Kabanata 28

3.2K 80 6
                                    


Kabanata 28

now

"Thank you for the ride and....Sorry kung naka abala ako sa date nyo,"

"No! It's fine. I had fun with you. Sige na, go upstairs and rest." I nodded.

Nilingon ko si Rox na hindi ako tinitignan, diretso ang tingin sa kalsada. I bit my lips. Pinipigilan ang sariling tawagin pa siya.


"Hope you'll be fine," Nginitian ko si Savanna bago tuluyang tumalikod sa kanila.



Maghapon magdamag akong umiyak. Akala ko nailabas ko na ang lahat, hindi pa pala. Kinabukasan ng umaga tumawag si Alen, he's asking for a video call pero hindi ko magawang tanggapin iyon dahil makikita nya ang itsura ko.


"Puta? Bakit ayaw mong sagutin?" Pinindot ko ang loud speaker at inayos ang pagkain sa harap.


Im here taking my breakfast at the hotel's restau, pinili ko iyong katapat mismo ang dagat para marelax ako. Kaya lang ay siya namang pag tawag ni Alen.


"Im eating, Alen. Ikaw ba? Anong ginagawa mo jan?"

"Wala, andito ako kina tita. Im just checking on you, hindi ka tumatawag sakin!"


I sighed, pinag patuloy ang pagkain.

"Busy ako."

"Busy!? At san ka naman naging abala!?" I can see his exxage face. Halos mapairap ako.

"Madaming pwedeng gawin dito Alen. Im trying to enjoy, okay?"

"Sure ka jan? Baka mamaya.....Come back na pala kayo," Hagikgik nya.

Nahinto ako sa pag inom ng orange juice dahil sa sinabi nya. Im trying to relax here tapos ipapaalala pa nito, bad timing din e.

Hindi ako sumagot at nag tuloy nalang sa pagkain. Seconds after the silence, bigla siyang sumigaw. I almost jump dahil sa tiniis noon, I immediately took the phone and turn off the speaker dahil nilingunan na ako ng mga kalapit na lamesa.


"Oh fucking no! Nagkabalikan nga kayo?! How? Ilang linggo ka palang jan—It can't be! But——"


"Chill! Hindi kami nag kabalikan okay? Ang lakas ng boses mo Alen, nasa public place ako."


Umirap ako dahil nawalan na ng ganang kumain, hawak ko kasi ang cellphone sa tainga at hindi rin makagalaw dahil nahihiya sa paninitig sakin ng iba.


"Weh? bakit hindi ka nakasagot?!"



"I told you, Im eating." Sumandal nalang ako sa inuupuan at pinanood ang matataas na Alon ng Paseo.

I can almost hear the waves, I know it'll soothes me.


"Pero nakita mo na siya jan? Im sure you did?"


"Wala, hindi ko nakita." Sabi ko.


I heard him sighed. "Baka nga wala jan? Pano yan?"


"Anong pano?" Walang gana kong sabi. Tinignan ko lang ang kuko'ng walang kaayos ayos.


Baka iyon nalang muna ang gawin ko sa mga susunod na araw. Mag ayos.


"Sayang punta mo?"


"Hindi sayang Alen. As if naman na siya ang punta ko dito," Nag iwas ako ng tingin sa pag sisinungaling.


Bakit, Veronica? Hindi ba talaga?


He laughed. "Testing lang! Malay mo siya nga! Bakit ka naman kasi uuwi jan at papayag na mag asikaso ng bahay?"



Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora