Kabanata 26

3K 68 7
                                    


Kabanata 26

Lie

"Hi! Yung sinasabi ko sayong party sa Drip, this Saturday na yon. Makakasama ka ba?"


Kasalukuyan akong abala sa pagluluto ng dadalhin ko kay Rox ng makatanggap ako ng tawag mula kay Anika, yung babaeng kaibigan ni Arnold.


Sumandal ako sa counter ng maliit kong kusina habang nakikinig sa sinasabi nya.


"Don't worry, yung mga nakita mo sa mall, yun lang din ang kasama natin. We're excited to bond with you!"


"Wala naman akong gagawin sa saturday kaya....Sige,"

Hindi ko napigilang mapangiti ng marinig ko ang pag tawa nya sa kabilang linya.


"Yes! Hahahaha sige see you there? Wear something bad huh? Yun ang theme ng party,"


Nag tanong pa ako kung anong oras pupunta at kung saan yung Drip kasi hindi ko talaga alam. After getting the adress, pumayag na akong magkikita nalang kami sa labas ng lugar na iyon.


Hanggang ngayon, hindi ko talaga inaasahan na magkakaroon pa ako ng kaibigan dito sa Paseo. I hope i get along well with them.




Alas onse ng matapos ako sa pagluluto at hindi maiwasang mapamura ng makita ang oras! Nitong mga nakakaraang araw kasi na pag punta ko sa opisina ni Rox ay palaging hindi ko siya naabutan, palaging nasa labas, umaalis at may pinuntahan. Minsan nga hindi ko alam kung totoo pa yon, pero dahil laging ganon ay nasanay nalang akong iniiwan ang pagkain sa kanya.


Nag mamadali ako sa pagbibihis ng makitang mag aalas dose na. Ang breaktime nila ay hanggang ala una lang at ang byahe mula dito sa Hotel papuntang opisina nya ay halos trenta minutos. Mauubos ang oras ko!



Tuloy tuloy ang lakad ko at nagulat pa ng hindi ako hinarang ng Secretary nya. Nandito siya?


I smiled. Bastos man pero nakasanayan ko ng buksan nalang ang pinto at mag tuloy tuloy sa office nya. Mas lumaki ang ngiti ko ng agad mag tama ang tingin namin pagkabukas ko ng pinto, na para bang inaantay nya talaga ako.


"Lunch?" Nag tungo ako sa palagi kong lugar, ang kainan.


Inilagay ko na doon lahat ng dala kong pagkain dahil matatapos na talaga ang lunch time! Baka mamaya.... paalisin pa ako nito.

"Dumating ka pa." Nilingon ko si Rox sa sinabi nya.

Masungit siyang nagtitipa sa Laptop na para bang kaaway nya ito. Yung tingin na parang sinusunog kana sa impyerno.


I swallowed. "Uh, sorry na late. Traffic kasi..." I bit my lower lip. Ang sungit naman nito.

"Kain na tayo?" Maingat ko siyang tinignan ng matapos ko ang paghahanda.

Para kasing abala siya sa ginagawa kaya siya nag susungit, nakakatakot siyang abalahin.


"As you can see, Im busy." I arched my brows as i turn my gaze on his table.


Laptop ang naroon at iilang papeles. Mayroon pa sa lapag at mukhang tambak siya. Sandali pa akong napaisip kung bakit may mga ganoong papeles ng maalala kong madami nga palang business ang lalaking ito. Baka ang mga napagiwanan niya sa manila ay dito nya tinatrabaho.


I sighed. Kawawa naman.


Hindi na ako nag dalawang isip na ilagay sa pinggan ang mga pagkain at dalhin iyon sa table nya. Hahawakan ko nalang at wala naman akong mapagpapatungan sa kanyang lamesa.


Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now