Kabanata 16

3.4K 84 6
                                    


Kabanata 16

extra

Iyon ang laman ng aking isipan buong gabi. Nasa kalagitnaan kami ng masayang paguusap ni Alen at may matatanggap akong ganon' klaseng mensahe, hindi na kataka taka kung masira ang kasiyahan ko. Hindi ko na nabawi pa ang ngiti ko dahil hindi yon mawala sa aking isipan.

The sender is trying to say na Alen is hiding something from me. I know Alen much better than the sender, kaya hindi dapat ako naniniwala. Naiinis nga ako sa aking sarili dahil hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa iyon hanggang ngayon. Kilala ko si Alen and he's not hiding something pero hindi ko maiwasang mapaisip na, paano nga kung meron? At kung meron man, ano iyon?

Kinabukasan sa trabaho ay iyon ang laman ng isip ko. I was preoccupied the whole day na kahit si Rox ay napansin na din ang madalas na pagtulala ko. He's not that busy and he's talking to me all the time kaya madalas nya iyon mapuna.

"Hey, Verone. Are you okay?" Hindi ko namalayan na kinakausap nya pala ako. Kung hindi nya lang hinawakan ang hita ko ay hindi ko pa siya mapapansin.

"Uh, ayos lang ako," I smiled to assure him.

"What is it that's bothering you? tell me," fear is in his voice. Natatakot sa pananahimik ko.

I chuckled to lessen the tension. "Im really okay, Rox. May iniisip lang ako,"

Ilang sandali nya pa muna akong tinignan, hindi naniniwala sa sinabi ko.

"You're thinking about what?"

"Tungkol sa kung anong susuotin ko para next week. Birthday ng papa mo," I said calmly.

Buti nalang at nakahanap agad ng palusot.

But then, knowing him and his stare, alam kong hindi siya naniniwala.

Damn this man! Wala na ata akong maitatago dito.

"Ikaw, may susuotin kana ba?" Ginaya ko ang ginawa nyang pag hawak sa hita ko, dahil siya naman ngayon ang nakatulala sa akin.

Sandali nya iyong tinapunan ng tingin bago muling bumaling sa akin. Nginitian ko siya para ipakitang ayos lang ako dahil mukhang iniisip nya pa din iyon.

"I have," Iyon lang at muling nanitig sakin.

"Rox, Im really okay!" I laughed because of his non-stop stare.

He sighed. "Let's go and look for your gown then,"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. I was just making an alibi! Mayroon na talaga akong susuotin and shit! Anong gown? Hindi namin kailangan mag gown, my manager said a formal dress will do!

Aangal pa sana ako kaso wala na akong ibang dahilan na masabi. At isa pa, wala na din akong nagawa ng tawagan nya ang kung sino at ipahanda ang sasakyan. I was seating on the sofa while he is talking to someone on the phone. Tinapunan ako ng tingin bago ibaba ang tawag.

"Rox, hindi ko na kailangan ng gown," Mahinahon kong sambit habang nasa sasakyan kami. He start the car engine at hindi ako tinapunan ng tingin.

"I thought you're thinking about this?" He said sarcastically.

Damn! Kaya nya siguro ako niyaya dahil alam nyang nagsisinungaling ako at gusto nyang subukan kung hanggang saan ako magsisinungaling. Well, sorry Rox. Paninindigan ko nalang kesa malaman mong nagsinungaling ako.

"O-oo nga. Pero hindi naman namin kailangan mag gown," I said calmly. Sumandal na ako sa inuupuan at hindi na siya tinignan, kunwari ay wala lang ito sa akin.

Hindi rin siya sumagot kaya hinayaan ko nalang. Buong byahe ay tahimik kami at tanging musika lamang mula sa radyo ang nagbibigay ingay sa paligid. Akala ko ay pupunta kami sa mall, nilingunan ko siya ng ibang ruta ang kanyang tinahak. I was about to ask him kung saan ang tungo namin but i didn't. Mukhang seryoso siya sa pag d-drive kaya hindi ko na nais pang guluhin.

Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now