod.

When I enter my room, isang tawag ang na receive ko sa phone. I accept the call and went inside my walk in closet. It is the former room of his tita nung kabataan nito, kaya medyo malaki.

"Hello?" I sighed.

"Kiarra," Panimula ko.

"I've been calling you, ba't walang nasagot?" I licked my lower lip habang tinitignan ang pwede kong isuot.

"My phone is off so,"

"What happen? Ano tong issue mo kay Arnold? Verone, alam mo naman diba?" Again, I sighed.

Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu